FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Naka kuha na kami ng sapat na information para malaman kung sino ang bagong lider ng eclipse ngayon. “Hon, seryoso ka masyado kanina ka pa tinatawag ni Pyr..” napa lingon ako sa asawa ko ng mag salita ito. Nilingon ko ang anak ko, may hawak itong slice ng pinya. “Sorry, halika..” naka ngiti kong tawag sa anak ko at agad itong lumapit sa akin kaya inupo ko ito sa hita ko. Binaba ko naman ang hawak nitong platito, “Mama, may family day po kami sa school.” Wika nito, inabutan ako ng wipes ng asawa ko kaya pinunasan ko ang kamay nito na puno ng katas ng pinya. “Kailan ‘yan? Pupunta kami syempre hindi namin ‘yan palalampasin.” Tanong ko dito at nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng napaka lakas. “Tita Mommy Flame, Tito Daddy Blake! Pupunta po sila mommy Sky at daddy Harold sa family day po sa school..” kwento sa amin ni Uno may hawak pa itong lapis nito. Natawa naman ako at umiling. “Pupunta din kami, kasi meron din ang mga kambal at si Kuya
Last Updated : 2024-11-15 Read more