Nasa isang bar si Lance, Damon at Troy ng gabing iyon at kahit nasa townhouse na sila nakatira ni Freeshia, ay mahigpit pa rin ang security nila lalo at wala pang resulta ang DNA matching sa babaeng nakita na kasama ni Celestine.“Siraulo yang si Marga! Aba balak pang makipag bahay-bahayan sa inyo!” hindi malaman ni Lance kung natatawa ba si Troy o naiinis sa sitwasyong kinasangkutan nila kahapon“Grabe nga bro! I’m sure utos yan ni mommy!” sabi naman ni Lance sa mga kaibigan niya“Sa palagay mo?” medyo hindi siguradong tanong ni Troy dahil pwedeng oo pwede ring hindi“Ke utos ni tita o hindi, ang mahalaga, hindi tama! Ipagsiksikan mo ba naman ang sarili mo sa isang taong hindi ka naman gusto!” “Bakit ba baliw na baliw sayo yun ha? Akala ko pa naman matatahimik na kayo ni Freeshia nang mawala si Celestine, hindi pa rin pala!” inis na saad ni Troy“Malay ko! Tatlong beses ko lang yata dinate yun but I never promised anything!” pagtatanggol naman ni Lance sa sarili niya“Bakit ba kasi
Terakhir Diperbarui : 2024-12-13 Baca selengkapnya