Home / Romance / A Love Reclaimed: Fated To Love You / Kabanata 201 - Kabanata 210

Lahat ng Kabanata ng A Love Reclaimed: Fated To Love You: Kabanata 201 - Kabanata 210

377 Kabanata

201.

Kakauwi pa lang ni Rhian mula sa trabaho nang marinig niya ang mga staff na pinag-uusapan ang tungkol sa kasal nina Zack at Marga. Puro papuri ang maririnig sa mga ito… at naiinggit din ang ilang kababaihan. "Ang sweet talaga ni Sir Saavedra. Inalagaan niya ang kanyang fiancée nang buong gabi. Nakakainggit talaga! Ang nobyo ko, ni minsan ay hindi naging ganyan ka-sweet sa akin!” “Ako din. Kahit minsan ay hindi naging ganyan ang nobyo ko. Kaya nakakainggit talaga ang fiancee ni Mr. Saavedra. Hindi lang gwapo at mayaman ang mapapangasawa niya, sweet din at maalaga!” Papuri na may halong sambit naman ng isang babae. Mayamaya, may napansin ito. “Hindi niyo ba napapansin? May pagkakahawig kay Doktor Rhian ang babaeng karga niya?” Dahil sa sinabi nito, tiningnan ng mabuti ng iba ang malabong kuha ng larawan. “Aba, oo nga noh! Kahawig na ni Doktor Rhian!” Sang-ayon nila. Habang naglalakad at nagkukuwentuhan ang mga researcher, napansin nila si Rhian at binati siya. "Paalam, Dok
last updateHuling Na-update : 2024-11-27
Magbasa pa

202.

"May mga hot topic ba na kailangang pagtuunan ng pansin kamakailan?" tanong ni Zanjoe nang mapansin niyang matagal nang nagbabrowse si Rhian sa cellphone. Nang marinig ito, tinago ni Rhian ang kanyang cellphone at tumingin sa lalaki, pinipigilan ang sarili na huwag mapahalakhak ng tawa dahil sa mga komentong nabasa. Ngumiti siya nang parang wala lang, "Wala, may nakita lang akong ilang tsismis. Tsismis na sobrang nakakaaliw!” Dahil sa kasalukuyang relasyon nila ni Zack, ang balita tungkol kay Zack ay tila tsismis na lamang sa kanya. "Anong tsismis? May celebrity bang naba-bash ngayon?" tanong ni Zanjoe habang nag-iisip kung anong balita ang sinasabi ni Rhian. “Pero mukhang natatawa ka kanina… sino ang tinatawanan mo?” Natigilan si Rhian sa tanong niya, ngumit sumagot pa rin siya, "Hindi celebrity, hindi ko matandaan kung sino siya, basta na-click ko lang.” pagsisinungaling niya. Pagkatapos sabihin iyon, hindi niya binigyan si Zanjoe ng pagkakataon na magtanong. Mabilis niyang
last updateHuling Na-update : 2024-11-27
Magbasa pa

203.

Nang makita ni Zack na malapit nang magtapos ang klase sa kindergarten, dahan-dahan niyang isinantabi ang kanyang mga iniisip at nagmaneho patungo roon. Ayon sa nakasanayan ng kanyang anak, baka makita niya ang babae sa kindergarten. Baka hindi nito agad pinaalis ang babae… Pagdating niya doon, napansin niyang hindi naman siya huli, pero ang babae ay dumating nang mas maaga at wala na si Rhian at ang mga anak nitong lalaki. Si Rain ay sanay na maghintay sa kanyang ama kasama ang kambal, pero ngayon, siya lang mag-isa, tahimik siyang nakatayo habang ng teacher ang kamay niya. "Mr. Saavedra, nandito na po kayo." Alam ni Teacher ang kalagayan ni Rain kaya't maingat siya sa bata. Noon pa man ay hindi niya ito iniiwan ng mag-isa hangga’t wala ang sundo nito. Kaya ng makita niyang dumating ang ama ng kanyang estudiyante, lihim siyang nakahinga ng maluwag. Mabuti at hindi ito nahuli ngayong araw. Bumitaw di Rain sa kanyang guro at lumapit sa kanyang ama. Pagkabasok nila sa kotse, ha
last updateHuling Na-update : 2024-11-27
Magbasa pa

204.

Nang marinig ni Zack ang mga salita ng kanyang ina, tumaas ang labi niya nang may pang-aasar, "Kung wala akong balak na pakasalan siya? Paano mo ito ipapaliwanag kay Marga?" Nang marinig ito, napasinghap si Dawn sa pagkabigla. Nang makabawi, tumalim ang kanyang mata sa galit. "Ano'ng ibig mong sabihin? Si Marga ay naghintay para sa'yo ng maraming taon at nagbigay ng maraming sakripisyo para sa'yo! Sinasabi mo ngayon na wala kang balak magpakasal sa kanya? Ang kasunduan ng kasal natin at ng pamilya ni Marga ay pinalaganap na sa buong bayan sa loob ng maraming taon. Naisip mo ba kung anong sasabihin ng tao kapag nakansela na ang kasunduan?" Sumagot si Zack ng malamig, "Bakit mo iniisip na hindi ako kumilos sa bagay na ito sa loob ng anim na taon? Sinabi ko na sa'yo na hindi mo na kailangang makialam. Ako na ang bahala tungkol sa bagay na ito!" Nang marinig ni Dawn ang mga salitang iyon, nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Malinaw ang gustong iparating ng kanyang anak—malinaw n
last updateHuling Na-update : 2024-11-27
Magbasa pa

205.

Pagkatapos umupo sa sala ng ilang sandali, inutusan ni Zack si Aunt Gina na tawagin si Rain para kumain. Si Rain ay matyagang naghintay sa kanyang kwarto, iniisip ang sinabi ng kanyang lola kanina, at iniimagine ang eksena na kung ang magandang tita ang magiging ina niya. Sabik na sabik na bumaba siya. Nang makaupo sa mesa. Napansin ni Rain na tahimik ang daddy niya… ngunit dahil sa pagkasabik, hindi niya inisip na may problema ito. Habang kumakain, hindi niya napigilang magtanong, "Daddy, pakakasalan mo po ba si tita ganda?" Puno ng pag-asam ang kanyang tono at mga mata. Mula nang bumalik ang maliit na batang babae, bagamat madalas siyang makipag-usap, karamihan ng kanyang mga sinabi ay mga maikling pangungusap lang. Ito ang unang pagkakataon na nagtanong siya ng ganito kahabang pangungusap. Napansin ni Zack ang tanong ng bata at nagulat siya. Nang maisip ang saloobin ng anak kay Rhian, nag-isip siya sandali at nagtanong, "Gusto mo ba siya na maging ina?" “Yes, daddy!!!” T
last updateHuling Na-update : 2024-11-27
Magbasa pa

206.

Sa kabilang banda, pagkauwi ni Rhian kasama ang mga bata pabalik sa bahay, nag-aalangan siya kung iimbitahan ba si Zanjoe na pumasok para alukin na magkape bilang pasasalamat sa paghatid sa kanila. Napansin naman ni Zanjoe ang kanyang pag-aalangan, kaya nginitian nito ng nakakaunawa si Rhian, "Medyo late na, kailangan ko na ring umuwi. Magkita tayo bukas." Hindi maipaliwanag ni Rhian ang pakiramdam ng ginhawa na bumangon sa kanya, kaya hindi na niya pinilit si Zanjoe. “Salamat nga pala sa paghatid ha.” “Walang anuman, Doktor Fuentes. Basta ikaw… malakas ka sa akin eh.” Birong-totoo ni Zanjoe bago tuluyang umalis. Habang pinagmamasdan niyang umalis ang kotse ni Zanjoe, dinala ni Rhian ang dalawang bata papasok sa bahay. Naghanda na ng hapunan si Aling Alicia at inilapag ang mga pagkain sa mesa nang makita sila nitong dumatong. Tinuturing ni Rhian si Aling Alicia na parang kapamilya, kaya’t nagsalo silang apat sa pagkain. Habang kumakain, naalala ni Aling Alicia ang tung
last updateHuling Na-update : 2024-11-27
Magbasa pa

207.

Pagkatapos ng pag-uusap ni Dawn kay Zack, umuwi siya at agad nakipag-ugnayan sa pamilya Suarez. Dahil sa balita, ayaw ni Marga na pumasok sa kumpanya at makinig sa mga usapan ng mga empleyado tungkol sa kung gaano kaganda ang pagkakapareho ni Zack at ng babaeng nasa larawan, kaya nanatili siya sa bahay sa nakaraang dalawang araw. Nang tumawag si Dawn, si Belinda ay nakaupo sa sofa katabi ni Marga. "Nakipag-usap na ako kay Zack, ipaalam mo kay Marga na huwag mag-alala, hindi na mauulit ang ganitong insidente. Maghihintay na lang tayo sa engagement!" maririnig na sinabi ni Dawn mula sa kabilang linya. Tumingin si Belinda kay Marga at ipinahiwatig na siya na ang sumagot sa tawag. Inabot niya ang telepono sa anak, na agad naman nitong kinuha. Hinanda ni Marga ang kanyang sarili at nagpasalamat nang magalang at may lambing, "Salamat po, Tita. Hindi ko alam kung paano ko kayo pasasalamatan. Sa tuwing may ganitong problema, palagi nalang kayong nari’yan ni tito para tulungan ako.”
last updateHuling Na-update : 2024-11-27
Magbasa pa

208.

Bagamat nagmaneho ng mabilis patungo sa cafe, si Marga ay nakaupo na sa kanyang pwesto nang dumating si Rhian sa cafe. "Ganon ka ba ka-busy, doktor Fuentes, kaya matagal akong naghintay para sa appointment na ito," asar na sinabi ni Marga nang makita siya. Umupo si Rhian sa tapat ni Marga. Bagama’t inis siya sa babaeng ito, hindi pa rin siya dumating sa tamang oras, kaya humingi siya ng pasensya. "Pasensya na, talagang abala ako kaninang umaga kaya nahuli ako at naghintay ka ng matagal." Matapos sabihin iyon, napansin ni Rhian na parang gusto na naman siyang laitin ni Marga. Kaya’t hindi na siya nag-aksaya ng panahon at sinabi nang direkta, "Nakikita mo naman siguro, Miss Suarez na talagang busy ako. Kaya kung may sasabihin ka, mas mabuti pang sabihin mo na lang agad. Ayoko magsayang ng oras. Kailangan ko pang bumalik agad sa trabaho.” Nabigla si Marga at nainis nang marinig iyon. Ang mukha niya ay nagbago ng anyo… nasira ito. Tahasang sinasabi ng babaeng ito na siya ay sin
last updateHuling Na-update : 2024-11-28
Magbasa pa

209.

Nang makalabas si Rhian sa coffee shop. Agad siyang nagtungko sa parking lot at sumakay sa sasakyan. Ngunit hindi niya binuhay ang makina nito. Nanatili siyang nakaupo doon hawak ang manibela. Magulo ang isip niya. Matapos manirahan sa ibang bansa ng anim na taon, akala niya ay hindi na siya masasaktan sa mga nangyari noon. Ngunit hindi niya inaasahan na ang kanyang emosyon ay mati-trigger pa rin nang banggitin ni Marga ang mga nangyari noon. Aaminin niyang noong ikinasal siya kay Zack anim na taon na ang nakalipas, hindi niya alam ang tungkol kay Marga. Kung nalaman sana niya... hindi siya magiging baliw at magiging martyr para mahalin ng kanyang dating asawa. Habang naiisip ang mga nararamdaman niya noon kay Zack, napangiti siya ng mapait. Ang fairytale na buhay pag-ibig na inakala niya ay isa lamang palang bangungot. Walang hanggang sakit lamang ang dinulot niyon sa kanya. Kung gaano siya kasaya noong ikasal kay Zack noo’y ganun din kasakit ang naranasan niya noon sa pil
last updateHuling Na-update : 2024-11-28
Magbasa pa

210.

Habang lulan ng sasakyan pauwi, ang dalawang bata ay nag-aalala na nakatingin sa kanya, may pag-aalala sa mukha. "Mommy, masama ba ang mood mo?" Hindi agad nakaimik si Rhian. Akala niya ay maayos niyang naitatago ang nararamdaman sa harap ng mga bata, pero hindi niya inaasahan na makikita ito ng mga ito. "H-ha? Bakit niyo naman nasabi iyan mga anak?" Tanong niya, tiningnan ang dalawang bata sa rearview mirror at nagtanong na parang wala namang nangyari. Nakasimangot na sumagot si Rio sa mommy niya. "Tiningnan mo lang si Rain kanina, parang hindi ka na masaya. Ginawa ka ba ni tito Zack na malungkot? Inaway ka ba niya?" Pagkarinig ni Rhian sa pangalan ni Zack, bumuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung gaano kalapit kay Zack ang anak niya nitong mga nakaraang araw, kaya't nagkaroon ng ganitong hinala ang anak niya. Kailan pa naging close ang dalawa? Sumunod na nagsalita si Zian, "Kanina po, parang gusto na pong umiyak ni Rain." Nang marinig ito, parang may matinding paghi
last updateHuling Na-update : 2024-11-28
Magbasa pa
PREV
1
...
1920212223
...
38
DMCA.com Protection Status