Home / Romance / Never let you go / Kabanata 21 - Kabanata 30

Lahat ng Kabanata ng Never let you go: Kabanata 21 - Kabanata 30

35 Kabanata

CHAPTER 21

Cancel ang raket namin ni Eduard kaya nagdesisyon kami na magsimba na lang. Sa una ay ayaw pa niya ako samahan sa loob dahil baka raw masunog siya. Nagkayayaan kami na kumain sa labas pagkatapos ng misa dahil matagal na rin kaming hindi nagkikita. Ilang linggo rin kami na bakante kasi naging busy siya."Kumusta ka naman?" tanong niya habang naghihintay kami sa order namin."Okay naman ako. Ikaw, kumusta ka? Ang tagal din natin hindi nagkita at nagkasama. Kumusta ang banda?" tanong ko sa kanya.Ilang sandali lang ay dumating na ang pagkain namin. Habang kumakain ay nagkwentuhan kami dahil nga sa tagal namin hindi nagkasama. Si Eduard ang taong lagi kong naasahan at laging tumutulong sa akin kaya naman masasabi kong matalik ko siyang kaibigan. Galing siya sa mayamang pamilya pero mas pinili niya na mamuhay ng mag-isa at simple. Humahanga ako sa paninindigan niya dahil hindi siya umaasa sa ibang tao para mabuhay. Wala akong masyadong alam sa buhay niya dahil kadalasan ay umiiwas siya kap
last updateHuling Na-update : 2024-11-14
Magbasa pa

CHAPTER 22

"Tama ba ang gagawin ko?" alanganin na tanong ko kay Nikka habang kumakain kami.Isang linggo na ang lumipas mula noong araw na pumunta si Axel dito sa bahay namin. Hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan ang huling sinabi niya. Pagkaalis ng binata ay agad akong tinadtad ng tanong ni Nikka at wala na akong choice kung hindi ikwento sa kanya ang lahat. Tuwang-tuwa siya dahil tama ang hinala niya na may gusto sa akin si Axel kaya ganun na lang ang kagustuhan niya na mapalapit sa akin. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko sa pag-amin niya. Hindi ko talaga inaasahan na pupuntahan niya ako sa bahay namin para lang magkausap kami dahil pwede namang si Mr. Jay na lang ang kumausap sa akin. Alam kong napaka-busy niya na tao at aaminin ko na kahit paano ay kinilig ako sa effort niya pero agad ko rin iyon sinaway."Kung tungkol sa pag-resign mo at pagpasok sa kumpanya nila agree na agree ako one hundred and one percent. Kasi bukod sa malaki ang sweldo kumpara sa kinik
last updateHuling Na-update : 2024-11-15
Magbasa pa

CHAPTER 23

"Bakla, pwede bang bilisan mo naman at baka malate na tayo," sigaw ni Nikka mula sa baba ng hagdan.Natanggap ako sa kumpanya ni Axel na inapplyan ko. Tumupad naman siya sa usapan namin na hindi siya makikialam. Hindi naging madali ang proseso mula sa interview at mga examination. Sa unang araw ay marami kaming nag-apply pero sa bandang huli ay konti na lang kami natira. Hindi pa rin ako makapaniwala nakapasa at natanggap ako. Late na ako nagising dahil nasanay na ako sa night shift. Mukhang mahihirapan akong mag-adjust pero masasanay rin naman ako."Eto na po matatapos na," sagot ko at nagmamadali na bumaba ako nang hagdan.Medyo naiilang din ako sa itsura ko ngayon dahil ibang iba 'yon sa uniform ko sa bar. Required sa company na magsuot ng corporate or semi formal na attire. Malaking pasasalamat ko na lang dahil pinahiram ako ng damit ng pinsan ko at tinuruan din niya ako nito na mag-apply ng makeup. Hindi raw kasi magandang tingnan kung wala man lang akong makeup. Nasanay kasi ak
last updateHuling Na-update : 2024-11-16
Magbasa pa

CHAPTER 24

Wow! Long time no see. Buti naman at naalala mo pa ako. Buong akala ko nakalimutan mo na ako," madrama na bungad sa akin ni Patrick at tinapik ko siya sa balikat.Ngayon lang ulit kami nagkita mula noong magkasama kami sa car show. Sobrang naging busy kasi ako sa trabaho. Madalas akong out of town or overseas at kapag may time naman ako ay kay Althea ko naman iyon nilalaan. Ewan ko ba pero gustong-gusto kong laging makasama ang dalaga kahit pa nga sa konting oras lang. Hindi sapat sa akin ang makausap lang siya sa phone o makita siya sa screen. Ilang buwan na kami nasa dating and getting to know stage pero pakiramdam ko ay konting oras ko pa lang siya nakakasama."You sound like a jealous girlfriend," biro ko bago umupo at umakto siyang nasasaktan habang hawak ang dibdib.Sinenyasan ko ang bartender para umorder ng alak. Natigilan ako ng ipatong na ang baso sa tapat ko na may lamang alak at napangiti ako. Ngayon ko lang na realize na ang tagal ko na palang
last updateHuling Na-update : 2024-11-16
Magbasa pa

CHAPTER 25

"Wow! Anong meron? Ang bongga naman ng almusal natin. Kailangan pala talaga na may lovelife para masarap ang almusal," biro ni Nikka bago umupo.Kadalasan kasi siya ang nagluluto ng almusal namin dahil mahilig siya magluto. Mula ng pumasok ako sa kumpanya ni Axel ay bawing-bawi talaga ako sa tulog. Minsan ay nauuna gumising si Nikka kaysa sa akin. "Tse! Tumigil ka nga dyan at kumain ka na lang," kunwari ay galit na sabi ko."Ikaw naman pinupuri na nga kita ganyan ka pa. Nanibago lang naman ako dahil madalas ay pandesal lang hinahanda mo," malambing na tugon niya at napangiti ako."Kumain na nga tayo at baka lumamig na ang pagkain," aya ko at inabot ko ang kape niya.Sinangag na kanin, scramble egg at tocino ang niluto ko. Wala namang kakaiba sa niluto ko kaya natatawa ako sa pinsan ko."Kumusta naman ang lovelife este buhay pala, Bakla?" natatawa na tanong ni Nikka bago sumubo."Okay naman," nakangiti na sagot ko."Nakikita ko nga mukhang okay nga naman kasi malapit ng mapunit ang la
last updateHuling Na-update : 2024-11-18
Magbasa pa

CHAPTER 26

Halos isang buwan na ang lumipas mula ng huli ko na kasama si Axel at ang huling beses na iyon ay noong araw na sinamahan niya ako sa probinsya. Kung dati hindi ko alintana ang paglipas ng araw at oras ngayon pakiramdam ko ang bagal-bagal ng pag-usad nang oras. Hindi ko pa rin siya makontak kahit ilang beses ko na sinubukang tawagan at tinext pero walang response mula sa kanya. Hindi pa siya nakabalik ng bansa at nag-umpisa na akong mag-alala. Higit sa lahat ay unti-unti ko na rin siya namimiss. Hinahanap ko na ang presensya niya."Oh! Bakit ganyan ang mukha mo? Para kang nawalan ng pera," narinig ko na tanong ni Nikka."Hoy! Venus Althea Mendoza malapit ng matunaw ang telepono mo!" sigaw niya at muntik ko na mabitawan ang telepono sa gulat."Bakit ka ba sumisigaw? Ang aga-aga beastmode ka na agad diyan. Mahiya ka naman sa mga kapitbahay natin," saway ko sa kanya."Paano po ako hindi sisigaw eh kanina pa po kita kinakausap pero para pong wala kang naririnig diyan. Ano bang nangyari sa
last updateHuling Na-update : 2024-11-20
Magbasa pa

CHAPTER 27

"Sige na Althea sumama ka na sa amin minsan lang magyaya si Queen Sebastian kaya samantalahin na natin. May bagong jowa kasi ang Lola mo kaya good mood. Sige na huwag ka naman KJ diyan at saka ngayon ka lang namin makakasama sa mga ganitong ganap," pangungumbinsi ni Chino at napangiti ako.Mula pagpasok ko hanggang sa break namin kinukulit niya ako. Wala ako balak na sumama pero ngayon naisip ko na wala rin naman akong gagawin sa bahay pag-uwi ko. Sa bahay ng boyfriend ni Nikka siya matutulog kaya solo lang ako sa bahay. Nagmumukmok lang naman ako sa bahay at maghihintay."Oh sige na nga Bakla, sasama na ako," natatawa na sabi ko at nagtatalon siya sa tuwa."Mabuti naman at hindi nasayang ang laway ko sa iyo," sabi niya at napailing lang ako habang nakangiti.Bumalik na siya sa table niya at ipinagpatuloy na namin ang mga ginagawa namin. Nagkasundo ang lahat na sa isang KTV kami pupunta. Buong akala ko ay kami-kami lang sa department namin pero meron din pala na galing sa ibang depart
last updateHuling Na-update : 2024-11-22
Magbasa pa

CHAPTER 28

Hindi ako makapaniwala na makikita ko si Althea sa hindi inaasahang pagkakataon. May mga scenario na akong na imagine kung paano kami magkikita ng dalaga pero hindi sa lugar na ito. Kakabalik ko lang galing sa isang conference abroad at inimbitahan ako ni Patrick na uminom. Noong una ay tumanggi pa ako dahil may gusto sana akong gawin pero dahil sa pangungulit niya ay napilitan na rin akong sumama. Naisip ko rin na hindi magandang timing kung pupuntahan ko si Althea sa bahay nila ng alanganin na oras. Sa isang KTV Bar ako dinala ni Patrick dahil ang may-ari noon ay ang bagong prospect niya."God! How I missed her," sabi ko sa sarili pag-upo sa table namin.Hindi ko alam kung bakit umiwas ako nang makita ko siya Althea kanina. Nagulat ako nang makita ko siya na lumabas ng VIP Room at ng makita ko siya na pumikit ay agad akong umalis. Sa palagay ko ay hindi pa talaga ako handa na makita at makausap siya. May part kasi sa sarili ko ang nakaramdam ng takot na baka hindi niya ako harapin.
last updateHuling Na-update : 2024-11-24
Magbasa pa

CHAPTER 29

"Nasaan ka na ba?" inip na tanong ni Nikka pagsagot ko sa tawag niya."Malapit na po ako Mahal na Reyna. Pasensya na po kung na late po ako kasi naman po late mo na rin ako ininform Bruha ka!" sagot ko at tumawa siya nang malakas.Kalalabas ko lang mula sa trabaho ng nakatanggap ako ng message mula sa kanya. Nakalagay doon ang buong address ng isang Restaurant at pinapapunta niya ako. Manlilibre kasi siya dahil malaki ang naging commission niya sa pinapabentang lupa sa kanya. Ilang sandali lang ay tumigil na ang taxi na sinakyan ko. "Edu?" nagtataka na tanong ko ng makita ko siya at lumingon siya sa direksyon ko.Medyo nagulat ako na makita siya dahil expected ko ay tatlo lang kami si Nikka, ang boyfriend niya at ako. Nararamdaman ko na may pinaplano ang pinsan ko kaya nandoon si Eduard. Hindi kasi naniniwala na bakla si Eduard at sinasabi niya na mali ang hinala ko. Sa tingin din niya ay may gusto si Eduard sa akin na sa tingin ko ay imposible. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang pa
last updateHuling Na-update : 2024-11-27
Magbasa pa

CHAPTER 30

Nagpaalam na ako sa dalawa na mauuna ng umuwi dahil biglang sumakit ang ulo ko. Gulong-gulo ang isip ko sa mga nangyari kanina. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Eduard. Hindi naman mawala sa isip ko ang pamilyar na boses ng lalaking nakasalubong ko kanina. Noong una ay ayaw pumayag ni Nikka dahil nag-aalala siya pero sinabi ko na kailangan ko lang itulog at magiging okay din ako. Hindi na ako tumutol ng hinatid ako ni Nikka sa labas ng Restaurant para maghintay ng taxi. Lumipas ang ilang minuto at sinabi ko sa kanya na bumalik na sa loob at kaya ko na."Going somewhere?" tanong ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko habang nag-aantay ako ng taxi."Axel!" gulat na bigkas ko ng makita ko siya paglingon ko. Nagulat ako dahil inaasahan ko ay pinaglalaruan na naman ako ng guni-guni ko. Saglit ako pumikit para lang makasigurado at pagmulat ko ay siya pa rin ang nakikita ko. Sa pagkakataon na ito ay hindi na imagination o guni-guni ko lang ang lalaking nasa harap k
last updateHuling Na-update : 2024-11-28
Magbasa pa
PREV
1234
DMCA.com Protection Status