(Chapter 17) HABANG KUMAKAIN SA CAFETERIA ng company sina Kiyumi at Syren, napansin ni Syren na tila may iniisip si Kiyumi. "Ano? Okay ka lang?" tanong ni Syren.Nag-angat ng tingin si Kiyumi, nagtataka. "Ha? What do you mean?""Yumi, yung about sa isyu mo. Ano? Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Syren.Bahagyang natawa si Kiyumi. "Anong isyu? Hindi naman isyu yun, Sy. Totoong buntis ako, paano naging isyu yun?"Napairap si Syren sa hangin. "Hindi yun.""Alin ba?" tanong ni Kiyumi."Yung isyu mo sa pagsabay mo kay Mr. Huxton," may halong iritang ani Syren."Ahh, oh ano meron dun?" tanong ni Kiyumi na tila walang pakialam."Hindi ka ba naiinis sa kanila? Ha?""Bakit naman ako maiinis?""Syempre, pinag-uusapan ka nila. Nakakainis yun," hindi talaga matigil si Syren.Ngumiti si Kiyumi at bahagyang tumawa. "Sy, hindi ko na pinapansin yung mga ganun. Mas mahalaga ang kalagayan ko at ng baby ko. Bahala na silang mag-usap, basta ako, wala akong ginag
Last Updated : 2024-10-31 Read more