“P-Pan,” ang nasabi ni Juancho nang makita niyang gising na si Pan.Gusto niya itong hawakan pero natatakot siyang itulak siya nito palayo.“I told you na hindi kita mapapatawad kung may nangyari sa anak ko, hindi ba?” Natigilan si Juancho at tumulo na naman ang luha niya.“I’m s-sorry, baby… I’m sorry…”Lumuhod na siya sa harapan ni Pan. “I’m really sorry…”“Sorry?” natawa si Pan. Wala ng kabuhay-buhay ang mukha niya. “Hindi ko kailangan ng sorry mo Juancho.”Halos dumapa na si Juancho sa sahig, hindi alam ano pang sasabihin maliban sa sorry. Umiiyak lang siya, umaasang kahit konti, kayang maibalik ng sorry niya ang lahat ng sakit na naidulot niya.“Patawarin mo ‘ko. Patawad sa lahat.” Humagolgol na saad niya.Alam niya kasing huli na siya. Sa mga tingin ni Pan sa kaniya, alam niyang huling huli na.“Kung gusto mong patawarin kita, ibalik mo sa akin ang anak ko.” Napatingin si Juancho kay Pan. Nanlaki ang mata niya.“P-Pan-"“KUNG GUSTO MONG PATAWARIN KITA, IBALIK MO SA AKIN SI ZA
Huling Na-update : 2025-02-07 Magbasa pa