Easton point of view Hindi ko maiwasan magpalakad lakad sa tapat ng kwarto kung saan inilipat si Kia ng magamot nito ang natamong sugat sa kan'yang ulo. Tinawagan ko na si manang dahil sa nangyari at inaantay ko na lamang itong makarating. Pinasok ko ang kwarto at napatingin sa walang malay na si Kia, nahilot ko ang tungki ng ilong at napapikit bago magpakawala ng malalim na paghinga. Hindi porke nakaratay siya sa hospital bed ay mapapawi na lahat ng galit ko sakan'ya ng matagal na panahon dahil hindi ganon 'yon, hinding hindi ko na siya mapapatawad kahit anong gawin niya ay ayoko na s'yang manatili sa buhay namin ng anak ko. Pinalaki kong mag isa si scarlet kaya ayokong magkaroon siya ng puwang o karapatan sa anak ko, hindi siya pweding basta nalang dadating sa buhay namin para makihati sa attensyon ng anak ko. Napalaki ko ng maayos si Scarlet ng sa sarili kong sikap at hirap,
Read more