Ton's POV: Lumipas pa ang mga araw, halos lagi na kaming mag kakasama. Si Gab, Si Ken at higit sa lahat si Jess. Ewan ko ba, napaka saya ng nararamdaman ko pag nandyan si Jess sa paligid, sya at sya lang ang nakikita ko pag malapit lang sya, yung tipong blurred lahat, sya lang ang hindi. "Naloko na, tinamaan na nga ata talaga ako." Wika ko sa aking isipan habang naka titig lamang kay Jess. "Oh pre, baka naman matunaw na yan kakatitig mo?." Pabirong wika ni Ken. "Ah eh tumigil ka nga pre, marinig ka nyan nakakahiya, tsaka di ako naka titig kay Jess ano ka ba naman. May iniisip lang ako." Kabado kong pag papalusot sa kanya. "Nako Nako Nako pre! Kilala ko na hilatsa ng mukha mo, tinamaan ka na no?" Sagot naman ni Ken. "Tumigil ka nga dyan pre." Naging matipid kong tugon sa pang aasar ni Ken. "Tara mga tol, tambay kina sa tindahan ni Aling Nena, pag katapos ng last subject natin?!" Pag aaya ni Ken. "Sige, para naman hindi tayo puro aral nalang." Tugon ko sa kanyang pag aaya. "Pa
Last Updated : 2024-10-02 Read more