NAGULAT siya ng biglang mayroong bumusina, bukas pa naman ang bintana kung kaya rinig na rinig doon ang busina ng sasakyan. Pagtingin niya sa may pintuan ay nakita niya doon si Eamon na seryoso. Nang makita siya ng lalaki ay mas lalo itong sumeryoso at nagalakad ito papunta sa kaniya. Napalunok si Diana dahil doon at hindi alam kung ano ang gagawin. Hindi niya alam kung ibababa niya ba ang balat ng snacks o hindi. “E-eamon, nakauwi ka na pala,” kinakabahan na sabi niya dito pero hinddi iyon pinansin ng lalaki. “Diana,” Pangalan palang nito ang tinatawag ng lalaki ay kinaabahan siya lalo. Tila isa siyang bata na mayroon kinuha na hindi naman dapat para sa kaniya. Sa tingin niya ay papagalitan na siya nito ano mang oras ngayon. “Tell me the whole truth, anak ba talaga nating dalawa sila Deimos, Theon at Neo?” Napalunok ng malalim si Diana dahil sa tanong ni Eamon. Nagsimula na ‘rin siyang pagpawisan ng malamig. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa lalaki! Paanong nala
Last Updated : 2024-10-29 Read more