Share

CHAPTER 1

EASTON POINT OF VIEW:

Alas nuwebe na ng gabi ng makauwi ako ng bahay, pagod at antok na 'ko ngunit mabuti nalang ay tulog na si Scarlet dahil napagod sa maghapon.

Inuna ko ang puntahan ang kan'yang kwarto.

Maliwanag ang kan'yang kwarto dahil hindi naman ito sanay na madilim lalo pa at nakabukod na ito ng tulugan, limang taon si Scarlet ay magkasama pa kami sa kwarto. Ngayon kasi ay malaki na ito.

Umupo ako sa tabi ng kan'yang kama at magaan na hinaplos ang kan'yang pisnge. Pinagmasdan ko ang pagka inosente ng kan'yang mukha habang mahimbing na natutulog.

Ikaw ang nag iisa at unang naging inspirasyon ko sa buhay, ikaw lang ang meron ako. Ikaw ang dahilan kung bakit ko naabot ang pangarap ko.

Nanariwa sa isipan ko ang mga nakalipas na masamang alaala.

"Ikaw ba ang ama ng sanggol?"

"Opo, ako nga."

"May buong maghapon ng wala ang ina ng baby, at hindi namin alam kung nasaan ito mister. "

Nanlambot ang mga tuhod ko at muntik ng bumagsak, napahawak na lamang ako sa pader upang bigyan ng gabay ang sarili.

"Kung gusto niyo ng maiuwi ang bata ay pwedi niyo ng asikasuhin ang paglabas, maliit lang din naman ang babayaran kapag mayroon Phil health. " hindi na 'ko nakasagot pa at naihilamos ang palad sa mukha.

Tulala akong pinagmasdan ang batang nakasakay sa duyan na gawa sa kawayan, alas dos na ng madaling araw ngunit heto ako nakatulala sa kawalan habang pinagmamasdan na matulog ang munting anghel.

Lihim na pumatak ang luha sa mga mata ko, tatlong araw na ngunit wala padin Kia na nagpapakita.

At hindi ko alam kung nasaan siya, bakit niya kami nagawang abandonahin.

Alam ko naman sa umpisa palang ay ayaw niya na ang magbuntis ngunit sadyang bigay iyon ng panginoon samin. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit niya kami iniwan ng ganon ganon nalang.

Hindi ko kayang palakihin ang anak namin mag isa.

Kung babalik ka man, tatanggapin ko kung ano mang rason mo sa pag alis basta makasama kalang namin ng anak mo. Magsisipag ako sa pagtatrabaho at magdodoble kayod para maitaguyod ang pamilya natin.

Hwag mo lang akong takbuhan sa responsibilidad na pareho natin ginawa Kia.

Sa mga panahon na kailangan kong magtrabaho para kay Scarlet ay iniiwan ko ito sa mga magulang ko.. na buhay pa ng mga panahon na 'yon.

Ang balitang nakapagpabago sa 'kin sa mga panahon 'yon ng malaman kong sumama si Kia sa ibang lalaki at nagpakalayo layo.

Ganon lang ba kami kabasura para iwanan at ipagpalit sa ibang lalaki?

Simula ng araw na 'yon ay iwinaksi ko na sa isipan ko na tanggapin s'yang muli kapag bumalik ito.

Hinding hindi na.

Malalim na paghinga ang pinakawalan ko at tumayo na upang magbihis na sana ngunit bumukas ang pinto at iniluwa non si.

Manang hilda.

"Nakauwi kana pala Eastong"

"Kung gutom ka ay ipag iinit kita ng pagkain sa baba, ano?"

"Ako napo manang, magpahinga na kayo. Malalim na ang gabi. Magbibihis lang ako at bababa na" tinungo ko ang pinto kaya tumabi si manang.

"Siya nga pala"

"Nandito na ang baby sitter na papalit sa 'kin sa pag aalaga at pagbabantay kay scarlet sa school."

"Talaga po manang, kung ganon ay gusto ko syang makita at makapagpasalamat ng personal."

"Ang kaso ay baka tulog na 'to, baka bukas na."

"Sige manang, siya nga pala ano ang brown envelop na nakapatong sa table ko sa kwarto?" Naitanong ko dahil nandon na iyon simula ng isang araw pa.

"Ahh iyon ba, requirements ni gia iyon. Paano ay naiwan niya ang brown envelop kahapon ng mailigtas niya si Scarlet. Naisip ko na naghahanap ito ng trabaho kaya iyon" paliwanang ni manang.

"Sige manang, babasahin ko nalang po mamaya."

"What's her name again manang?"

"Ahhh, teka parang nakalimutan ko. Tumatanda na talaga ako, basta tatlong letra lamang. Ahhh tama Gia. "

Napaisip ako sa pangalan na iyon, Gia.

Kapangalan ng taong matagal ng sumalangit.

Nagpaalam na 'ko kay manang at tinungo ang kwarto para maghubad ng pantrabaho at maligo ng direkta sa banyo.

Suot ang robe ay naglakad ako sa center table at dinampot ang brown envelop at naupo sa sofa.

Binuksan ko iyon upang kunin ang laman ngunit natigilan ako ng madinig ko ang pagkidlat at pagpatak ng ulan sa labas kaya muli akong tumayo upang isarado ang salamin na pinto ng veranda pati ang kurtina.

Inilapag kong muli ang brown envelop at nagbihis muna, nakaramdam ako ng pagkauhaw. At wala nakong gana pang kumain.

Magtitimpla nalang ko ng kape sa ibaba.

Suot ang puting tshirt at boxer at bumaba ako ng hagdan, patay ang ilaw kaya minabuti ko nalang na hindi buksan dahil may liwanag naman kahit na konti dahil nakabukas ang ilaw sa labas ng bahay.

Natigilan ako sa paglalakad ng makita ko ang babaeng nakaupo habang hinihipan ang mainit na kape.

Napaawang ang labi ko at tinambol ng kaba ng makita ko ang babaeng matagal ko ng hindi nakikita.

"Mauna na kong matutulog Gia ha? Nandon na ang mga gamit mo sa guest room kung saan ka matutulog." Aniya ni manang kaya maagap akong nagtago sa pader ng makita ko itong maglakad paalis.

Gia.

Kia?

Ilan minuto kong inisip mabuti kung tama nga ba ang nakita kong si Kia ang babaeng nasa kusina o namalikmata lamang ako.

Pero.

Ng marinig ko ang pagsarado ng pinto ay kaagad akong naglakad at habang palapit ako ay umangat ang kan'yang tingin.

Tama nga ako, siya nga.

Mabilis ko s'yang hinaklit sa braso patayo at wala akong pakialam kung masaktan siya.

"Hindi ko nabilinan si manang na bawal magpapasok ng hayop sa bahay ko." nanlalaki ang kan'yang mga mata na nakatingin sa 'kin kaya mas dumiin ang pagkakahawak ko sakanyang braso dahilan para mapangiwi ito dahil sa sakit.

"P-pito—

"AKO SI EASTON!"

napapikit siya sa pagsigaw ko.

Patulak ko s'yang inatras dahilan para mapadikit ito sa pader habang nakaangat naman ang kan'yang kamay sa pader na madiin kong hawak.

"N-nasasaktan ako" mahina n'yang bulong kaya bahagya kong inilapit ang mukha ko sakan'ya.

"Walang wala 'yang sakit na nararamdaman mo kung para sa pang aabandonang ginawa mo Kia."

Tumitig siya sa 'kin habang nag babadya ang mga luha.

"Anong kapal ng luob ang nagtulak sa 'yo para guluhin muli ang buhay ko?"

"Malamang ay matagal mo ng balak 'to Kia, pinaghandaan mo ba 'to? O gawa gawa mo lang ang pekeng pagligtas sa"

Natigilan ako at napatitig sakan'ya.

"SA ANAK KO."

"H-hindi ko alam, m-maniwala—

Napaiwas siya ng mukha ng bitawan ko ang kan'yang kamay at suntukin ang pader.

"Umalis ka"

Nagsusumamo ang kan'yang mukha sa 'kin.

"Umalis kana, baka masaktan kalang lalo sa gagawin ko sa 'yo Kia. "

"Sinabi ng umalis ka h'wag mo 'kong iyakan na para bang ikaw ang biktima sa storyang 'to!! "sigaw ko at hinawak siya sa kwelyuhan ng kan'yang damit at kinaladkad palabas ng bahay kahit pa malakas ang buhos ng ulan.

"P-please g-gusto ko lang makabawi at—

"Wala ka ng puwang pa sa buhay ko, buhay namin ng anak ko Kia kaya umalis ka nalang ulit at wag na wag ka ng magpapakita pa. Ilan taon kang nawala kaya panindigan mo nalang iyon dahil wala kang karapatan maging ina sa anak ko!!"

"P-pitoyy nagmamakawa ako s-sayo—

Binuksan ko ang gate at wala kong paki kung mabasa ako dahil kakaligo ko lang naman.

Kinaladkad ko siya palabas ng gate hanggang daan at malakas na itinulak dahilan para masubsob siya sa gitna ng kalsada.

Habol ko ang aking hininga dahil sa magkahalong emosyon habang nababasa kami pareho ng ulan.

"Wala kang kwentang babae"

"Wala kang kwentang... Ina"

"Kaya wala kang karapatan na maging ina kay Scarlet!!" Muli kong sabi habang duro siya sa 'king daliri.

Pinilit n'yang makatayo ngunit pareho kaming napatingin sa malakas na ilaw na galing sa kotseng matulin ang pagmamaneho dahil sa malakas na ulan.

Saglit na bumagal ang takbo ng mga oras na 'yon at, masasagasaan siya kung di ako kikilos.

Galit lamang ako ngunit hindi ako mas4mang tao gaya niya.

Mabilis akong humakbang upang hawakan siya sa kamay at mabilis na hatakin, sa bilis ng pangyayari ay rumagasa ang mabilis na kotse sa 'ming harapan.

Muntik na.

Bumagsak kami sa harapan ng gate at paibabaw na bumagsak sakan'ya.

Habol ko ang aking paghinga ng mapbaling ang tingin ko sakan'ya.

Nakapikit ang kan'yang mga mata kaya lumayo ako ng konti, matagal ko s'yang pinagmasdan at napagtantong.

"G-gumising ka!"

"Wag mo 'kong artehan ulit dahil wala akong ipangrereward sa 'yo bilang best actress Kia!!"

Ngunit wala itong naging response kaya hinawakan ko siya sa likod ng kan'yang ulo upang tapikin sakan'yang pisnge.

Huli ko ng napagtanto ang dugo sa mga kamay ko ng hawakan ko siya sa likod ng kan'yang ulo.

Nataranta akong makakita ng pulang likido ngunit sinikap ko s'yang buhatin upang isakay sa kotse at dahil sa hospital.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status