393RD POV “Thank you Dylan.” Nilingon siya ni Dylan dahil sa kanyang sinabi. “Thank you, kasi pinagbigyan mo ako, alam mo bang sobrang saya ko ngayon?” Ngumiti si Dylan sa kanya at muli na nitong itinuon ang kanyang atensyon sa kalsada. “Nagustuhan mo ba ‘yong mga pinamili ko?” Tanong ni Anna, habang tumango si Dylan. Hindi maintindihan ni Dylan ang sarili niya, dahil wala siya sa mood na kausapin si Anna. Hindi niya maiwasan na magtaka dahil minsan gustong-gusto niya na kasama lagi si Anna, kahit pa sinasaktan siya nito at binalewala, pero ngayon na nasa kanya na ang atensyon nito, ay parang ayaw niya itong kasama. Hindi niya maiwasan na maguluhan, lalo na sa kabaitan na pinapakita nito sa kanya. Nang makarating sila sa bahay ay nauna na siyang pumasok habang dala niya ang pinamili nila ni Anna, gabi na rin sila nakauwi. “Dude.” Wika n Recca, habang tumayo kaya agad na lumapit si Dylan sa kanya. “Pinuntahan na kita rito, ‘di ka Kasi sumasagot sa mga tawag ko, akala ko ano nang
Last Updated : 2024-10-15 Read more