Share

CHAPTER 2

Easton point of view

Hindi ko maiwasan magpalakad lakad sa tapat ng kwarto kung saan inilipat si Kia ng magamot nito ang natamong sugat sa kan'yang ulo.

Tinawagan ko na si manang dahil sa nangyari at inaantay ko na lamang itong makarating.

Pinasok ko ang kwarto at napatingin sa walang malay na si Kia, nahilot ko ang tungki ng ilong at napapikit bago magpakawala ng malalim na paghinga.

Hindi porke nakaratay siya sa hospital bed ay mapapawi na lahat ng galit ko sakan'ya ng matagal na panahon dahil hindi ganon 'yon, hinding hindi ko na siya mapapatawad kahit anong gawin niya ay ayoko na s'yang manatili sa buhay namin ng anak ko.

Pinalaki kong mag isa si scarlet kaya ayokong magkaroon siya ng puwang o karapatan sa anak ko, hindi siya pweding basta nalang dadating sa buhay namin para makihati sa attensyon ng anak ko.

Napalaki ko ng maayos si Scarlet ng sa sarili kong sikap at hirap, at wala s'yang ni isang ambag sa buhay ng anak ko. Hindi s'yang pweding tawagin na ina dahil iniwan niya kami.

Naupo ako sa sofa at napatitig sakan'ya.

Wala s'yang pinagbago bukod sa nawala ang teenage features niya dahil nagkaedad na ito, ngunit wala padin pagbabago.

Naalala ko tuloy kung paano kami nagkakilala noon, nasa iisang baranggay lamang kami at nasa iisang school.

Simula ng lumipat ito sa katabing bahay namin at maging magkaklase ay unti kaming nagkalapit, noon ay nakikita ko lamang siya bilang isang simpleng babae o studyante pero noong naging magkapitbahay kami at naging magkaklase ay nagbago ang lahat.

Pakanta kanta itong naglalakad sa harapan ko suot ang kan'yang earphone, patalon talon upang iwasan ang baha sa kalsada. Nakapamulsa lamang akong naglalakad mula sakan'yang likuran bitbit sa kaliwang balikat ko ang itim na bag.

Palaging ganon ang scenario twing umaga at pag uwi dahil walking distance lang naman ang school sa baranggay.

Hindi kami close kahit pa magkapitbahay o magkaklase kami.

Lagi ko din nasasaksihan kung paano magtalo ang nanay at ang step father nito dahil sa bisyo at usapang pera, nakikita ko itong lumalabas ng kanilang bahay suot ang earphone at lihim na umiiyak.

Wala ako sa lugar upang lapitan siya ng mga panahon na 'yon kaya nakikita ko lang s'yang ganon.

Natatandaan ko pa ang unang araw na binalak s'yang pagtripan ng mga kaklase naming mga babae, wala syang kilala o kaibigan sa room dahil sa mahiyain itong babae.

Hindi ko na matiis ang bulungan kaya sinipa ko ang bangko ng nasa unahan kong babae na pasimuno ng pangtitrippings kay kia.

"Ano bang problema mo eastong na anak ng magbabasura?!" inis na baling nito sa 'kin kaya naman tumayo ako upang kunin ang kan'yang bag at buksan.

Nagulat siya ng ikalat ko lahat ng kan'yang gamit sa sahig ngunit walang magawa dahil kilala akong basag ulo sa school noong highschool kami.

Sa unang pagkakataon ay nagtama ang mata naming dalawa at don nag umpisa ang lahat.

Nagkaroon kami ng maikling pag uusap hanggang sa nasundan at naging malapit sa isat isa, 4th year highschool kami noon at malapit ng gumaraduate.

Malakas ang ulan habang pareho kaming nakaupo sa tahimik na library, tag isa kami ng earphone habang nakikinig ng paborito n'yang kanta.

Napatitig ako sakan'ya habang nakapikit lamang ito at nakasandal, wala pa kaming relasyon ngunit klaro ang nararamdaman ko para kay Kia.

Kusang gumalaw ang kamay ko upang sapuhin ng mga palad ko ang kan'yang pisnge, napatitig siya sa 'kin at ganon din ako.

Hindi ko napigilan ang kapusukan at don mismo sa luob ng school at library nangyari ang una at huli, don nabuo si Scarlet.

Nagbuntis si Kia at tinangka n'yang itago sa 'kin ngunit nauna ng malaman ng buong school ang pagbubuntis nito na lalong nagpadami ng taong nambublly kay Kia. Hindi ko alam ang gagawin ng mga panahon na 'yon ngunit handa akong panagutan ang bata at bumuo ng pamilya kasama niya kahit pa.

Ayaw niya.

Nalaman ng mga magulang niya ang pagbubuntis at nasaktan pa ng kan'yang ina at step father dahil 'don, hindi na ito nakakapasok sa school na pinag alala ko.

Dahil hindi ko nadin ito madalas nakikita sakanila, may mga araw na nakikita ko siya ngunit naging ilag ito sa 'kin. At sa twing nakikita ko siya ay umiiyak siya kaya todo ang awa at konsensya ko sa nangyari dahil para kong sinira ang buhay niya.

Naging mahina ito dahil sa pagbubuntis, lalo pa at hindi ito naka attend ng graduation dahil sa pagkahiya kahit pa pinayagan siya ng principal na makapag tapos kahit malaki na ang kan'yang tyan.

At ng nakausap ko ang kan'yang nanay ay

"Kasalanan mo 'to, hindi mo lang sinira ang buhay ng anak ko kundi tinanggalan mo din siya ng karapatan na mabuhay!!"

Tinanggap ko nalang ang masakit na sumbat nito dahil totoo naman.

Handa ko silang alagaan at mahalin ng magiging anak namin ngunit iniwan niya kami, iniwan niya ko sa mga panahon hindi ko alam ang gagawin ko sa buhay ko kasama ng anak namin, graduate lang ako ng highschool at hindi ganon kaganda ang buhay.

Hindi na sapat na dahilan iyon bilang ganti sa 'kin, oo ngat nasira ko ang buhay niya ngunit paano naman ang inosenteng bata na isinilang niya at iniwan niya sa 'kin?

Pinagsaklop ko ang palad at matagal na napatitig kay Kia na natutulog padin.

Hindi ko alam ang dahilan mo, at wala nadin akong balak pang tanggapin 'yan kung malalim man ang rason mo o gusto mo lang talagang gumanti sa 'kin noon dahil sa pagkasira ng buhay mo.

Bumukas ang pinto at iniluwa non si manang.

"Jusko Gia, anong nangyari sakan'ya eastong?" Nag aalalang tanong ni manang hawak sa kamay si Scarlet.

Naglakad palapit sa 'kin ang anak ko at umupo sa kandungan ko.

Tumikhim ako dahil hindi ko alam ang sasabihin.

"N-nadulas siya ng hagdan ng makita niya ko sa dilim k-kagabi" pagsisinungaling ko, dahil ayoko at hindi pweding malaman na kami ni Kia ay may nakaraan.

Ayokong malaman niya na walang kwentang babae o ina ang naging pagkakamali ko noon, ayokong malaman niya na si Kia ang ina ni Scarlet.

Ayokong malaman ng lahat na si Kia ang ina ng anak ko.

"Kamusta na si Tita Kia Daddy?" malungkot na tanong ni Scarlet at bumaba sa kandungan ko upang hawakan ang kamay ni Kia.

Wag mo s'yang lapitan dahil iniwan ka niya, wala s'yng awa.

Sunod na bumukas ang pinto at iniluwa non ang Doctor kasunod ang babaeng naka pulang dress.

"Easton!"

"Tita sandra!" nakangiting lumapit si Scarlet sa secretary ko at yumakap.

Tinanggap nito ang yakap ng anak ko at nag alalang tumingin sa 'kin.

"Mygod ang akala ko naman ay ikaw ang nahospital, tumawag ako sa telepono ng bahay niyo ngunit si Scarlet ang nagsabi na nasa hospital ka kagabi pa!" sabi niya at tumingin sa babaeng nakahiga sa kama.

"who is she?" nagtataka n'yang tanong kaya nahilot ko ang nuo.

"M-my new maid." hindi nasiya nakasagot at naupo nalang sa tabi ko habang chinecheck ng doctor si Kia at gumalaw ito at tuluyan ng dumilat.

Napatayo ako dahil sa pagdilat niya.

Pinagmasdan ng malamlam n'yang mata ang paligid kaya lihim kong naikuyom ang kamao ng dumako ang paningin niya sa 'kin at kay Scarlet na nasa kandungan ni sandra.

"N-nasan ako?" mahina n'yang tanong at napahawak sa ulo.

"Nasa hospital ka, kamusta ang pakiramdam mo iha? Masakit ba ang ulo mo?" tanong ng doctor.

Matagal 'tong hindi nakasagot.

"H-hindi ko alam, n-naguguluhan ako."

"Gia maayos kalang ba iha?" tanong ni manang kaya napatingin ito sa matanda.

"S-sino ho kayo?"

"Sino a-ako?"

Napatingin ako sa doctor at ganoon din ito sa 'kin.

"Calm down, nagtamo ka ng malalim na sugat sa ulo. Marahil may mga hindi ka matandaan sa ngayon at naguguluhan ngunit sigurado akong temporary lamang ito."

Anong ibig n'yang sabihin?

"Stop acting na wala kang maalala—

"S-sino ka?"

Matagal akong napatitig sakan'ya, parang sumakit din bigla ang ulo ko at nakaramdam ng inis.

"Maybe she has a temporary memory loss, pero babalik din after a months."

Napapikit ito hilot ang kan'yang ulo.

"Paano 'yan, teka easton hindi ba at nasayo ang requirements ni Gia? Baka pwedi natin contactkin ang mga magulang niya?" Manang hilda.

"Wala na ang nanay niya, at hindi siya pweding iasa sa stepfather n'yang sabongero at may dating kaso ng panggghasa." sagot ko kaya nagtataka itong napatingin sa 'kin.

"Agad kong sineacrch ang identity niya manang."

"Ganon ba."

"Wala din s'yang kamag anakan sa manila dahil taga bataan si..Kia" dagdag ko kaya malungkot na napatitig si manang hilda kay Kia.

Sa probinsiya kung saan mayroon akong masamang alaala.

"Anong gagawin natin easton?"

Napapikit ako at hindi alam ang gagawin.

" I-i don't know, hindi natin siya sagutin dahil hindi naman natin siya kilala—

"Dad, tita Kia save me." napatitig ako kay Scarlet.

Mukhang naitanim agad ni Kia ang kasinungalingan sa bata, malamang ay matagal na s'yang nagmamatyag sa pamilya ko at plano ang accidente? Who knows?

"Tama si Scarlet Easton." manang

"Sagutin nalang ang gastusin sa Hospital, right Easton?" Sandra.

Matagal akong nag isip at matagal kong kinumbinsi ang sarili kahit pa ayoko s'yang tulungan at maalis sa buhay namin ng anak ko pero wala akong choice.

At sa huli ay pumayag na manatili siya sa bahay habang nagpapagaling at gagawan ko siya ng butas para tuluyan s'yang mawala sa landas namin ng anak ko.

Nakalipas ang isang linggong pagpapagaling ay nakakaramdam padin ko ng inis sa twing nakikita ko ang inosente n'yang mukha na para bang isa itong anghel na hindi kayang mag iwan ng inosenteng bata.

At habang wala pa s'yang alaala ay.

"Nag vacation leave si Sandra, at si Kia ang gusto kong pansamantalang pumalit sakan'ya."

"Pero ano namang alam ni Kia easton?"

"I know she can manang, i will guide Kia."

Hindi na ito nakasagot kaya.

"Bakit mo siya kasama Easton?" Lakad takbo na tanong ni sandra habang naglalakad kasunod ko.

"Pinagbakasyon ko lahat ng janitor sa buong company"

Binuksan ko ang pinto at direktang naupo sa swivel chair ko.

"So you mean? Balak mo syang alilain dito?" gulat na tanong niya at hindi ako nakasagot.

Binuksan ko ang cctv footage sa laptop ko at pinanuod na bigyan ng supervisor ng map at panlinis si Kia.

Hindi ko na nadidinig pa ang sinasabi ni Sandra sa tabi ko dahil pinapanuod ko itong umpisahan na lampasuhin ang isang buong floor.

Ang company ay may 24 na palapag at nasa benteng janitors ang nakahired sa 'kin na siya ang pumalit.

"Bakit mo siya pinahihirapan Easton?" napatingin ako kay Sandra at malalim ang hininga na pinakawalan.

"Wala, hindi ko siya pinahihirapan Casandra." sagot ko.

"Matagal na kitang kilala Easton, alam kong—

"Siya ang ina ni Scarlet."

Hindi siya nakaimek at halatang gulat sa ipinagtapat ko, trusted friend ko si Casandra kaya ko nasabi sakaniya.

"Wtf?!"

At alam niya ang lahat ng nakaraan ko.

"Ang kapal ng mukhaaaa niya!"

Hindi kaagad ako nakaimek.

"Lagot sa 'kin ang babaeng 'yan!" Maagap ko s'yang hinila sa kamay dahilan para mapaupo siya sa kandungan ko.

Tumikhim ako at umiwas ng tingin kaya bigla s'yang tumayo.

"Hayaan mo lang siya, isa pa ay...wala s'yang maalala."

"Kahit na, ako na ang mag tatanggal sa babaeng iyan sa buhay n'yong mag ama."

"No."

"Wag kang makikialam, ako lang ang may karapatan na magbigay o magbalik sakan'ya ng hirap na dinanas ko noon, know the limit between boss and secretary. You're just my secretary...Sandra" napaiwas ito ng tingin at hindi kaagad nakaimek.

Ngunit muling tumingin sa 'kin.

"May nararamdaman kapa din sa babaeng 'yan sa kabila ng ginawa niya sainyo ni Scarlet? Napaka gandang bata ng anak mo Easton at hindi deserved ni Scarlet ang ginawa niya sainyo."

Tumitig ako sakan'ya.

"Matagal na 'kong nakamove on sakan'ya, at matagal ng patay ang puso ko sandra."

Napatitig siya sa 'kin at alam kong naiinis ito kaya binalik ko ang tingin sa laptop upang panuorin siya sa paglalampasa ng mahabang hallway ng company.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jaha mara
charot hahaha
goodnovel comment avatar
Jaha mara
thanks po sa update
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status