Nagising na lang kinabukasan si Marie na wala sa tabi ang anak nito. Pahkalingon niya sa kanan—si Iñigo lang ang katabi. Nang maalala ang nangyari nang gabing iyon, bumalik si Marie sa pagkahiga, at niyakap ang asawa. Gumanti din ng yakap si Iñigo saka hinalikan ang asawa sa noo. Maya ay nagkumot ulit ang mga ito saka bumalik sa pagkatulog. Sabado, at walang kahit na anong lakad ang dalawa. "Sarap ng tulog mo. Iba pala talaga kapag may kunting hardcore, ano?" Nakangiting wika ni Marie. "Hardcore?" Ulit ng asawa. "Hardcore. Kailangan pa ba ng specific na salita para maintindihan mo ang sinabi ko?" "Hmm..." Natawa si Marie, at mas humigpit ang pagkakayakap niya kay Iñigo. "Kalimutan na natin si Amber kagabi. Baka naghintay si Naneng sa atin." "It just happened last night, so Naneng probably knew we were tired. That's a valid reason for her." "Kung sabagay, hindi naman madalas." "Bakit, gusto mo ba madalasin natin?" Wala sa sariling kinagat ni Marie si Iñigo sa braso
Terakhir Diperbarui : 2025-03-20 Baca selengkapnya