CHAPTER 48.2 Napalingon na siya kay Jacob. Malay ba niya sa puntong iyon, parang ang hirap pa ring tanggapin na nasasaktan si Jacob dahil sa nangyari noong bata pa sila. “Kung may magagawa lang talaga ako noon ay talagang hindi ako sasama sa mama ko. Alam mo ba na isang buwan akong hindi makatulog ng maayos at hindi kumakain ng maayos? Dahil gusto kong bumalik agad, Jacob. Mas gusto ko ang dati kong nararanasan noon. Kahit simple lang ang kaibigan ko, wala na akong mahihiling pa kundi ang ganoon lamang.” Dahil sa kaniyang mahabang sinabi ay doon na bumuhos ang kaniyang luha. Agad siyang nagpunas. Kitang-kita niya ang titig ni Jacob sa kaniya. Sa mga mata nito, nandoon pa rin ang pangungulila ng kanilang samahan noon na grabe ang pagkaudlot. “Well, itutuloy na lamang natin ang naudlot na pagkakaibigan na iyon noon,” sambit nito kapagkuwan. Malay ba ni Charlaine. Parang iba ang gusto nitong mangyari. Parang iba yata ang gusto
Huling Na-update : 2025-02-26 Magbasa pa