Nang sumunod na araw, naging maayos na kahit paano ang pakiramdam ni Andra.Iyon nga lang ay hindi na siya nakasali sa ilan pang activities na inihanda ng mga officers.Madalas na lang siyang magmasid at tumulong sa pagluluto.Isang caretaker at dalawang kasambahay lamang ang kasama nila sa resthouse.Pagmamay-ari iyon ng pamilya ni Paula kaya naman kahit na hindi nila kaklase si Yael ay nakasama ito.Mas matanda si Yael sa kanila, 2nd year college na ito pero sa parehang paaralan. Magkasama naman ang high school at college, magkaiba lang ng department.Kaya komportable ang kaniyang mga kaklase kahit na kasama si Yael.Siya lang ang hindi.Noon pa man, madalas na niyang iwasan ang lalaki.Nito lang ay nabalita na boyfriend ni Paula ang binata, at para ipagyabang sa kanila ay isinima nito si Yael.Supposedly this is a graduation gift for themselves. Plano nilang magbakasyon ang buong section nila, may ilan na hindi nakasama, pero karamihan ay nakapunta naman.Kung bibilangin, hindi bab
Read more