Share

Chapter 3: Dare

Nang sumunod na araw, naging maayos na kahit paano ang pakiramdam ni Andra.

Iyon nga lang ay hindi na siya nakasali sa ilan pang activities na inihanda ng mga officers.

Madalas na lang siyang magmasid at tumulong sa pagluluto.

Isang caretaker at dalawang kasambahay lamang ang kasama nila sa resthouse.

Pagmamay-ari iyon ng pamilya ni Paula kaya naman kahit na hindi nila kaklase si Yael ay nakasama ito.

Mas matanda si Yael sa kanila, 2nd year college na ito pero sa parehang paaralan. Magkasama naman ang high school at college, magkaiba lang ng department.

Kaya komportable ang kaniyang mga kaklase kahit na kasama si Yael.

Siya lang ang hindi.

Noon pa man, madalas na niyang iwasan ang lalaki.

Nito lang ay nabalita na boyfriend ni Paula ang binata, at para ipagyabang sa kanila ay isinima nito si Yael.

Supposedly this is a graduation gift for themselves. Plano nilang magbakasyon ang buong section nila, may ilan na hindi nakasama, pero karamihan ay nakapunta naman.

Kung bibilangin, hindi bababa sa dalawampu ang mga narito. 

She really wants to enjoy this, but she couldn't. Lalo pa't hindi niya mapigilan na hindi masulyapan ng tingin ang paglalampungan ni Yael at Paula.

Pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Yael, hindi niya maitatanggi na nagi-guilty siya sa nagawa.

That's why, as much as she can, she'd like to avoid Paula and Yael.

“Dare na ‘yan!” Sigaw ni Luis nang matapat kay Paula ang bote.

They're playing Truth or Dare and Drink. Sa tuwing matatapat ang ulo ng bote sa kanilang kaklase, kailangan nitong pumili kung Truth or Dare, at pagkatapos ay kailangan din uminom ng isang shot ng rhum.

Kanina pa sila roon habang nagmamasid lang si Andra. Nakatutok ang kaniyang atensyon kanina sa television pero nang marinig na naghiyawan ang mga kaklase at kaibigan ay napabaling ng tingin doon.

Saktong kay Paula nakatutok ang bote.

“Dare! Dare! Dare!” Hiyawan nila.

Napansin niyang halos mga lasing na ang mga naglalaro.

“I dare you to kiss Yael for two minutes!” Sigaw ni Luis at naghiyawan ang lahat.

Nag-iwas siya ng tingin.

She wouldn't have to feel guilty after this. Bukas ay aalis na sila kaya matatapos na rin sa wakas ang pagtitimpi niya.

“Two minutes lang?” Natatawang sabi ni Paula.

“Aba, lumalaban! Seven Minutes in Heaven nga diyan.”

And they chanted the word ‘Seven Minutes in Heaven’.

Nagtatawanan ang lahat at halatang mga lasing na. Siya at si Garry lang ang nasa sofa, dahil may asthma ito at hindi pwedeng uminom.

Sila lamang ata ni Garry ang hindi lasing.

Sa kaniyang peripheral vision ay nakita niyang tumayo mula sa tiled floor si Paula at hinihila rin patayo ang boyfriend.

Tumatawa ang babae at seryoso naman si Yael.

“Sana lahat may boyfriend!” Sigaw ng isa nang mahila ni Paula ang lalaki papunta sa isang kuwarto.

Naghiyawan ang mga lalaki at babae nang sumara ang pinto. Samantalang nanatili ang mariin niyang pagtitig sa television.

“Gusto mo ng juice, Andra?” Tanong ni Garry.

Sinulyapan niya ito ng tingin at napansin na nakatitig ito sa kaniya.

Mahiyain ang lalaki, pero dahil solid naman ang samahan sa section nila ay nagkakausap naman sila. Marahan siyang tumango.

Tumayo si Garry.

“Uy, Garry a? Graduate na tayo sa high school, baka pwede mo nang sabihin kung sino ang crush mo!”

Napansin ng ilang kaklase ang pagdaan ng lalaki kaya napagtuunan ito ng atensyon.

“Oo nga! Hoy, sino crush—”

“Hindi naman ako kasali diyan.”

“Aba!”

Naabutan niyang tumayo si Rey, ang pinakamaloko sa kanilang klase. Lumapit ito kay Garry at umakbay.

“Huwag ka ngang torpe! Sino ba?”

Hindi makapalag si Garry lalo pa't mas matangkad si Rey at lasing na ito.

“Tang*na, ayaw pa sabihin. Sino ba? Parang crush lang e.”

“Aray, Rey!” Reklamo ni Garry nang ipitin ito ng lalaki.

Nagtawanan ang kanilang mga kaklase. Maging siya ay napangiti na rin.

Alam naman niyang hindi balak na pisikalin ni Rey si Garry pero dahil may tama na ng alak ay hindi na nagpapaawat.

“Sino?” Pilit pa rin nito.

“Si Andra!” Sigaw ni Garry, mukhang napilitin dahil naiipit na ang leeg.

Naghiyawan ang kanilang mga kaklase.

Saktong bumukas ang pinto kung saan naroon sina Paula. Lumabas ang babae habang nakakapit pa rin sa braso ni Yael na parang kuting.

Namumungay ang mga mata nito at matamis ang ngiti.

Hindi na halos napansin ng mga kaklase nila dahil nakatuon na ang atensyon ng lahat sa pag-amin ni Garry.

Siguro dahil iyon ang unang beses na umamin ito, dahil madalas lang itong tahimik at hindi kumikibo sa klase.

“E parang lahat naman yata crush ‘yang si Andra.” Saad ni Calyn.

“Oh, ito si Cian, Ford, at Lemuel. Patay na patay ‘to kay Andra. Hindi lang makaporma.”

Umiling siya, babaliwalain na lang sana ang sinasabi ng mga kaklase nang magsalita si Paula.

“Pero wala pang nagiging boyfriend si Andra, ano?”

Napasulyap siya sa babae. Nakakapit pa rin ito kay Yael. Napatingin siya sa lalaki at napansin na seryoso ang tingin nito sa kaniya.

Parang hinuhusgahan siya. Kaya mabilis din siyang nag-iwas ng tingin.

“Wala ka pa bang naging boyfriend, Andra?” Tanong ulit ni Paula.

Naglakad ang dalawa palapit sa mga kaklase niyang nakapabilog pa rin sa bote.

Hindi siya sumagot.

“Baka wala ka pang first kiss, Andra? Hindi maganda ‘yan. Magka-college na tayo, wala ka pang first kiss?”

Nagtawanan ang mga kaklase niyang babae, maliban kay Josephine.

“Oh, ito. Si Garry na lang! Pareha naman kayong wala pang experience. Para patas!” Itinulak ni Rey ang lalaki.

“Hindi naman marunong ‘yan, ako nalang Andra! Sulit ‘to.” Nagtaas pa ng kamay si Lemuel, halatang lasing na talaga dahil namumula ang buong mukha.

Kung iba lamang siguro ang mga nagsabi nito sa kaniya baka na-offend na siya. Pero kilala niya ang mga taong narito, alam niyang binibiro lamang siya kaya pabiro rin siyang umirap.

“Huwag na. Boring niyo.”

Natawa si Lemuel at ang ilan.

“Taray talaga ng Queen namin,” biro ni Pepper. “Kahit may sakit pinag-aagawan.”

Nagtawanan na naman.

“You should actually try it, Andra.” Hamon ni Paula na ikinatahimik ng lahat.

“Stop it, Paula.” Si Yael.

“Why not? Hindi ba gusto naman ng mga lalaki, iyong may experience? Iyong hindi boring humalik? Mahirap na, baka kapag nagkaroon na ng boyfriend si Andra ay lokohin lang siya. She's naive!”

Kumunot ang kaniyang noo.

“She doesn't want to.” Sagot ni Yael, sa mas seryosong boses.

“Ano ka ba?” Ngumiti ang babae.

“We wouldn't judge her naman, ‘di ba guys? Ang guwapo kaya ng mga boys.” Naghiyawan ang mga lalaki.

At nagtawanan na naman.

“Papiliin natin si Andra.”

She really doesn't want to participate. Pero mapilit si Paula.

Naghihintay din ang mga kaklase niya.

“Don't insist, Paula.”

“Bakit ba ayaw mo? Ang killjoy mo naman, babe!”

She really doesn't want to stir any bad thoughts to her friends. Tanging si Yael lamang ang ayaw na magparticipate siya.

Para matigil na ang pagpupumilit ni Paula ay tumayo siya. Naghiyawan agad ang mga lasing na kaklase.

“Ako na ‘yan!” nagtaas pa ng kamay si Lemuel.

Nagtawanan ang mga lalaki pero umaasa rin naman na piliin niya.

Kaysa dumiretso sa mga naglalaro ay tumuloy siya papunta kay Garry. Hinawakan niya ang pulsuhan nito at saka hinila papunta sa kuwarto kung saan naroon sila Paula.

Naghiwayan lalo ang mga kaklase niya nang sumunod lang si Garry sa kaniya.

“Tapang!” Hiyawan nila.

Nilagpasan niya sina Paula at Yael. Nakakunot ang noo ng lalaki at magkasalubong ang makapal na kilay.

Nang isara niya ang pinto, natanto niyang madilim ang silid. Hindi pa naman niya alam kung saan naroon ang switch.

Kinapa niya kung nasaan iyon habang nararamdaman niya ang malalim na paghinga ni Garry sa kaniyang tabi.

“Oh!”

Nasagi niya ang isang lumang upuan, at mabilis na naputol ang kaniyang bracelet.

“Hala!” Gulat niyang sabi.

Saka lamang nagkaroon ng liwanag, pinailaw ni Garry ang cellphone na dala.

“Bakit hindi mo agad sinabing may flashlight ka?”

“Di mo tinanong.” Maagap na sagot nito.

Umupo siya, kinakapa kung saan nahulog ang bracelet.

“May nahulog ba?”

“Ang bracelet ko.” Sagot niya.

“Hoy, huwag kang maingay.”

“Narinig ko, may sumigaw.”

“Sumigaw?”

“Bakit naman sumigaw?”

At dahil nasa tapat lang nila ang pinto ay naririnig nila ang bulungan sa kabila.

Napailing na lamang si Andra, mukhang sumunod din ang kanilang mga kaklase para makiusyuso.

“Andra?” Tawag ni Garry.

Unti-unti niya itong nilingon. Lumapit ang mukha nito at lumapat ang labi ng lalaki sa gilid ng kaniyang labi.

Mabilis lamang iyon, na halos hindi niya naramdaman na dumampi ang labi nito.

“S-sorry.” Utal nitong sabi.

Tumayo ang lalaki at mukhang nataranta. Tumayo rin siya at magsasalita na sana nang bumukas ang pinto, bumungad sa kanilang paningin si Yael na masama ang timpla ng mukha.

“Come on, magliligpit na.” Malamig nitong sabi.

Kumunot ang kaniyang noo. Sa likod ng lalaki ay ang kaniyang mga kaklase at si Josephine na natatawa.

“Lakas mo, Garry!” Nang-aasar na sabi ni Cian.

Lumabas siya kasama si Garry na inaasar ng mga kaibigan.

Sa totoo lang, parang hindi naman sila nagtagal sa silid. Wala naman silang ginawa pero dahil sa pang-aasar ng mga tao ay namumula ang mukha ni Garry at pilit na pinapatahimik ang mga tao.

“Wala na, may nanalo na! May ngingiting tulog ngayong gabi.” Kantyaw ng isang lalaki.

Nagtawanan ang lahat.

Samantalang hinila naman siya ni Josephine.

“Halika dali!”

Tumawa si Josephine.

“Mukhang galit si Yael kasi mga lasing na ang mga tao.” Tumawa ito.

Tapos lumapit ito para bumulong.

“O baka nagalit kasi h*n*l*k*n mo si Garry?” Humagikhik ito.

Siniko niya ang babae.

“Pinang!” Saway niya, baka mamaya ay may makarinig at kung ano ang isipin.

Humagikhik lamang ito.

“Tara na, ayaw kong magligpit. Nahihilo na ako, gusto ko nang matulog.”

Hinila siya nito hanggang sa ikalawang palapag kung saan naroon ang kanilang kuwarto. Anim silang natutulog sa kuwarto na iyon, pero kahapon dahil may sakit siya, mag-isa lamang siya sa isa pang guestroom.

Ngayon na medyo maayos na ang pakiramdam niya ay bumalik na siya sa kuwarto. Tatlong double deck ang nasa loob ng kuwarto, ang isa para sa kanila ni Josephine.

Sa baba ang babae at sa itaas naman siya dahil malikot ito.

“Halika dito, payakap!”

At hinila na nga siya nang tuluyan ng kaibigan habang nakadantay ang mga paa nito sa kaniyang hita at nakayakap sa kaniya ang braso.

Sanay ito sa maraming unan, pero dahil marami sila sa resthouse ay tig-isa lamang sila ng unan.

Nahihirapan pa naman itong makatulog kapag walang mga unan na yakap.

Alam niyang lasing na ang babae dahil mababa ang alcohol tolerance nito. 

May ibinubulong ito pero hindi niya maintindihan.

Nakalimutan na niya ang bracelet sa silid, mamaya ay babalikan niya iyon para hanapin.

Importante pa naman iyon lalo pa't regalo iyon ng kaniyang Mommy.

“Andra?” Pumasok ang ilan pa nilang kasama sa kwarto.

“Baba ka raw sabi ni Manang Donila.”

“A, oo. Tutulong ako mamaya sa baba.”

“Ayaw mo ngayon? Naroon si Garry, tumutulong magligpit.” Tumawa si Reian.

“Iyan kasi, ayaw niyong uminom. Kayo ngayon ang magliligpit.”

Ngumiti na lamang siya. Kaysa naman uminom ay gugustuhin na lamang niyang magligpit.

Nagsiakyatan na halos ang lahat nang bumigat ang paghinga ni Josephine.

Nakatulog na ito.

Binaklas niya ang kamay nito at inayos ang kaibigan bago umalis. Agad din nakatulog ang nasa kuwarto dahil sa alak kaya naiiling siya.

Mabuti na lamang bukas nang hapon ang alis nila. Kung hindi ay problema pa ang hangover.

Magkaiba ang kuwarto ng mga lalaki at babae. Pero si Paula at Yael, tig-isa sila ng kuwarto.

Iyon nga lang, imposibleng natutulog ang dalawa na hindi magkasama.

Pagkababa niya'y malinis na ang sala.

Si Aling Donila ay nasa kusina na at naghuhugas ng mga plato at baso.

“Manang, pasensya na po. Kabababa ko lang.”

“Okay na, Andra! Natapos naman agad ni Garry linisin ang sala. Mukhang ganado.” Nang-aasar nitong sabi.

Kahit naman ang matanda ay nakikiusyuso pa.

Ngumiti siya at iniwan na ang babae. Babalik siya sa silid para hanapin ang nawalang bracelet.

Storage room pala iyon.

Sinubukan niyang hanapin ang switch pero hindi niya mahanap.

“What are you looking for?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status