Home / Romance / Taste of Sweet Vengeance / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Taste of Sweet Vengeance: Chapter 11 - Chapter 20

38 Chapters

Chapter 10

Maaga akong pumasok sa opisina. Iilan lang sa mga ka opisina ko ang nandito. Ewan kung bakit naisipan kong maaga pumasok samantalang dati ay halos makipag agawan na ako nang masasakyang taxi dahil late na ako. Kakaupo ko lang sa aking swivel chair nang salubungin ako ni Ms. Trinidad na may dalang mga papeles. Tulad nang dati ay hindi man lang niya akong nginitian. "Kailangan 'yan mamaya." 'yun lang ang sinabi niya saka tinalikuran na ako. Nagkibit balikat ako saka binuhay ang computer. Nasanay na akong gan'on siya. "Naks! Ang aga natin ah, anong nakain mo?" sabi ni Iris na kakarating lang. "Wala naman." sagot ko. Hindi ko alam kung bakit nakangiti ako ngayon. Kagabi pa ako ngiti nang ngiti sa hindi malamang dahilan. "Inlove ka no?" Agad akong napatingin kay Iris. Nakadungaw siya sa akin habang nakangiting naghihintay sa magiging reaksyon ko. "Ano ba 'yang sinasabi mo?" tanong ko. "E kasi kanina ka pa ngiting ngiti. Kumikislap din ang mga mata mo, halatang ang saya saya mo."
last updateLast Updated : 2024-10-20
Read more

Chapter 11

A/N: Maikling update lang po sa chapter na ito. Habang nasa biyahe ay hindi ko mapigilang hindi maipikit ang aking mata dahil sa antok. Nakaka antok din kasing tumingin sa daan habang umaandar ang sasakyan. Kanina pa kami umalis galing sa opisina pero hindi pa din kami dumadating. Nagtataka na ako kung bakit ang tagal namin dumating. Gaano ba kalayo ang pupuntahan namin?"Malayo pa ba?" Hindi ko na mabilang kung pang ilang beses na akong nagtanong nito simula kanina. "Are you sleeppy?" Umiling ako. Ngunit ngumisi lamang siya nang makitang naghikab ako. Gutom na nga, inaantok pa. "You're free to sleep. Gigisingin nalang kita kapag nakarating na tayo." "Gaano ba 'yun kalayo? Bakit ang tagal naman nating dumating?" "Just wait. Matulog ka nalang muna. Doon nalang tayo kakain, kaya mo pa naman maghintay hindi ba?" Kanina pa nga ako ginugutom e. Kung kainin nalang kaya kita? Charot. "Oo." Nanatili sa daan ang kaniyang tingin. Habang ako'y nasa labas pa din ang tingin. Hindi naman
last updateLast Updated : 2024-10-20
Read more

Chapter 12

Sa ganda nang lugar, hindi ko maipagkakailang gusto kong tumira dito. Maliban sa maganda, mapayapa pa ang lugar. Walang kahit sino ang pwedeng mangambala kung sino man ang naninirahan dito. Kahit ang bahay na ito ay maganda din. Kasing laki lang siya nang apartment ko pero may 2nd floor. Ang pinakapaborito kong parte nang bahay na ito ay ang ikalawang palapag. Dahil doon mo makikita ang kabuuan nang kagandahan dagat at buwan. Nakaupo na ako ngayon sa couch. Panay sighot at hatsing ko. Kanina ay pinagmasdan ako ang buong bahay ay masasabi kong inalagaan itong mabuti. Siguro ay madalas siya dito. Ang ganda naman kasi nang isla. Kahit ako ay gugustuhin din dito. "Can you wait? Bibilisan ko nalang magluto." Kakababa palang ni Ale. Nakapagbihis na siya nang puting t shirt saka itim na shorts. Napatingin ako sa isang puting t shirt na hawak niya. Naka tapis pa lang kasi ako nang tuwalya, sabi niya'y kukuha siya nang masusuotin ko. "Wear this." Ibinigay niya sa akin ang t shirt. Nang
last updateLast Updated : 2024-10-20
Read more

Chapter 13

Nagising akong masakit ang buong katawan. May mabigat na kung ano sa aking noo, nang hawakan ko ito ay puting panyo ang nandoon. Nararamdaman ko din ang init sa aking buong katawan. Nang pilitin kong umupo sa kama ay napahawak ako sa aking noo dahil sa sakit. I'm sick. Napatingin ako sa pinto nang kwarto nang bumukas ito. And there, I saw Ale. Agad naman siyang lumapit sa akin. "You're sick," aniya. Ngayon ko lang napansin ang maliit na palanggana sa side table. May isang mangkok din doon na naglalaman nang lugaw at umuusok pa. "I-I'm fine," Pinilit ko ulit umupo sa kama pero napabalik ulit ako sa pagkakahiga nang sumakit ulit ang ulo ko. "You need to rest. 'Wag ka munang masyadong gumalaw." Tumayo siya saka may kinuha sa drawer. Bumalik siya sa akin dala ang thermometer."I'll check." Hindi ako nagsalita at hinayaan lang siya sa kaniyang ginagawa. Pakiramdam ko'y wala akong lakas gawin ang anumang bagay ngayon. "You're still sick." aniya habang nakatingin sa temperature.
last updateLast Updated : 2024-10-20
Read more

Chapter 14

Bakit may mga taong kapag nagsawa o hindi gusto ang isang bagay ay basta nalang itatapon? Bakit hindi nalang balikan kung saan nagsimula kung paano mo ito ginusto? Gaya nang sabi ni Ale ay umuwi kami. Ayaw niya pa noong una dahil may sakit pa daw ako. Seriously? Mas alam pa niya kaysa sa akin na ako ang may sakit."Saan kayo pupunta?" tanong niya. Dahil ayaw niya pang umuwi ay sinabi ko sa kaniyang may pupuntahan ako. Nagtanong siya kung sino ang kasama ko at sinabi kong si Iris. Pumunta muna kami sa bahay ko upang kumuha nang mga gamit ko saka kami pumunta kay Iris. "Sa probinsya nila." "Saan nga?" Hindi ko natanong kay Iris kong saan. Basta umo-oo lang ako dahil wala naman akong gagawin sa bahay. "Hindi ko tinanong. Sabay naman kami papunta doon." Hindi na siya nagsalita at nag focus nalang sa pagmamaneho. Tinext ko si Iris kaninang umaga. Sabi niya'y maghihintay siya sa kaniyang apartment. "Diyan nalang." Huminto ang sasakyan niya sa tapat nang apartment ni Iris. Kinuha k
last updateLast Updated : 2024-10-20
Read more

Chapter 15

Gabi na nang makarating kami sa bahay nila Iris sa kanilang probinsya. Medyo makulimlim na noong dumating kami dahil sa nagbabadyang ulan. Wala din namang nasabing bagyo, siguro'y ulan lang ngunit hindi naman kalakasan. "Nay!" tawag ni Iris nang nasa tapat na kami nang kanilang bahay. Maganda ang kanilang bahay. Sementado at may pangalawang palapag. Mukha din itong makaluma na inalagaan lang nang maayos. Lumabas sa bahay nina Iris ang kaniyang nanay at tatay. "Anak, nakauwi ka!" anang nanay ni Iris sabay yakap sa kaniya. Nagyakapan pa sila nang kaniyang nanay at tatay habang kami ni Ale ay nanonood lang sa kanila. Napatingin ako kay Ale nang bigla siyang humakbang paatras at nag iiwas nang tingin. Tatawagin ko sana siya nang binalingan na kami ni Iris pati ang kaniyang nanay at tatay."Nay, tay, mga kaibigan ko po. Si Chernie 'tsaka si Ale." ani Iris. "Magandang gabi, po." bati ko. Ngumiti ang nanay ni Iris sa akin. Lumapit siya sa akin saka hinawakan ang aking kamay. "Magand
last updateLast Updated : 2024-10-20
Read more

Chapter 16

Hindi ako makapagsalita. Feeling ko'y para akong tulog at panaginip lamang ito. "I can't stop myself from seeing you. Hindi ko magawa na sa isang araw ay hindi ka makita." I'm shocked. Yes. Dahil hindi ko naman inaasahan ito. Akala ko'y simpleng lakad lang ang gagawin namin pero hindi ko alam na aamin siya. Pero teka, bakit parang impossible naman yata. I mean, bakit ako? Sa dami nang mga babae niya ay bakit ako? Magsasalita pa sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nang kinuha ko ito'y nakita kong si Ate Tinay ang tumawag. "Excuse me. Sasagutin ko lang," sabi ko. Nakita ko ang pagkawala niya nang pag asa saka tumango at binitawan ang kamay ko. "Hello, ate Tinay?" bungad ko. "Ma'am Chernie..." Kumunot ang noo ko nang marinig ang hikbi ni Ate Tinay. "Bakit po?" Nagsimula na akong kabahan. "Si Sir Joseph ho kasi, nasa ospital..." Bigla akong nanghina. No. Not this time."Anong nangyari? Ayos lang ba siya? Saang ospital?""Bigla ho kasi siyang inatake kanina..." sam
last updateLast Updated : 2024-10-20
Read more

Chapter 17

Days passed nasa ospital pa din ang kapatid ko. Nagigising na siya pero hindi pa siya pwede ma discharge dahil kailangan niya pang i-test. Ako naman ay halos sa ospital na tumira. Gusto kong kada gumigising ang kapatid ko ay ako ang nakikita niya. Minsan dinadalaw din siya nang mga kaibigan ko. Ngayon nga ay kasama ko si Alena. Si Ana kasi ay may race habang si Natalia ay nasa ibang bansa na. Si Jhia nasa probinsya na nila, kakauwi niya lang kagabi. At hindi ko alam kung babalik pa ba dito. "Kain ka kaya muna." aniya. "Mamaya na. Sabay nalang kami ni Joseph pag gising niya." Tumango lang siya. Wala akong ginawa kundi pagmasdan ang kapatid ko. Sinabi ko kay Daddy noon na kukunin ko si Joseph pero naisip ko din kung kakayanin ko ba siyang buhayin. "Alam mo, ganyan din ako noong nagkasakit si Kuya. Halos araw-araw ako sa kwarto niya kasi hindi ko napapanatag kapag hindi siya maayos. Siya kasi 'yung taong lahat gagawin para sa akin." May kislap sa mga mata niya habang nagsasalita p
last updateLast Updated : 2024-10-20
Read more

Chapter 18

Sa araw na ito ang araw nang labas ni Joseph sa ospital. Pumayag akong tumira sa bahay hindi dahil napatawad ko na sila, kundi dahil sa kapatid ko. Kung sana lang ay pumayag silang sa akin titira ang kapatid ko, hindi sana ako titira sa bahay. Hindi ko din talaga maintindahan. Pilit kong sinasabi sa sarili kong magpatawad pero sa tuwing makikita ko silang magkasama ay bumabalik lang lahat. Ang maisip na nasasaktan ang Mommy ko noong buhay pa habang sila ay masayang magkasama ay kumukulo ang dugo ko. Hindi man lang nirespeto ang pagkamatay nang Mommy ko at tumira pa talaga sila sa bahay. Bumuntong-hininga ako. Kailan ba maaayos ang buhay ko? 'Yung malaya akong makakasama ang kapatid ko na walang iniisip na sakit at galit. Kailan ko ba mapapatawad ang ama ko na naging dahilan nang pagkamatay nang Mommy ko? "Ate, sabi ni Daddy sa bahay ka na titira. Totoo po ba iyon?" Joseph asked me. Itinigil ko ang pagliligpit sa mga gamit. Kanina lang ay sinabi nang doctor na pwede nang ma disch
last updateLast Updated : 2024-10-20
Read more

Chapter 19

Kanina matapos ang usapan namin ni Savanah ay naisipan kong lumabas muna to freshen up. Sa nakaraang araw ay hindi ko na maintindihan ang sarili ko. I'm feeling lonely or sad kahit na dapat masaya na ako dahil kasama ko ang kapatid ko. That's my first priority from the start. But... I don't know now. Isang oras na akong nakaupo dito sa isang cafe, with my milktea. Ayoko pang umuwi sa bahay pero wala naman akong ginagawa dito. I was about to go when I saw a familiar face enter the cafe's entrance. It's been... wait... 4 or 5 days since I saw him. And now, I don't know what to do. Gusto kong magtago pero bago pa man ako makatayo ay nahanap na ako nang mata niya. His poker face reaction is not new to me. 'Yan naman ang palaging reaction niya sa lahat nang tao. Well, maybe, not on his girls. Speaking of, a sexy woman is on behind him. Kumapit kaagad ang kamay nang babae sa braso niya. Nang maramdaman niya iyon ay nilingon niya ang kamay nang babae. Pumirmi ang tingin ko doon saka ak
last updateLast Updated : 2024-10-20
Read more
PREV
1234
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status