"Sinabi niya yun sayo?!" singhal ni Abby.Tumango si Criselda at tumunga ng beer. "Gusto ko nga siya sipain mula don sa kinauupuan niya," ngiwi niya nang muling naalala ang sinabi ni Iñigo sa kanya."Ang mga lalaki talaga, pare-pareho. Gagawa ng kalokohan, tapos sa babae isisi ang ginawa," inis na turan ni Abby at umiling pa.At katulad ng gusto mangyari ni Iñigo, umakto si Criselda na parang walang nangyari sa kanilang dalawa. He is the boss, and she is just a secretary. Walang kahit anong interaction, bukod sa pagiging secretary niya."You have a lunch meeting with Mr. Go today, sir. Nakapag-book na rin ako sa favorite restaurant ni Mr. Go," detalyadong sabi ni Criselda habang hawak-hawak ang ipad at tinitigan ang mga schedule na meron si Iñigo ngayon."What about this afternoon?" tanong nito habang inaayos ang butones ng suit. "May free time ba ako ngayong araw?"Mabilis na pindintot ni Criselda ang ipad, at tumango. "You have, sir. 6pm to 8pm, bukod sa dinner ay wala ka ng ibang g
Last Updated : 2024-09-25 Read more