Home / Romance / A Love Reclaimed: Fated To Love You / Chapter 401 - Chapter 410

All Chapters of A Love Reclaimed: Fated To Love You: Chapter 401 - Chapter 410

419 Chapters

401.

Kahit papaano, nakabalik sa kanyang diwa si Rhian at narinig ang malalim na tinig ni Zack sa kanyang tainga, "Huwag kang matakot, convection lang ito, mawawala din ito, maghintay ka lang." Ang boses ng lalaki ay tila may kapangyarihan. Nang marinig niya ang mga salitang iyon, unti-unting huminahon ang kanyang paghinga, ngunit ang katawan pa rin niya ay nanginginig. Tinitigan ni Zack ang takot sa mukha ni Rhian, nawala ang kanyang galit, napalitan ito ng pagmamalasakit. "Nandito ako, magiging maayos din ang lahat kaya huwag kang matakot," ang malalim niyang sabi na nagpakalma kay Rhian. Sumagot si Rhian nang nanginginig bago bumaling tumingin nang may takot sa direksyon ng labas ng bintana "Rio... Zian..." Hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Zack ang salitang ito, nakita niya ang pag-aalala sa mukha ng babae para sa mga anak. Lalo siyang nagalit, at habang lumalala ang galit niya sa tunay na ama ng mga bata, mas lalo niyang naisip na hindi karapat-dapat ang lalaking para kay Rh
last updateLast Updated : 2024-12-29
Read more

402.

Kumunot ang noo ni Rhian, nag-isip sandali, "Ano bang klase ng pasasalamat ang gusto mo, Mr. Saavedra?” Nang marinig niya ang malamig na tanong ni Rhian, ngumisi si Zack ng may pang-aasar, “Pwede bang wag ka na umiwas sa akin, kaya mo ba iyon? Naalala ko, sinabi mo na ang relasyon natin ay parang mga estranghero. Kung ganon, bakit ka iiwas sa isang estranghero?” Nang marinig ito, napaisip si Rhian ng ilang segundo at hindi na sumagot, iniwas niya ang kanyang mga mata. Talaga namang nagpapasalamat siya kay Zack sa nangyari, ngunit nais niyang panatilihin pa rin ang distansya na nararapat. Nakita ni Zack ang kanyang reaksiyon, nagkaroon siya ng ilang sandaling katahimikan bago tumayo mula sa kanyang upuan na walang ekspresyon at malamig na nagsabi, "Kung hindi mo kaya, kalimutan na lang." Pagkatapos, lumakad siya palayo at lumabas ng eroplano. Habang tinitingnan ang likod ni Zack habang ito ay umaalis, naupo si Rhian sa kanyang upuan ng ilang sandali bago unti-unting tumayo.
last updateLast Updated : 2024-12-29
Read more

403.

"Mas gumaan ang pakiramdam mo kumpara kanina, di’ba?” sabi ni Zack ng malalim na boses. Nabigla si Rhian, tumingin siya kay Zack. Tumingin si Zack sa mga mata niya parang nagsasabing. Kung patuloy siyang mag-iwas ay siya din ang mahihirapan Nagtagal ang kanilang pagtitinginan sa ilang segundo. Si Rhian ay yumuko at kinagat ang labi niya, saka siya huminga ng malalim at hindi na nagpumilit na bumitaw kay Zack. Tama si Zack, siya din ang mahihirapan sa kanyang pagpapanggap na ayos lang siya. Unti-unti niyang hinayaan ang katawan na umasa sa braso ni Zack. Si Zack naman ay maingat na sinuportahan siya at dahan-dahan nilang nilakad ang direksyon patungo sa labasan ng airport. Paglabas nila sa airport, naglakad si Rhian at nagpasalamat, "Salamat, Mr. Saavedra, okay na ako ngayon. Maaari mo na akong pakawalan." Ngunit hindi siya pinakawalan ni Zack. "Isasakay kita." Tumanggi si Rhian, "Hindi na kailangan, magta-taxi nalang ako pauwi.” Maliwanag na nakita na ng mga bata na hindi si
last updateLast Updated : 2024-12-29
Read more

404.

Ipinaliwanag nang mahinahon ni Zack sa bata ang nangyari, "Nagkataon lang na magkasama kami sa eroplano. Pagkatapos naming bumaba, nakita kong hindi maganda ang pakiramdam ng Mommy niyo kaya't inihatid ko siya pauwi." Matagal na tinitigan nila Rio at Zian si Zack nang may pagdududa, ngunit nang hindi makakita ng anumang kakaiba, ipinagpalagay na lang nilang totoo ang sinabi nito. Nang makita ni Rhian na palapit si Rio kay Zack, nagkunwari siyang hindi ito nakikita at tinawag ang anak, "Rio, pumasok na tayo sa loob.” Nang marinig ang sinabi ng ina, agad na tumango si Rio at inalis ang tingin kay Zack at saka sumunod kay Rhian papasok sa bahay. Si Jenny naman ay maingat na tinulungan ang kaibigan, ang mga mata'y puno ng pag-aalala, "Talaga bang nasusuka ka lang?“ Matagal na silang magkaibigan, at ngayon lang niya nakita si Rhian na ganito, at kitang-kita na hirap na hirap ito. Nakita ni Rhian na naghihintay ng sagot ang dalawang anak, kaya’t para hindi na mag-alala, mahinahon si
last updateLast Updated : 2024-12-30
Read more

405.

Magana na kumain ang mga bata. Masaya sila dahil bukas ay si mommy ang maghahatid sa kanila. Mayamaya, bumalik si Jenny. Nagtaka si Rhian na tumingin dito. “Gusto ko lang sabihin sayo na kapag hindi parin maganda ang pakiramdam mo bukas ako nalang ang maghahatid sa kanila.” Nakangiti siyang sumagot. “Salamat na lang. saka pasensya ka na nga pala sa abala nitong mga nakaraang araw.” Winasiwas nito ang kamay. “Ninang ako ng mga bata, tungkulin ko silang alagaan kapag wala ka at abala. Para saan pa’t magkaibigan tayong dalawa. Magpagaling ka na para hindi na sila mag-alala sayo. Bumalik lang ako para tiyakin kung kaya mo na ba talaga na maghatid sa kanila.” Matapos ang pagkain, nagtagal pa si Jenny ng kaunti, inantay na magpahinga ang mga bata bago nagpaalam at umuwi. Sa kabilang banda, nang bumalik si Zack sa mansion, nakita niyang nakahiga si Rain sa coffee table, abala sa paglalaro ng Lego. Matapos maglaro kasama sina Rio at Zian, nilaro din ng anak ang hilig nila at pina
last updateLast Updated : 2024-12-31
Read more

406.

Kinabukasan, nang magising si Rhian, mas magaan na ang pakiramdam niya. Nang maalala niyang kailangan niyang ihatid ang mga bata sa paaralan, tumayo siya at nagsimula mag-ayos, binuksan ang pinto at nagtangkang bumaba. Pagbukas niya ng pinto, nakita niyang nakatayo na ang dalawang anak sa harap ng pinto. Dahil alam nina Rio at Zian na si mommy ang maghahatid sa kanila sa paaralan, maaga pa lang ay nagising na silang dalawa at naghintay sa pintuan. Nais nilang kumatok para gisingin si mommy, ngunit hindi nila ito ginawa nang naalala nilang hindi maganda ang pakiramdam ng kanilang Mommy. Kaya't tahimik lang silang naghintay na lumabas ito. Nang makita nilang lumabas si Rhian, nagniningning ang kanilang mga mata, "Mommy!" Hinaplos ni Rhian ang ulo ng mga anak, "Ang aga niyo naman magising. Kanina pa ba kayo naggihintay?” Umiling ang kambal, “Tara, mag-agahan na tayo, pagkatapos ay ihahatid ko pa kayo sa eskwelahan." Tumango ang mga bata. Magiliw nila na kinuha nang tig-isa ang
last updateLast Updated : 2024-12-31
Read more

407.

Masaya sila na nakita nilang dumaan si Rain, ngunit hindi nila gusto na naroroon din si Daddy. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, hindi nila alam kung anong ekspresyon ang dapat nilang gamitin. "Mommy." Matapos mag-atubili, lumapit pa rin ang dalawang bata kay Rhian. Tumingin si Rhian sa mga anak at nagtanong, "Tapos na ba kayong kumain?" Nakangiting tumango ang mga bata, at ngumiti kay Rain, sabay tanong kay Zack, "May kailangan po ba kayo kay Mommy?" Tumingin si Zack sa anak at sumagot nang malalim, "Wala, pero si Rain ay may kailangan." Tumango si Rain, na tinitigan ang kambal nang may kalungkutan. Ramdam niya na ayaw ng mga ito niya kay Daddy, at hindi niya ito nagustuhan. Gusto niyang sana'y maging magkasundo silang lahat, tulad ng Mommy at Daddy. Nang makita ang malungkot na mata ng batang babae, hindi nakapagsalita ang dalawang bata at tumahimik. Si Rhian ay yumuko at muling tumingin kay Rain, "Rain, kumain ka na ba? Gusto mo bang pumasok at kumain kasama kami?" Nang
last updateLast Updated : 2025-01-01
Read more

408.

Si Zack din ay bumaba mula sa sasakyan, hawak ang maliit na pink na schoolbag ni Rain, at naglakad papunta sa kanila. Biglang naalala ni Rhian na naiwan ang schoolbag ni Rain sa sasakyan ng lalaki.Hindi alam ni Rhian kung anong iniisip nito. Dapat ay ibinigay na lang niyo sa kanya ang bag at diretsong pumasok sa kumpanya.Kukunin sana Rhian ang schoolbag ni Rain, ngunit iniiwas ni Zack ang kamay nang walang emosyon, "Tara na."Bumagsak ang kamay ni Rhian, samantala ang kambal ay humawak sa kanyang kamay, saka lamang siya nagbalik sa katinuan. Napapantastikuhang sinundan niya ng tingin ang lalaki.Sa pintuan ng room, naghihintay na si Teacher Pajardo. Nang makita nitong magkasama magkasama sila, ngumiti ito at binati si Rhian, "Doktor Fuentes, matagal na tayong hindi nagkita. Matagal ka din hindi naghatid sa kanila.”Ilang araw na rin mula nang huling makita si Rhian sa kindergarten, dahil madalas si Aling Alicia o si Jenny ang naghahatid sa mga bata."Matagal na nga," ngumiti si Rhia
last updateLast Updated : 2025-01-01
Read more

409.

Ang ibig niyang iparating ay siya ang may kredito, ngunit nang marinig ito, hindi napigilan ni Zack na maisip ang sinabi ni Rhian kanina, dahan-dahan niyang hinaplos ang kanyang mukha gamit ang palad, puno ng frustration ang kanyang ekspresyon.Nakatingin si Gino kay Zack at nakapansin siya na ang mukha nito ay kabaligtaran ng inaasahan niya. Nag-aalala siyang nagtanong, "Bakit parang hindi ka masaya pag nabanggit ko kay Doktor Rhian? May nangyari ba sa inyo na hindi ko alam?" Tsismoso niyang tanong.Bago pa makasagot si Zack, nagsalita ulit si Gino, "Narinig ko ang tungkol sa ugali mo kay Doktor Rhian noon. Kung gusto mong manatili siya sa tabi mo, kailangan mong magtiis. Bukod pa riyan, si Doktor . Rhian ay isang babae, at siya ang tunay na ina ni Rain. Dapat magbigay ka ng konting pag-unawa."Nagmadali si Zack na magsalita at tipid na sumagot, "Alam ko."Napailing si Gino. Palagi siyang mahaba kung magsalita. Ngunit sa huli, isang sagot lang ang nakuha niya. Tipid talaga ito magsal
last updateLast Updated : 2025-01-01
Read more

410.

Ngumiti si Gino ng may kumpiyansa "Huwag mong kalimutan kung anong meron ako. Bilang isang tao sa industriya ng medisina, wala nang nakakaalam ng gusto ni Doktor Rhian kundi ako. Higit pa, kung hindi ako nagkakamali, si Doktor Rhian ay nakatutok sa tradisyunal na medisina, kaya malabo niyang isuko ang pagkakataong ibibigay ko."Nakita ni Zack na puno ng kumpiyansa si Gino kaya't nagkunot siya ng noo at nagmamadaling nagtanong, "Ano ang magagawa mo? Huwag mo na akong bitinin.”Sumagot si Gino, "Kung nais mong paunlarin ang tradisyunal na medisina, isa ang bansa natin sa maganda na pagsimula. Sa palagay mo bakit bumalik si Doktor Rhian sa Pilipinas sa pagkakataong ito? Hindi ba para makilala ang klase ng kanyang paggagamot at magtagumpay dito? Nais niyang magtagumpay sa bansa. Sa palagay ko ay wala talaga siyang planong umalis agad noong una… iyon nga lang….” Bitin ni Gino sabay tingin kay Zack ng may ngiti. Ang kahulugan ng kanyang mga salita ay maliwanag.Dumating si Rhian sa Pilipin
last updateLast Updated : 2025-01-01
Read more
PREV
1
...
373839404142
DMCA.com Protection Status