Semua Bab His Heart Series 2:His Stone Heart: Bab 21 - Bab 30

39 Bab

CHAPTER 20

Nakangiting pinagmamasdan ni Chrissa sina Trace at Mat-Mat na abalang namimili ng laruang pambata. Tulad ng nabanggit ni Trace sa anak nito nang isang araw, binilhan nga ng binata ng mga laruang sasakyan ang bata. Sa ground floor ng hotel na tinutuluyan nila sa resort na iyon ay may iba’t ibang establisyemento. May restaurant, mini grocery, shop kung saan maaaring makabili ng mga souvenir items at ang mini store na kinaroroonan nila ngayon na saktong may mga panindang laruan. Pati mga damit ay mayroon din doon.“Is that what you want?” narinig niyang tanong ni Trace kay Mat-Mat na tumango lang bilang sagot. Hawak na ng bata ang isang kahong may katamtamang laki at naglalaman ng mga laruang pambata. Hindi niya pa man nakikita ang presyo ay nasisiguro na niyang mahal ang halaga niyon.Maliban sa hawak nitong kahon ay kumuha pa si Trace ng dalawa pang uri ng laruan. Isinama nito iyon sa nauna nang napili ng anak nito. Then, after a while, he looked at her. “Do you need to buy something?”
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-08
Baca selengkapnya

CHAPTER 21

Agad na nanlaki ang mga mata ni Chrissa dahil sa ginawa ni Trace. Ni sa hinagap ay hindi niya iisiping gagawin iyon ng binata. Mariin nang nakahawak ngayon ang isang kamay nito sa kanyang baywang at naramdaman niya pang hinapit siya palapit sa katawan nito. Ang isa naman nitong kamay ay pigil siya sa kanyang batok dahilan para hindi siya makaiwas nang bumaba ang mukha nito sa kanya.Naiangat niya ang kanyang mga kamay at marahang naitukod ang mga iyon sa matipunong dibdib ni Trace. Agad pang nanulay ang waring kuryente patungo sa kanya nang madaiti ang kanyang mga palad sa walang saplot nitong balat. He’s topless, at ang kaninang iniiwasan niya pa lang tingnan ay hawak na niya ngayon.A soft sound came out from her. Intensiyon niya sanang magpakita ng protesta. But because her knees suddenly went weak after he kissed her, the sound turned out like a moan. Pakiramdam niya pa ay naging dahilan iyon para idiin ni Trace ang pagkakadaiti ng mga labi nito sa kanya.He kissed her more. His l
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-10
Baca selengkapnya

CHAPTER 22

Nagising si Chrissa nang sumunod na araw na wala na sa kanyang tabi si Mat-Mat. Agad pa siyang napabalikwas ng upo sa kama kasabay ng paggala ng kanyang paningin sa kabuuan ng silid. Tahimik at tanging siya na lamang ang naroon. Kahit ang isang kama ay bakante na at wala man lang bakas na tinulugan ni Trace.Agad pa siyang napalunok nang maalala ang binata. Bigla kasing pumasok sa isipan niya ang naging takbo ng usapan nila kagabi. Trace was offering her a relationship… isang uri ng relasyon na hindi niya alam kung ano ba ang tamang itatawag.Exclusive relationship? Meaning they wouldn’t date anyone else except each other? Then what? No emotion involved?It was so obvious what Trace wanted. Hindi naman nito itinanggi na sexually attracted ito sa kanya. Prangka iyong sinabi ng binata at kung ikatutuwa niya iyon ay hindi niya alam. It was just desire… lust… purely physical attraction. Walang malalim na damdamin. Samantalang siya…Tuwid siyang napaupo sa kama. Ano nga ba ang nadarama niy
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-12
Baca selengkapnya

CHAPTER 23

Dumoble ang bilis ng kabog sa dibdib ni Chrissa pagkakita sa kanyang amang si Alfredo. May kasama itong ilang kalalakihan at ngayon ay pumuwesto sa mesang hindi kalayuan sa kinaroroonan nila nina Trace at Mat-Mat. Nahihinuha niyang may koneksiyon sa kanilang kompanya ang dahilan ng pag-uusap-usap ng mga ito. Maaaring kliyente ng Bonifacio Construction Company ang kasama ng kanyang ama.Agad siyang napayuko kasabay ng pag-ahon ng kaba sa dibdib niya. Hindi siya maaaring makita ng kanyang papa. Kapag nagkataon kasi, paniguradong lalapitan siya nito at kakausapin. Sa kabila naman ng hindi nila pagkakaintindihang mag-ama, hindi maaaring hindi siya nito pansinin. Baka magtaka ito kung bakit siya naroon at magtanong kung sino ang mga kasama niya.At iyon ang hindi dapat mangyari. Baka maghinala si Trace at mang-uusisa tungkol sa pagkatao niya. Malalaman nitong anak siya ni Alfredo Bonifacio at nagmamay-ari ang pamilya nila ng isang construction company. Paniguradong magtataka ito kung bakit
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-14
Baca selengkapnya

CHAPTER 24

“T-Trace…” sambit niya sa pangalan ng binata kasabay ng bahagyang paglayo rito.Nahinto sa paghalik sa kanya si Trace at mataman siyang tinitigan sa mukha. May pakiramdam pa si Chrissa na parehong emosyon ang nakalarawan na ngayon sa kanilang mga mata. It was so much desire. Hindi niya itatangging ganoon nga ang nadarama niya ngayon para sa binata. Ang halik at mga haplos nito ay may ginising na damdamin sa kanya na tanging ngayon niya lamang naramdaman.Posible pa lang makadama ng ganoon. It was a feeling of wanting him so much. Gusto niya si Trace at hindi niya man gustong aminin, gusto niya ang mga ginagawa nito. Gusto niya pang mahiya, higit sa kanyang sarili, dahil sa damdaming iyon. She’s a strong and independent woman. Bakit pagdating kay Trace ay ang dali niyang sumuko? Kahit ano yata ang gawin nito ay madali siyang madadarang.Ipinagpapasalamat niya na lang na alam niyang pareho ang nadarama nila. If there’s any consolation, it would be the desire that mirrored in his eyes. H
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-16
Baca selengkapnya

CHAPTER 25

Malakas na napasinghap si Chrissa nang lumapat ang kanyang likod sa malambot na kama ni Trace. Bago pa man siya makakilos ay agad nang dumagan sa kanya ang malaking katawan ng binata at dahil pareho na silang halos walang saplot sa katawan ay damang-dama na niya ngayon ang init na nagmumula rito.Wala na itong inaksaya pang sandali. Agad na pumailalim sa kanyang likuran ang kanang kamay nito at basta na lamang hinatak ang kanyang bra para tuluyan na talaga iyong maalis sa kanya. Ngayon, nasisigurado niya na talagang sira na iyon dahil dito. Nang magtagumpay na makuha ang naturang saplot ay basta na lamang iyon itinapon ng binata na kung saan man lumapag ay hindi na niya napansin pa.His eyes instantly darted on her breasts. Lantad na lantad na iyon sa paningin nito at hindi pa nakaligtas kay Chrissa ang pagnanasang nasa mga mata ni Trace habang nakatunghay sa kanyang mga dibdib.“T-Trace…” sambit niya sabay kilos upang itakip ang kanyang mga braso sa kanyang harapan. But before she co
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-17
Baca selengkapnya

CHAPTER 26

“What do you mean?” mapanganib na saad ni Trace kasabay ng mahigpit na pagkuyom ng kanyang kamay na nakahawak sa cell phone. Nakatapat iyon sa kanyang tainga at kasalukuyan niyang kausap sa kabilang linya ang kapatid niyang si Lemuel.It’s almost five in the morning. Hindi pa lubusang sumisikat ang araw at kung tutuusin, pakiramdam niya ay halos hindi pa siya nakatutulog nang maayos. Ganoon pa man, nagising na siya dahil sa maagang pagtawag na iyon ng kapatid niya.“It is confirmed, Trace. I got the info last night. Actually, kagabi pa kita tinatawagan. Bakit hindi ka sumasagot?”He swallowed an imaginary lump in his throat. Mula sa teresa ng kanyang silid ay napalingon siya sa kanyang kama kung saan naroon ang rason kung bakit hindi niya napansin ang pagtawag nito kagabi--- si Chrissa.She was still in his room, sleeping and fully-naked under his comforter. Nakahiga ito paharap sa kanya kaya kitang-kita niya ang mukha nitong natatabingan ng ilang hibla ng buhok nito. Her hair was actu
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-19
Baca selengkapnya

CHAPTER 27

Iginala muna ni Chrissa ang kanyang paningin sa paligid bago niya sinagot ang tawag ni Daisy. Sinigurado niyang walang ibang tao bago niya ito kausapin. Sadyang nagtungo pa siya sa may teresa ng ikalawang palapag upang makalayo sa mga kasama niya sa bahay na iyon.“Hello, Daisy,” bungad niya sa kaibigan.“Chrissa,” anito mula sa kabilang linya. “How are you? Ano na ang balita? Hindi ka pa rin ba nakakahingi ng panayam kay Trace De la Serna?”Napahugot siya ng malalim na buntonghininga dahil sa sunod-sunod nitong tanong. Muli niya ring iginala ang paningin sa paligid bago nagwika. “Hindi pa, Daisy. H-Hindi ko pa nababanggit kay… kay Mr. De la Serna.”“Then, listen to my suggestion, Chrissa. Umalis ka na riyan at bumalik na rito.”“I can’t,” mabilis niyang sansala sa mga sinabi nito. Halos mamangha pa siya sa mabilis na pagtutol na lumabas sa kanyang bibig. Wari bang iyon talaga ang nais isigaw ng isipan niya--- hindi niya gustong umalis at lumayo sa mag-ama. Ngunit isipan niya na laman
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-20
Baca selengkapnya

CHAPTER 28

Matuling lumipas ang mga araw. Naging abala si Trace sa maraming gawain sa kanilang kompanya. Sinimulan niya na ring iplano ang pagpapagawa ng bagong gusali sa likod na bahagi ng DLS Corporation. Ang plano niya ay apat na palapag lamang ang ipatatayo. Balak niyang gawin iyong stock area at opisina ng ilan pa sa mga empleyado nila. Bagay iyon na aprubado naman ng kanilang amang si Marcelo.“So, when is the start of the construction?” usisa sa kanya ni Lemuel nang dumaan ito opisina niya. As usual, nakaupo ito sa visitor’s chair na nasa tapat ng kanyang mesa at parang nababagot na pumasok sa kanilang kompanya. Kung hindi lang marahil sa pakiusap ng kanilang ama ay baka nunca na umapak ang kanyang kapatid sa DLS Corporation.It was their father’s request to have him at their company. Bilang magkapatid daw sila ay sa kanilang dalawa maiiwan ang kompanya kaya marapat lamang daw na pagtulungan nilang pangasiwaan iyon. And it was something that Trace didn’t mind at all. Kahit sabihing kapati
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-22
Baca selengkapnya

CHAPTER 29

Nakangiti si Chrissa habang pinagmamasdan niya si Mat-Mat na masayang pinaglalaruan ang pasalubong ni Trace para rito. Malaking laruang robot iyon na de-baterya at maaaring gumalaw. Hindi maitago ang excitement sa mukha ng bata ngayong hawak na nga ang naturang laruan, bagay na nakakapagpangiti rin sa kanya. Seeing the kid happy made her happy as well. Hindi niya maipaliwanag pero magaan talaga ang loob niya bata.“Ingatan mo iyan para lagi kang bibilhan ng daddy mo,” wika niya habang inaayos na ang higaan nito.Tapos na niyang linisan ng katawan si Mat-Mat. Nabihisan niya na rin ito at ngayon nga ay inihahanda niya na ang higaan ng kanyang alaga. Hindi pa maiwasang sumagi sa isipan niya ng mga huling sinabi ni Trace sa kanya kanina bago siya tuluyang pumasok sa silid na iyon. Hindi naman siya tanga para hindi maunawaan kung ano ang nais nitong mangyari.And she didn’t answer him. Pagkawika niyon ng binata ay agad niya itong tinaasan ng kilay sabay pasok na nga sa kuwarto ni Mat-Mat.
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-24
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1234
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status