Kinagabihan, nagkaroon ng masinsinang pag-uusap si Don Alfonso at ang bunsong anak niyang si Nigel. "Ano po, Papa? Pakiulit nga po sinabi niyo?" tanong ni Nigel. "Ang sabi ko, nag-usap na kami ni Sheryl at nalaman ko na ang dahilan kung bakit siya naririto. Hindi mo pa pwedeng takasan ang responsibilidad mo na dyan. Totoo namang hindi tayo naging patas kay Sheryl," sabi ni Don Alfonso. "Anong ibig sabihin niyan, Papa?" nagtatakang tanong ni Nigel. "Buntis si Sheryl kaya may pananagutan ka sa kanya. Sabihin mo sa akin kung hindi kayo nagkaroon man lang ng kahit na anong kontak ni Sheryl. Tatlong buwan ang lumipas bago ngayon. Sabihin mo lang sa akin ang totoo kung pinakialaman mo ba ang babaeng iyon sa loob ng mga panahon na 'yun," sabi ni Don Alfonso. "At hindi... sa palagay ko... oo, may nangyari sa amin. Pero medyo lasing ako noong mga panahon na 'yun, pero alam kong may nangyari sa amin," halos hindi makapagsalitang sagot ni Nigel. "Nakipag-usap na ako kay Sheryl, at kailangan
Last Updated : 2025-03-08 Read more