All Chapters of CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress: Chapter 31 - Chapter 40

122 Chapters

Kabanata 31

Sa isip ni Hara ay alam na rin siguro ni Gabriel na kumalat na nga ang tsismis tungkol sa kanila ni Dana. Nang matapos na i-accept nito ang friend request ng binata ay nakita niya sa messenger na typing ang dialogue box ni Gabriel. Para bang may gusto itong sabihin sa kanya.Ngunit matapos ang ilang minutong pag-aantay ay wala ring mensahe na natanggap ang dalaga. Ngunit makaraan ang ilang sandali ay nakita na naman ni Hara na typing ang dialogue box ni Gabriel.Gusto itong tanungin ng dalaga kung ano ba ang gustong sabihin ni Gabriel at tila ba ay nahihirapan ito,ngunit sa huli ay tanging question mark lamang ang natanggap ni Hara kaya naman ay nagpanggap na lamang siya na hindi niya ito nakita.Walang masyadong gamit si Hara sa nirerentahan niyang bahay maliban sa kanyang mga damit pang-loob at ang kanyang mga libro tungkol sa financial industry. Nang matapos siyang mag-impake ay agad niyang tinawagan ang kanyang land lord upang makipag-negotiate sa dito tungkol sa refund ng nat
last updateLast Updated : 2024-11-17
Read more

Kabanata 32

Nang makalabas si Gabriel galing sa bedroom ay nakapagpalit na ito ng puting casual outfit.Tila ba'y nabawasan ang pagiging seryoso nito at nagmukhang bata na para bang isang college student na kung pagpawisan ay parang bata na naglalaro ng basketball.Samantalang si Hara naman ay nag-iisip pa rin ng paraan kung paano pipigilan si Gabriel sa pagsama sa kanya na lumabas. Dahil kapag lumabas silang dalawa nito ay masyadong magiging kahina-hinala! Paano na lamang kapag may kumuha sa kanila ng litrato nang palihim? "Let's go." Matigas na pag-aaya ni Gabriel. Sa huli ay nanaig din ang saloobin ni Hara kaya naman ay hindi na ito nakapag pigil."Sir Gabriel, meron po bang mga media o empleyado sa kompanya natin na nasa paligid lamang? Sa tingin niyo po ba...masama ba na baka makita nila tayong magkasama?" Pagpapaalala niya kay Gabriel sa mahinahon at marahang paraan."Ano namang mali doon?" Malamig na sagot lamang nito. Hindi inaasahan ni Hara na parang walang pakialam si Gabriel sa lahat.
last updateLast Updated : 2024-11-18
Read more

Kabanata 33

"Ano?" Naguguluhang tanong ni Hara. Hindi niya talaga maintindihan si Dana na para bang nagpapa-bugtong bugtong ito."Dapat alam mo kung bakit ikaw ang pinili ni Gabriel." Agad na naibalik ni Dana ang kanyang kagalang galang na awra at postura, ang kanyang mga pulang labi ay bahagyang nakangitngit at ang kanyang titig ay may pagmamayabang, "Pinapaalalahanan lang kita. Kung ayaw mong makinig, magpanggap kana lang na wala akong sinabing kahit ano." Nagmistulang orihinal na asawa si Dana at binabalaan ang kabit ng kanyang asawa na si Hara.Pero ang totoo, si Gabriel at Hara ang totoong kasal dahil sila ang mayroon ng marriage certificate. Gustong sabihin iyon ni Hara kay Dana ngunit hanggang subok lamang iyon. Dahil nang buksan niya ang kanyang labi upang magsalita ay nakaramdam siya ng takot. Kaya mas pinili niyang huwag na lamang itong sabihin.Dahil malaking hindi pagkakaintindihan ang maidudulot nito. At bakit nga ba siya magsasayang ng oras para makipag-diskusyon kay Dana tungkol
last updateLast Updated : 2024-11-18
Read more

Kabanata 34

"Alright." Simpleng pagpayag ni Gabriel na may kasamang pagtango at inikot ang kanyang paningin para tignan si Hara, "Hindi ka na magpapanggap pa?" Napatuwid ng titig si Hara at marahang ngumiti, "Nababahala lamang ako na baka magkamali ka ng pagkakaiintindi saakin. Kapag sinabi ko agad na dati tayong magkakilala at magkaklase ay baka isipin mo na ginagamit ko iyon para makapasok kaagad sa application ng head office." Tinaasan lamang siya ng kilay ni Gabriel, "Hindi ko pagbibigyan ang kahit sino man ng koneksyon para lang makapasok." Kalmadong sagot nito ngunit impunto rin at lumabas ang awra niyang pagiging CEO, "Kaya naman ang maibibigay ko lang sa'yo ay pagkakataon and the mess you created is for you to clean up too." Marahang napatango si Hara. Dahil nasaksihan niya mismo ang ganoong ugali ni Gabriel noong may dinner meeting sila noon at hindi niya na pa pagbibigayan ng pagkakataon si Manger Molina.Kaya naman kapag tumaas pa ang call amount ng Larana, nakakasiguro siyang wala
last updateLast Updated : 2024-11-18
Read more

Kabanata 35

Ma-iinlove sakanya si Gabriel? Kahit kailanman ay hindi niya magagawang isipin iyon pwera nalang kung malapit nang magunaw ang mundo. Dahil napaka-impossible talag, mas may tyansa pang mag snow ang Pilipinas kaysa ang magkagusto sa kanya si Gabriel. "Sa ngayon, gusto ko lang kumita ng pera, at wala ng iba pa." Walang gana niyang sagot sa mapilit ka kaibigan. "Sabi na nga ba!" At humugot ng malalim na buntong hininga si Sabby. "Kung hindi mo rin pala alam kung paano pakinabangan iyang kagandahan mo, mas maganda sigurong ibigay mo na lang saakin iyan!" Nawiwili si Hara sa ekspresyon ng kaibigan, ngunit habang nagsasalita ito ay may N. Saez ang nag-message sa kanya sa email. 'Hello Miss Perez, Sinabihan ako ni Mr. Dela Valle na e-contact ka. This is my phone number 09*********. If your are free and not busy, let's exchange social media to contact each other.' Kaya naman nang mabasa iyon ni Hara ay agad niyang sinend ang kanyang phone number pati na rin ang kanyang social media accou
last updateLast Updated : 2024-11-19
Read more

Kabanata 36

"Ano ang bagay na iyon?" Nangangambang tanong ni Hara."Hindi ko rin alam. Hindi naman patalim ang hawak niya kasi hindi naman siya nasugatan. Hindi ko na rin naman siya tinanong!" Natatarantang sagot ng nurse. Agad naman lumapit si Hara sa doktor upang ito na lamang ang tanungin, "Dok, kumusta po ang mama ko?" Nag-aalala niyang tanong at may kabang nararamdaman."Hindi naman ganoon kalala sa ngayon. May nakapag-trigger lang sa kanya at muntik na siyang ma-atake sa puso. May sinabi ka ba sa kanya?" Kita sa mukha ng doktor ang pagka-dismaya at ang tono ng kanyang boses ang medyo agresibo. "Hindi ba nasabi ko na ito noon na ang mga nararamdaman ng isang pasyente ay paiba-iba, kaya huwag kayong gumawa ng dahilan para ma-trigger siya, maaring mag-sanhi ito ng kapahamakan niya anumang oras!" Halos mapapikit si Hara nang marinig ang labis na pagkadismaya sa doktor na kausap niya. Tumingin ito ng diretso sa mga mata ng doktor, "Doc, hindi ko po siya nakausap ng buong araw." Tumigil si
last updateLast Updated : 2024-11-22
Read more

Kabanata 37

Alam ni Hara ang dala-dalang puot sa puso ng kanyang ina sa mga lumipas na taon at mas lalo lamang itong pinatibay, mas lalong lumalim. Kung pagkasuklam lang ang pag-uusapan ay talagang mamumuhi ka. Noon, ang ama ni Hara ay inilipat lahat ng assets at emosyonal niya itong ginihipit para sapilitang magpakamatay si Helena.Naalala niya pa noon, sa malalim na gabi noong bata pa lamang siya ay nakaluhod siya sa kanyang ama habang umiiyak at nagmamakaawang huwag itong umalis. Ngunit hindi manlang siya tinignan nito at tuluyan na silang iniwan.Habang ang ibang estudyante ay nasa paaralan, si Hara ay nagtatrabaho para kumita ng pera, naghuhugas ng pinggan, at naglilinis ng cr. Hindi niya alam kung ano ang pakiramdam na mag-diwang tuwing holidays. Habang ang ibang bata ay mahimbing na natutulog, siya naman ay nagbabasa ng libro at gumagawa ng mga assignment sa isang masikip at gulo-gulong silid. Ayaw niya rin ng kanyang sitwasyon noon. Kinasusuklaman niya rin iyon.Ngunit sa lahat ng nang
last updateLast Updated : 2024-11-22
Read more

Kabanata 38

Gustong sabihin ni Hara kay Gabriel na huwag sana itong masyadong mabait sa kanya dahil baka bigyan niya ng kahulugan ang bawat tulong na binibigay ng binata baka maging sakim din siya kalaunan. Gaya na lamang ng taong uhaw na uhaw sa gitna ng disyerto na kapag nakainom na ng kaonting tubig ay laging aasa na may ganoong pagkakataon at hiling na lagi siyang makainom nito.Ngunit hindi niya ginawa. Hindi niya sinubukang sabihin o magpakita ng kahit na anumang emosyon o bagay sa harap ni Gabriel dahil kasal lang sila sa papel, iyon lang iyon at wala nang hihigit pa.Nang matapos asikasuhin ang gulo sa hospital ay sumabay si Hara sa pag-uwi sa Northwood kay Gabriel. Kahit na ito ay pagod ay naligo pa rin siya bago humiga sa kama. Makalipas ang mahabang sandali, mula sa pagkakatulala sa puting kisame ay nakarinig siya ng tunog sa labas.Kaya naman ay dali-dali niyang binuksan ang kanyang mga mata at wala sa malay niyang tinignan ang kanyang selpon. Alas tres na pala ng madaling araw at ang
last updateLast Updated : 2024-11-23
Read more

Kabanata 39

Nang magising si Hara ay wala na sa kanyang tabi si Gabriel dahil maaga itong pumunta sa kompanya.Dahil weekend sa araw na iyon ay agad siyang tumayo mula sa pagkakahiga, naligo at naglinis ng buong bahay bago nagprepara ng pagkain na dadalhin niya sa hospital.Kaya naman nang makarating sa pinto ng ward v1 ay agad niyang nakita ang dalawang lalaking naka-uniporme na nakatayo sa harap nito. Para silang mga hired bodyguards na makkikita sa telenovelas, nakasuot ang mga ito ng itim na suits at walang ekspresyon ang makikita sa kanilang mga mukha.Nang lumapit siya sa pinto ay agad siyang hinarangan ng mga ito. Napakunot noo si Hara sa natanggap na trato."Kailangan ng permiso ng taong papasok sa ward na ito." Matigas na sambit ng isa sa mga guard.Napabuntong hininga na lamang si Hara at tumango, "Anak ako ni Helena Perez." Maikli niyang pagpapakilala. Noong una ay akala ni Hara na baka utos ito ng hospital ngunit nang magtanong siya sa mga gwardya ay nalaman niyang bodyguards pala n
last updateLast Updated : 2024-11-23
Read more

Kabanata 40

"Sige ma, kailangan ko na pong umalis." Pagpapaalam niya sa ina. Sa isip ni Hara ay hindi dapat siya kumalma lang pagdating sa trabaho dahil kailangang galingan ng doble para makalikom agad ng pera.Nang matapos makapag paalam sa ina ay agad siyang nag-book ng taxi papunta sa head office ng Dela Valle. Ilang beses pa lamang siyang nakapunta sa head office at ang isa na roon ay noong nagkaroon ng annual meeting. Nang makapasok siya sa hall ay isa lang ang masasabi niya, lahat ay napaka elegante. Ang mga naglalakihang crystal lamps na nakasabit lamang sa hall na tantya niya ay nasa libong milyong piso ang halaga. Ang buong paligid ay nagmistulang museo, may mga antiques na naka-display at mga orihinal na paintings na nakasabit pa.Nang matapos busugin ni Hara ang mga mata sa paglibot sa hall ay agad niyang inalala ang sinabing direksyon sa kanya ni Dana. Pinindot niya lamang ang 12th floor sa elevator ay nakarating na siya sa tamang floor. Nang siya ay makalabas sa elevator ay nakita
last updateLast Updated : 2024-11-23
Read more
PREV
123456
...
13
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status