Pakiramdam ni Hara ay para siyang tinapon sa malalim na hukay at kadiliman lamang ang tanging bumabalot sa kanya. Wala siyang makita sa kanyang harapan.Hindi siya makasigaw at hindi rin siya makatakbo kahit gustuhin niya man. Bigla na lamang siyang may narinig mula sa kanyang likod. Kaya pinakinggan niyang mabuti iyon boses ng kanyang ina ang tumatawag sa kanya."Hara anak hindi na kita mapo-protektahan pa. Aalis na ako, mahal na mahal kita anak." Desperadong tumakbo si Hara sa pinagmumulan ng boses nang bigla na lamang siyang magising. Puting kisame ang bumungad sa kanya. Wala nang kadiliman, wala na rin ang boses ng kanyang ina.Bigla na hinawakan ni Axel ang kanyang palapulsuhan. "Hara, sa wakas ay gising ka na!" Napatingin lamang si Hara sa kamay nitong nakalingkis sa kanya nang mapagtanto ni Axel iyon ay marahan niyang inalis ang pagkakahawak. "Kinausap ng doctor si Sabby, saglit lang at tatawagan ko siya."Nang makaalis si Axel ay lalaking lumitaw mula sa gilid ni Hara at nak
Last Updated : 2025-03-02 Read more