All Chapters of The Billionaires Love Beyond Boundaries : Chapter 21 - Chapter 30

35 Chapters

Chapter 21

Walang magawa si Althea kun 'di ang umiyak na lamang. Paano niya makikita si Calvin? Kailangan siya nito ngaon ngunit narito siya sa malayo. Bakit tila nag-iba ang pakikitungo ni Helena sa kanya? Napapanggap lang ba ito sa kan'ya? Maraming katanungan sa isipan niya na hindi malaman ang sagot. Hinintay niyang tawagan siyang muli ng daddy ni Calvin subalit lumipas na ang hating gabi ay hindi na muli lang tunog ang cellphone niya, madaling araw na rin nang makatulog si Althea sa kahihintay. Lumipas ang ilang araw ay parang na siyang mababaliw dahil wala man lang siyang balita tungkol sa kalagayan ng kanyang asawa. Hindi na rin siya makakain ng maayos mahaing ang mga kasambahay nila ay nag-aalala na rin sa kan'ya lalo na 't dumadalas na rin ang kanyang pagkahilo at pagsusuka. Marahil ay dahil sa halos wala na siyang kainin dahil wala talaga siyang gana. Bumaba na rin ang timbang niya, kulang din siya sa tulog palagi at talagang naka-anatabay lamang sa cellphone at telepono subalit wala
last updateLast Updated : 2024-11-15
Read more

Chapter 22

Dahil wala namang magagawa pa si Althea kung kaya 'y agad na nagpahatid na lamang siya sa mansyon ng parents ni Calvin. Pagkarating niya ro'n ay agad na sinalubong naman siya ng kasambahay at dinala siya sa kanyang silid na ikina-taka niya. "Manang? Bakit dito po ninyo dinala ang mga gamit ko?" tanong naman ni Althea sa may edad na babae. "Hindi ko nga rin po alam, ma'am. Sinunod ko lang naman po ang bilin sa akin ni Ma'am Helena, pasensiya na po," hinging paumanhin nito kaya napatango na lamang siya. Wala nga rin naman talaga itong magagawa dahil sumusunod lalang sa ipinag-uutos sa kanya. "Sige, po, hayaan niyo na. Ayos lang naman po sa akin." "Maiwan ko na po kayo may gagawin pa po ako, ma'am.""Sige po, manang. Salamat po," ani niya. Nang siya 'y mapag-isa ay malalim siyang napa-isip kung bakit ganito at bakit dito sila titira na mag-asawa? Talagang binabagabag ng kanyang kalooban si Althea kung kaya 't kinagabihan ay hindi siya makatulog sa kaiisip. "Manang! Manang!" malakas a
last updateLast Updated : 2024-11-16
Read more

Chapter 23

Napalingon naman ang dalawa sa kanya habang si Mariel naman ay hindi nakikitaan ng takot at pagkagulat bagkos ay napangiti pa ito na tila impakta. Si Calvin naman ay blanko lamang na nakatingin sa kanya. Umalon bigla ang galit sa puso ni Althea, hindi siya nagdalawang isip na lapitan ang dalawa at hinila niya ang buhok ni Mariel upang mapahiwalay kay Calvin. "Malandi kang babae ka!" "Aw! A-aray! Bitiwan mo 'ko, ano ba!" daing ni Mariel sa lakas ng paghila ni Althea sa kanyang buhok. Alam na niyang mangyayari ang ganito kung kaya ay handa naman si Mariel. Hindi siya lalaban kay Althea, mas lalo pa nga niyang ginalingan ang pag-arte. "Talagang masasaktan ka! Ang lakas ng loob mong lumingkis sa asawa ko! Kailan mo ba matatanggap na ako ang mahal ni Calvin at hindi ikaw!" nanggagalaiting sigaw ni Althea at akmang sasaktan pang muli si Mariel nang may isang kamay ang pumigil sa kanya. "Stop! How dare you to hurt her? At sino ka?" bigla ay natigilan naman si Althea. Pabalya siyang bin
last updateLast Updated : 2024-11-17
Read more

Chapter 24

Dinala ni Mang Sonia si Althea sa quarters room at pinaupo. Minabuti niya itong doon dalhin upang hindi na makita pa ng mga amo. "Manang Sonia, Anong nangyayari? Hindi ko maintindihan, bakit– Bakit hindi niya ako maalala? Calvin..." Awang-awa man si Sonia subalit wala naman siyang magawa. Hindi niluto alam kung paano maiibsan ang sakit sa dibdib ss ngayon ni Althea, wala rin siyang ideya dahil kilala naman siya ng lalaki. Bakit nga ba umano hindi nito kilala ang asawa? "Ma'am, mas mabuti siguro na hindi ka na muna nila makikita. 'Wag kang lalabas at baka kung ano pa ang mangyari at aawin nila sa iyo, gusto mo bang umalis na lang? Tutulungan kitang makalabas dito?" Iyon naman ang naisip ni Sonia para makaiwas si Althea ngunit agad na napailing naman ito. "Hindi! Ayoko po, hindi ko iiwan dito ang asawa ko!" umiiyak na sambit niya rito. Kailangan niyang malaman kung bakit nagkagano'n ang asawa niya. Napabuntong-hininga na lamang si Sonia dahil mabigat din ang dibdib niya sa
last updateLast Updated : 2024-11-18
Read more

Chapter 25

Sa sunod na araw ay nalaman ni Althea na wala si Helena, si Calvin ay naro'n lang sa mansyon kay maaring iyon na ang pagkakataon niya para makausap si Calvin. "Manang Sonia, kanina pa po ba talaga umalis si Tita Helena? Siguro ka?" paniguradong may tanong niya. "Oo, naro'n lang si Sir sa kanyang kuwarto. Ikaw na ang maghatid nitong almusal niya, masama raw ang pakiramdam nito kaya hindi na ito muna bababa. Nag-alala naman siya bigla sa nalaman. "Sige po, ako na ang magdadala nito. Salamat po, manang," ani niya. Dala-dala na niya ang tray na may lamang pagkain ni ng asawa. Sisiguraduhin niyang malilinawan siya ngayon sa kung ano man ang sasabihin nito sa kanya. Kumatok na muna siya ng tatlong beses sa pinto. "Come in, bukas iyan, dinig niyang sabi nito kaya agad na niyang pinihit ang doorknob at dahan-dahang binuksan. Nang pagkapasok at saglit siya humugot nang malalim na hininga dalhin sa kaba. Nana makarating na siya sa gawi ni Calvin ay pigil na pigil niya ang kan'yang luha da
last updateLast Updated : 2024-11-19
Read more

Chapter 26

Nang ihagis na siya ni Calvin sa kama ay agad siyang umurong. "C-calvin..."Napangisi ito sa kan'ya, "Ano 't parang natatakot ka yata? Ito naman talaga ang gustong mo, 'di ba?" Hinubad ni Calvin ang kanyang pang itaas at ngayon ay tumambad na sa harap ni Althea ang matipuno nitong katawan at naiwan na lamang ay tanging pang ibaba nito. "H-hindi, ano ka ba? Gusto lang kitang makausap. Magdamit ka na," sabi niya. Nakatitig siya sa mga mata ni Calvin at umaasa siyang may makikita man lang siyang konting pag-asawa ngunit wala. Madilim at matalim pa rin kung nakatitig ito sa kanya. "Tingin mo ay naniniwala ako? Heto na nga, oh. Pagbibigyan ko na ang gusto mo. Siguraduhin mo lang na magaling ka, malay mo, mas magustuhan pa kita kumpara kay Mariel." Nasaktan si Althea sa lumalabas sa bibig nito. Hindi ito ang Calvin na kilala niya. "Ano ba talaga ang nangyari sa iyo sa Australia at nagkaganiyan ka na? Huh? Hindi ka ganiyan, Calvin," paulit-ulit na pagpapa-intindi niya sa asawa ngunit tila
last updateLast Updated : 2024-11-20
Read more

Chapter 27

"Ayan! Labhan mo!" Tumabingi ang mukha ni Althea habang abala sa pagbabanlaw ng mga labahan sa laundry area nang ihagis ni Helena sa pagmumukha niya ang mga damit ba palalabhan nito. "Bagay sa iyo ang nariyan ka 't nagkukuskus. Bilisan mo at kailangan mo pang linisin ang banyo ko!" Napakuyum na lamang ng kanyang kamao si Althea sa matinding pagpipigil para lang hindi patulan si Helena. Sa ngayon ay wala siyang laban rito, kailangan niyang magtiis para kay Calvin kaya hindi na lamang siya kumalma sa ginawa nito. Isa-isa niyang pinulot ang mga damit na nagkalat at isa-isa niya iyong inilagay sa planggana. Ang gusto ni Helena at mano-mani niya iyong lalabhan, marami-rami pa naman kaya hindi niya alam kung kakayanin niya ba iyon sa isang araw lang. "Aalis ako at dapat pag-uwi ko ay nalinis mo na ang banyo ko!" Inismiran pa siya ni Helena bago siya nito iniwan. Masama ang pakiramdam niya, parang lalagnatin na siya na ewan. Hindi Niya rin nakita si Calvin at sabi ni Manang Sonia ay maaga
last updateLast Updated : 2024-11-22
Read more

Chapter 28

"Hija, heto ang pregnancy test. Binili ko iyan kanina paglabas ko, subukan mo na 't mas maiigi pa rin iyong siguro tayo," ani ni Manang Sonia at ibinigay na nga sa kanya ang PT. "Salamat po, manang," agad niya iyong tinago sa kanyang bulsa bago ipinagpatuloy ang pagdidilig ng halaman sa garden ni Helena. Bigla ay naalala niya ang kanyang mga halaman sa bahay nila ni Calvin, paano kung umuwi na lamang kaya siya ro'n? Mamaya ay susubukan niya, magpapaalam na lamang siya kay Manang Sonia. "Althea," tawag sa kan'ya ni Helena na ikinalingon niya naman. Nakatayo ito sa 'di kalayuan sa kanya. "Pumunta ka sa sala, may pag-uusapan tayo!" Hindi na rin naman siya nito hinintay na maka-sagot dahil tinalikuran na rin siya nito agad.Sandaling iniwan ni Althea ang kanyang ginagawa at naglakad na nga patungo sa sala. Naro'n si Helena na prenteng nakaupo at mataman na nakatitig lang sa kanya ng hindi makikitaan ng ekpresyon."A-ano p-po iyon?" Napataas naman ang kilay ni Helena dahil tinatanong p
last updateLast Updated : 2024-11-23
Read more

Chapter 29

Umalis na nga si Althea sa mansyon ng magulang ni Calvin at pauwi na siya ngayon sa bahay nilang mag-asawa. Alas nuebe pa lang ng umaga, hindi niya man lang nalaman na naro'n na pala umuuwi si Calvin. Nasasabik na siyang makauwi sa bahay nila, pakiramdam niya ay makakahinga na siya ng maluwag na wala na si Helena sa paligid at ngayon ay hindi niya rin hahayaan na makatapak ro'n si Mariel. Mag-asawa sila atay karapatan siya kung sino ang ayaw niyang papuntahin sa bahay nila. Kahit alam niyang hindi talaga siya naaalala ng asawa ay tutulungan niya naman itong maibalik iyon, gagawin niya ang lahat manumbalik lang sila sa dati. Isa lamang umano itong pagsubok na dapat nilang lampasan. Naniniwala siyang malalagoasan nila iyon, lalo na siya, hindi niya susukuan ang asawa tulad sa hindi pagsuko nito sa kanya noon. Pagkababae ng taxi ay agad na siyang nag-door bell at mayamaya ay pinagbuksan naman na siya ng security guard nila. Tila nagulat pa ito nang makita siya. "Ma'am Althea..." "Ako
last updateLast Updated : 2024-11-24
Read more

Chapter 30

Pero pa tuluyan na mailabas ni Althea si Mariel sa kuwartong iyon nilang mag-asawa ay hinaklit na ni Calvin ang isang braso niya ay agad siyang sinampal. "Sir!" bulalas naman ni Tina sa ginawa nito kay Althea. Hindi niya akalain na sasaktan nito ang asawa. "Shut up!" sigaw naman nito kay Tina kaya agad na natahimik na lamang din ito. Binalingan naman ni Calvin si Althea na ngayon ay natigilan habang sapo ang mukhang nasampal, namumula iyon sa lakas ba naman ni Calvin at tila nanilim ang paningin nito. Nakayakap na ngayon si Mariel kay Calvin na umiiyak na naman. "Hindi ba 't sinabi ko sa iyo na 'wag na 'wag mo akong pakikialaman at sasaktan si Mariel? Bakit ka narito? Sinong nagpapunta sa iyo rito?! sigaw nito kay Althea. Agad naman lumingon si Althea habang matalim ni ang titig sa dalawa. "At bakit hindi ako uuwi rito? Sa aming dalawa, ako ang mas may karapatan sa kuwartong ito, sa iyo at sa pamamahay na 'to!" galit na galit niyang sigaw, "ako ang asawa mo! Kahit anong tanggi mo,
last updateLast Updated : 2024-11-25
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status