Share

CHAPTER 3

Easton point of view

Hindi na 'ko makapag focus sa ginagawa dahil sa pagtingin ko sa laptop upang panuodin si Kia na lampasuhin ang pangalawang palapag.

2nd floor pa lamang ngunit mukha na itong lantang gulay.

Napaangat ang tingin ko kay Sanda ng itupi niya ang laptop.

Bitbit niya sa kan'yang braso ang tampak na papeles na kailangan kong pirmahan isa isa kaya nahilot ko ang nuo ko.

"Hindi mo na nagawa ang presentation mo mamaya sa meeting dahil isang laptop lang ang dala mo, at gamit gamit mo pa sa pagmonitor mo sa ex mo."

Hindi ako nakaimek at tinanggap nalang ang may isang dangkal na dami ng papel at inumpisahan na magpirma, sinilip ko muna ang orasan at napagtantong mag aalas dose na.

"Pero bago 'yon, mag lunch muna tayo."

Muling umangat ang tingin ko kay Sandra at dinampot ang jacket na nakasabit sa rack.

"Much better."

Sumakay kami ng elevator ng sabay ngunit bumukas iyon at iniluwa si Kia bitbit ang pang linis, lihim na napairap si Sandra at medyo sumiksik sa 'kin upang iwasan si Kia.

Kung pababa kami? Anong gagawin niya sa baba?

"M-magrerefill ako ng diswashing liquid."

Hindi ako sumagot.

"Pwedi ba muna akong maglunch sr Easton?" Tanong nito sa 'kin kaya tumingin ako sakan'ya patagilid.

Sinilip ko ang wristwatch ko.

"Hindi pa oras ng break, 2nd floor pa lang ang nalilinis mo." naunahan na 'ko ni Sandra kaya napayuko ito at umangat ang tingin sa 'kin ngunit muling yumuko ng makita akong nakatingin.

"Magtatake out nalang ako ng food."

Bumukas ang pinto kaya inayos ko muna mabuti ang necktie ko at ibinulsa ang kamay at naglakad palabas ng elevator.

"Sandra."

"Easton?"

"Nasaan ang susi ng kotse mo?" naitanong ko kaya inilabas niya sa kan'yang palad.

"Why? Kotse ko ang gagamitin?"

"No."

"Gamitin mo ang kotse mo" nauna akong maglakad at sumakay sa kotse ko, natanaw ko siya sa rear view mirror na nanatiling nakatayo ngunit tumingin na 'ko sa kalsada.

Magkasunuran lang kaming dumating sa paborito kong restaurant, at nakasabay ko pa ang kakilala ko sa bussiness kaya nagsabay na kami sa pagkain, konting kwentohan hanggang sa matapos.

Sinilip kong muli ang restaurant at napagtantong alas dose trenta na kaya pilit akong ngumiti bago magpaalam sa kilala kong bussinessman.

Oorder sana ko kaso.

"Hwag mo s'yang pakainin"

Napatitig ako kay Sandra.

"Ikaw ang may gustong pahirapan siya hindi ba? Hayaan mo s'yang magutom kasi deserved niya 'yon."

Naibaba ko ang kamay ko ng balakin kong tumawag ng waiter, tumayo na lamang ako upang bumalik na ng company at sabihin na nakalimutan ko kung sakaling magkasalubong kami.

Tama

Nakabalik ako ng office ng hindi ko siya nasalubong, sa laki ba naman ng company ay malabong magkita kami at magkasalubong palagi.

Hinawakan ko ang ballpen at handa ng pumirma ngunit muli kong naibaba at muling binuksan ang laptop.

"Gawin mo na muna ang pipirmahan mo bago 'yan easton."

"Lumabas ka muna Sandra, may ipapagawa ako sa'yo mamaya. " Utos ko, magrereklamo pa sana siya ngunit umangat ang tingin ko sakaniya dahilan ara hindi niya natuloy ang sasabihin at nagmartsa na lamamg palabas ng office.

Hinanap ko kung nasaan ito ngayon at.

Napasandal ako sa swivek chair habang nakalagay ang daliri sa 'king labi. Nakita ko sa labas ng company si Kia na kumakain sa tabi ng garden.

Saan siya kumuha ng pagkain?

Natanaw ng mga mata ko ang lalaking nakasuit ng tuxedo at inabot ang bote ng mineral water.

"Zach?"

Tinignan ko ang kuha ng cctv na napalagpas ko dahil lumabas ako ng company at kung paano sila naging magkakilala.

Mula sa first floor ay inutusan itong linisin ang banyo.

Natanaw ko ang paglalakad ni Zach sa entrance ng company, direkta itong naglakad pa elevator at umakyat hanggng sa office ko ngunit hindi ako nito natagpuan kaya bumaba na lang ulit ito sa lobby at don nag antay ng ilan minuto.

Umupo ito at naghintay.

Tumayo muli ito at nagpunta sa kung saan.

Sa restroom.

Nilipat ko ang kuha ng cctv sa hallway ng restroom kung saan nilalampaso ni Kia ng map ang sahig, nagkasalubungan sila at dahil naglalampaso ito ay hindi nito napansin si Zach na nasa kanyang harapan.

Tinangka nitong dumaan sa gilid ngunit humagis ang map sa gilid kung saan ito papunta, sinubukan nitong gumilid ngunit don naman sa pwesto na 'yon tumama ang map.

Kinuha nito ang dalang map ni Kia na ikinagulat nito, nagkaroon sila ng pag uusap at mukhang pinag sasabihan niya si Kia.

Binalik niya kay Kia ang map at dumaan upang magbawas, may ilan segundo ng makabalik na 'to at nanatiling naglalampaso si Kia palabas ng Restroom at.

Napatayo ako ng muntik na 'tong matumba dahil sa pagkahilo? Pero buti nalang ay nahawakan ito si Zach.

Lihim kong napiga ang kamao na nakapatong sa mesa.

Nagkaroon ito ng pag uusap at bumukas ang pinto at iniluwa si Zach kaya naisara ko ang laptop, dala nito ang brown envelop na naglalaman ng documents tungkol sa company.

Mukhang iyon ang isinadya niya dito sa company ko.

"Bakit mag isa ang janitress niyo?"

Hindi ko siya sinagot.

"Tapos hindi niyo pa pinagla-lunch? Hindi ba sagot ng company 'yon. Lakas ng tama" umangat ang tingin ko sakaniya.

"Ano nga palang ipinunta mo dito?"

Pinaliwanag niya naman sa 'kin at natakpan ang usapin tungkol kay Kia. Nakaalis na ito kaya kaagad kong binuksan ang laptop.

Napapraning ba 'ko?

Nakababa ng lobby si Zach at nakaalis ng company dahil mukhang wala naman s'yang paki sa janitress ng company at nag malasakit lamang ito ng luob upang bigyan ng pagkain si Kia.

Anong kailangan kong gawin? Ayoko na s'yang makita pero hindi ko siya pweding basta itaboy lalo pat nagkaroon ito ng problema sa kan'yang memorya?

Sinubsob ko ang sarili ko sa pagtatrabaho hanggang hating gabi at sinabayan ng pag inom ng alak hanggang sa matapos.

"Kaya mo pabang umuwi? Ihahatid na kita" Sandra.

"Kaya ko, salamat."

Nilagpasan ko siya at naunang maglakad ng hallway.

"Ang sabi ni Mommy at Daddy bakit daw ako nagtitiis na maging secretary mo e meron naman daw kaming sariling company." nakatawang kwento ni Sandra kaya nanatili akong tahimik.

"Simple lang"

"Dahil gusto kong kasama ka at makatrabaho Easton."

"Kapag ikaw ang humawak ng company niyo, magiging magkatrabaho padin naman tayo. Bussiness patner dahil magkasosyo ang magulang mo at ako" sagot ko.

"Saka nalang siguro, hindi kopa kaya patakbuhin ang company namin. Unless makapag asawa ako ng bussinessman din na kaya akong tulungan maging success sa bussiness world" kwento niya kaya hindi na 'ko nakasagot pa.

"Wala kapa bang balak mag asawa?"

"Wala, nagfofocus ako sa trabaho at kay scarlet."

"Hanggang ngayon ganyan padin ang sagot mo sa twing tinatanong kita."

Bumukas ang pinto kaya nauna akong maglakad palabas.

"Im leaving, see you tomorrow"

"Ingat ka Easton!"

Kinuha ko ang susi at naglakad papasok sa kotse ko at magdrive pauwi, alas onse na ng gabi at marahil tulog na ito pag uwi ko dahil sa matinding pagod.

Free ang kalsada kaya naman malaya akong nakakapag maneho ng mabilis.

"Kalimutan mo na si Kia, sumama na siya sa lalaking kaya s'yang bigyan ng magandang buhay na sinira mo lang pitoy!" sumbat ng nanay ni Kia.

"Pero paano ang anak nami—

"Edi palakihin mo mag isa! Menor de edad si Kia ng ginawan mo ng kahalyan. Habang ikaw nasa hustong gulang na kaya alagaan mo mag isa."

"Pero apo niyo din ang bat—

"Eh ano naman kung apo ko 'yan? Madami na kong problema sa buhay kaya wag mo ng idagdag ang batang iyan. Kung gusto mo ipaampon mo nalang."

Sinara nito ang pinto ng kanilang bahay at naiwan akong bitbit ang sanggol na isang buwan pa lamang.

Si Kia na bigla nalang susulpot sa buhay ko?

Pagkauwi ko ay didiretso na sana ako sa kwarto ko ngunit nakita kong sumarado ang pinto ng guests room kaya bumalik ako pababa upang tunguhin iyon, pinihit ko ang doorknob at bukas iyon.

Dala ng kalasingan ay nakita ko itong bitbit ang kapa habang suot ang ternong pajama dahil mukhang kakaligo lang nito.

Mabilis s'yang napaharap sa 'kin kaya maagap ko syang sinandal sa pader at tinakpan sa bibig, gulat ang kan'yang mukha na makita ako.

"Sabihin mo nagsisinungaling ka nanaman hindi ba? Hindi totoong nawalan ka ng alaala, nagpapanggap kalang para manatili sa bahay ko!" Madiin kong bulong.

Nakita ko ang pamumula ng kan'yang mata dahil sa madiin na pagkakatakip ko sakan'yang bibig.

"Hindi mo 'ko pweding makalimutan Kia!!"

Napaigtad siya sa pagsigaw ko.

"Ako ung taong iniwan mo!"

"Kasama ng inosenteng bata na ikaw mismo ang nagluwal!" sumbat ko sakanya habang nakatitig lamang ito sa 'kin.

"Kung totoo man na may short temporary memory loss ka na ilan buwan lang ang itatagal pwes tutulungan kitang makaalala!" naihawak niya ang palad sakan'yang bibig dahil sa matinding takot.

Hinawakan ko siya sa magkabilaan braso upang halugin.

"Isipin mong mabuti kung sino ka, kung anong ginawa mo sa past mo! At kapag naalala mo ay lumayas kana sa bahay ko!" Paulit ulit ko s'yang inalog

"Nasasaktan ako"

Nawalan ng lakas ang kamay ko dahilan para bumagsak ito at tigilan siya sa pag alog.

Habol ko ang aking hiningang pinipigilan ang sarili.

"Bigyan mo 'ko ng matibay na rason kung bakit mo kami iniwan?" Nanginginig na boses kong tanong.

"Kung totoo man at aaminin mong sumama ka sa ibang lalaki para takasan ang responsibilidad ay tatanggapin ko padin na paliwanag para lang gumaan ung bigat sa dibdib ko ng iwan mo 'kong puno ng katanungan."

" H-hindi ko alam ang sinasabi mo"

Naiyak na lamang ako dahil sa kalasingan at hindi ko na kayang kontrolin ang sarili dahil nasa ilalim ako ng impluwensya ng alak.

Tumalikod na 'ko at lumabas ng kan'yang kwarto, naglakad ako pataas ng hagdan at una kong binuksan ang kwarto ni scarlet, yumuko ako sakan'yang kama at don umiyak hanggang sa hindi ko na namalayan na don makatulog.

At hindi kinabukasan

Hindi ko alam kung panaginip lamang ba iyon o totoong nangyari.

PS : BAKA DI NIYO NA MAGUSTUHAN UNG PLOT😭🫶PERO FOR ME OKAY NAMAN HUHU.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status