Kaagad namang nag-reply si Sabby na mas lalong nakabigat sa loob ni Hara. 'Nako, Hara. Normal lang iyan kaya bakit pa ba tinatanong? Obvious naman e. Tawag diyaan ay super inlove!'Bago pa makapag-reply si Hara ay may pasunod pa na mensahe si Sabby sa kanya. 'Sa tingin ko ay may mali sayo, Hara. Kaibigan mo ba talaga ako?''Oo naman.' Mabilis na reply ni Hara.'Sige, sabihin mo nga saakin. Sino iyang lalaking nagpapagulo sa tahimik mong puso? Huwag mo nang itanggi pa! Base sa mga sinabi mo at kung paano ka mag-react, halatang inlove ka sa kung sinumang lalaki na iyan.'Halos mamula ang mukha ni Hara. Inlove na siya kay Gabriel? Paano? Kailan? Kumunot ang kanyang noo at hindi alam ang isasagot sa nagtatanong na kaibigan. Ngunit ang unang ideyang pumasok sa isip ni Hara ay sin o ba siya para mahalin si Gabriel? Gayong may minamahal itong iba, kaya paano niya magagawang mag-isip ng ganoong bagay?Napatikhim na lamang siya at nag-tipa ng reply sa kaibigan. 'Curious lang naman ako kung
Last Updated : 2025-01-24 Read more