Napaisip si Flora sa sinabi ng anak at inalala ang kanilang nakaraan. --- SI Flora ay lumaki sa may kayang pamilya. Noong panahon niya ay uso ang arrange marriage lalo na kung ikayayaman nila iyon. Nakatatak na sa isip niya na maghahanap siya ng mayamang lalaki na mamahalin niya at syempre higit sa lahat ay mamahalin siya! Nahanap naman niya ang lalaking iyon, si Draco. Si Draco ang unang kasintahan ni Flora. Mabait ito, gwapo, at higit sa lahat ay mayaman! Kaya maging ang magulang niya ay botong boto sa lalaki. Ngunit kahit na maginoo si Draco ay may pagkabastos ito. Marami itong gustong gawin sa kaniya at dahil bulag sa pagmamahal ay pumapayag siya sa lahat ng gustuhin nito. Lahat naman ay ibinibigay sa kaniya ng lalaki, pera, damit, karangyaan. Nakilala din ang pamilya nila simula ng maging sila. Ang kaso, isang araw nalaman niya na nambababae ito.Iyak ng iyak si Flora at hindi alam kunh anong gagawin. Pakiramdam niya ay mayroong nakabara sa kaniyang dibdib at hindi iyon ma
Last Updated : 2024-10-31 Read more