Natigilan si Freya sa sinabi ng anak pero kalaunan ay tumango din. “Hayaan mo na anak,” “Pero mommy, malalaman nila na bumalik na ala ala mo!” Napalingon muli si Freya kay Deimos at ginulo ang buhok nito. “Okay lang yun, si mommy na ang bahala para magpaliwanag sa kanila.” Napabuntong hininga nalang si Deimos at hinayaan ang ina. Noong isang gabi habang nasa out of town sila ay narinig niya ang pag-uusap ng mommy at mga kaniyang lolo at lola. Tinatanong ng mga ito kung kailan siya aamin sa mga ito. Noong una ay nagtataka si Deimos kung anong aaminin hanggang sa mapansin niya rin na may kakaiba sa ina at doon na siya nagtanong dito. Sinabi niya rin dito na alam niya ang tungkol sa sinabi ng kaniyanh mga lolo at lola. Doon na sinabi ni Freya ang tungkol sa pagbalik ng ala ala niya pero isang malaking secreto lang iyon. Sila lang at ng lolo at lola niya ang nakaka-alam. Kaya nga ng magsimulang magtanong ang mga ito sa pag iiba ng mommy nila ay kaagad niyang sinabi. Since wala n
Last Updated : 2024-10-31 Read more