THUNDER LAVISTRE“This is a big mess! Walang kasal na magaganap! Ako na mag papatigil nito!” Wika ko at umalis na ako agad at humabol naman si Hailey.“Thunder!” Tawag nito sa akin at lumingon naman ako.“Sorry Hailey, hindi ko gugustuhin na makasal na may gap sa amin ng kapatid ko. Ngayon ko lang na realize na malapit na ang death anniversary ng magulang namin..” pag hingi ko ng tawad dito.“Hindi tayo magiging masaya pareho kung may hindi pag kaka intindihan dito..” paliwanag ko dito.Lumapit ito at hinawakan ang mukha ko ngumiti ito sa akin. “Ngayon ko na naiintindihan ng husto, bakit ko pa nakalimutan ang bagay na ‘yun? Gusto ko humingi ng tawad kay Flame, mali din ang sinabi ko alam ko kung gaano ka importante sa kanya ang araw ng kamatayan at birthday ng magulang ninyo..” wika nito.Niyakap ko ito at ganun din ito sakin. “Huwag ka maniwala sa kanya na hindi na siya papayag, papayag siya hindi naman ganun ka selfish si Flame alam ko ‘yun halos ako din ang palaki sa kanya. Alam mo
BLAKE SHIN DELA VEGA KINAUMAGAHAN nagpaalam ako sa asawa ko na aalis muna ako at pupunta ako sa bahay nila uncle Leo. Bumaba na ako ng sasakyan ko at nag lakad ako papasok sa loob ng bahay nila Uncle. Pag pasok ko nakita ko si Kenneth agad, “Kenneth, ano ba itong ginagawa mo?” Tanong ko dito at hindi na ako nag patagal pa. “Bakit? Natatakot ka na mapatay ang asawa mo? Inisip niya ba ang nararamdaman ko? Ni hindi man lang niya ako pinag salita..” panunumbat nito. Ngumisi ako at nag salita. “The whole time na nagsasalita si Francine nakatingin sayo ang asawa ko, pero ikaw itong naka tungo at parang tuod..” sagot ko dito. “Hindi ka nag salita, tapos sisihin mo siya? Ipapaalala ko sa’yo ikaw ang nag loko, labas ang asawa ko dito pero gumawa siya ng paraan para pumagitna.” Muling pagsasalita ko. Bumaba na sila Kurt, Yj at Tita Christine at Tito Leo. “Tito may alam ba kayo sa pag sali ni Kenneth sa ibang grupo?” Tanong ko dito. Umiling ito kaya binalingan ko si Kenneth. “Gagawin ko a
DAMON VALENCIA LAVISTRE MAAGA PA LANG NAG TUNGO na ako sa bahay ni Earl kasi isasama siya Flame sa pakikipag usap sa Pangulo ng bansa. “Andyan ba si Earl?” Tanong ko sa katulong nito. “Opo sir,” sagot nito sa akin kaya pumasok na ako na sa loob ng bahay. Agad akong dumeretso sa kusina at kumuha ako ng isang plato ng pagkain nila. Bago ako aakyat ng dala ito sa kwarto ni Earl. “Eh sir, dapat po binaba na lang ninyo mamaya natapon ‘yan..” wika ni ate Jocie.. Umiling ako at umakyat na ako at nag lakad ako sa pinaka dulo ng daanan na ito, sa pinaka sulok kasi ang kwarto ni Earl. “Napaka dilim naman ng buhay ng isang ito? Ah dapat si Chef Ava na lang maging asawa nito..” pag kausap ko sa hangin. Kita ko naman ang daanan kahit madilim. Nang makarating ako sinipa ko ang pinto. “Earl! Pumunta ka daw sa Underground! Tapos sama ka daw sa Malacañang!” Sigaw ko dito sa labas ng kwarto niya. “Pumasok na lang kayo sir, baka naliligo si Boss Loyd..” wika ni Ate Jocie. “Hindi na bale ate, mah
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA NAPA HILOT AKO SA SENTIDO ko ng mag salita ang asawa ko. Lahat kami nandito sa underground dahil sa pinaggagawa ni Kenneth. “Sana hinayaan mo na lang ako Hon, pinsan ko parin si Kenneth hindi ko naman pwede na lang itapon ito..” wika ng asawa ko. Napa lingon ako dito at ganun din sila kuya, pero sinenyahan ko sila na huwag na makisali. “Ginawa ko lang ‘yun dahil kapag lalong nadagdagan ang gal——” naputol ako ng magalit ang asawa ko. “Ako na ang bahala doon, kaya hindi ko sinasabi sayo.” Wika nito. Huminga ako ng malalim at lumingon ako sa mga lalaki dahil biglang tumayo si Vlad. “Kung inaalala mo na tatapusin ko siya hindi ko gagawin ‘yun.” Sagot ko dito at iniwan ko na sila. Kinuha ang gun holster ko at nag lakad ako palabas habang suot ko ito. Wala akong oras makipag salpukan ng salita sa asawa ko o sa kahit sino doon ako sa kilos at solusyon.. Sumakay ako sa sasakyan ko at mabilis akong umalis upang magtungo sa Manila Ocean house. Mas bini
AGENT. FREYAH KNOXVILLE “Kasalanan ko ito!” Napa lingon ako sa likod ng mag salita ang lalaki. Siya ang nag utos na mang hostage, alam ko isa ito sa mga pinsan kung tama ang asawa ni Miss Lavistre. “Hindi ito ang oras para sisihin ang sarili, kailangan siyang mailigtas agad kundi magiging malala ang sitwasyon niya..” malamig kong sagot dito. Umupo muna ako at huminga ng malalim. “Hindi ko alam na hahantong sa ganito, ayoko mawalan ng ina ang pamangkin ko. Mga bata pa sila..” narinig kong wika nito. “Humingi ka ng tawad sa kanya sa oras na magising siya, hindi naman ito ganun ka hirap gawin..” utos ko dito Kitang kita ko ang pangangatog ng mga kamay nito, marahil sa natatakot ito sa mangyayari. Nang tumunog ang cellphone ko agad kong kinuha ito sa bulsa ng suot kong jacket at sinagot. “Si Agent. Willis ito, manatili ka muna d’yan kapag nalaman mong ayos na si Miss Lavistre bumalik kana dito..” utos nito. “Masusunod po Agent. Willis pero may isang problema sana maka tulong tayo..
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA TATLONG ARAW SIMULA NG MANGYARI sa pagitan namin ni Kenneth. Unti-unti ng nakaka recover na ang katawan ko sa mga natamo. Napansin ko din ang pananahimik nila mas lalo si Vlad. “Kung may gusto kayong sabihin, mas mabuting sabihin niyo na..” wika ko habang naka sandal ako ng maayos sa unan. Bumuntong naman si Vlad at nag salita. “Gusto ka maka usap ng mga Secret Agent..” wika nito. Nagkibit balikat ako at tumango. “Sabihan mo sila na ako ang pupunta sa kanila..” sagot ko na lang at nag hikab ako. Ang asawa ko kanina andito siya ngunit kailangan siya sa kanyang kumpanya kaya umalis na siya. Siya din ang mag sundo sa mga bata sa school, si Kenneth? Hindi ko pa ito nakikita simula ng magising ako. Sa akin naman wala naman ang ginawa niya. Kaya hinahayaan ko lang ito, natural ang nararamdaman niya wala lang siyang sapat na tapang para kausapin ako o sumagot sakin. Dahil na rin ‘yun sa pinapakita kong intimidation lagi. Hindi ko ito masisi, kaya i
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA “Kumusta na si Adele?” Tanong ko kina kuya Thunder at Vlad. “Maayos na tulad ng sinabi ko na CS siya para makuha na ang bata..” sagot ni Kuya Vlad tumango ako at nag paalam ako na aakyat sa taas. Kaalis lang ng asawa ko at mga bata dahil pumasok sila sa eskwela at sa trabaho naman ang asawa ko. Nag tungo ako sa loob, nagpalit ako ng damit dahil may pupuntahan ako. Hindi ko na muna isasama ang mga panganay sa pamilya ako na lang muna. Matapos ko mag bihis kinuha ko ang susi ng McLaren 720s ko at lumabas na ako ng kwarto. “Kapag hinanap ako ng asawa ko at mga bata sabihin niyo umalis lang ako..” wika ko habang pababa ako ng hagdan. “Oo nga pala, iniimbitahan tayo sa kaarawan at opening ng bagong perfume collection ni Mrs. Young yung si Cierra?” Wika ni Damon. “Pupunta tayo,. Kailan ‘yan?” Tanong ko ng maka baba na ako ng tuluyan. “Ngayong darating na sabado..” sagot nito. Tumango ako at sumagot. “Kung libre na kayo ngayong araw, mag tungo na
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGAIlang araw na namin inaabangan ang unang kilos ng mga nag aalsa laban sa Pangulo. Nalaman ko na rin bakit nila ito ginagawa.Dahil nakulong pala ang pinaka pinuno nila, bumaba na ako ng sasakyan at nag lakad din ako papasok sa isang kulungan kung saan nakakulong ang ama ng samahan nila.Mamaya na rin ang party ni Mrs. Young gabi naman ito kaya makakapag asikaso pa ako. “Gusto ko siya makita..” wika ko kay Jimenez.“Dito Miss Lavistre..” sagot nito at agad kong sumunod, ito ang pinaka malaking kulungan sa bansa.Lahat ng madaan ko na mga inmate ay tumatabi upang bigyan ako ng daan. “Siya ang mafia boss ng bansa..” wika ng isa mga nakakulong dito.“Nasa maximum level ito naka kulong dahil delikado siya kung makakatakas siya..” wika ni Jimenez.“Mabuti, gusto ko lang siya makita at kung pwede makausap..” sagot ko at bumaba na kami sa isang underground jail.Doon ko nakita ang iba’t ibang high profile na taong nakakulong. Masasama ang tingin nila sakin
AVA OLIVIA LEVESQUE MASAYA AKO DAHIL binigay sakin ni Miss Flame ang kasal na dapat para sa akin. Ganun din kay Earl kahit na alam niyang takot ako sa kanya, nagawa niyang mahinga soft sakin. Hindi ko maitago ang tuwa sa labi ko habang inaayusan ako ng mga pinsan din ni Boss Flame. Sila na ang nag ayos sa akin ngayon, “Yan ang ganda mo na lalong buntis!” Wika ni Ingrid sa akin na kina ngiti ko. Ang gagaling nila mag make up at mag ayos nag mukha na akong tao dahil sa ginawa nila. “Thank you so much..” pasasalamat ko at ginawa nilang naka taas ang buhok ko para hindi ako naiinitan mamaya sa seremonya. “Si Miss Flame?” Tanong ko dito. “Ayun lang, hindi pa daw nakaka uwi, hayaan mo ‘yun lagi lang wala agad pero darating siya..” naka ngiting wika ni Emerald at inayos nito ang buhok ko. “Sanay na talaga kayo sa kanya ano?” Tanong ko sa kanila. Nakangiting tumango silang dalawa bago sumagot si Emerald. “Yes, ganun kasi ang love language ni Flame, i mean hindi talaga siya nagsa
FLAME MORJANA LAVISTRE - DELA VEGA Hindi ko alam bakit kailangan ko sumama sa mismong simbahan dahil kailangan nila ito makita at makapag insayo si Ava na mag lakad. Sinuggest namin na huwag na ito mag heels para komportable siya na mag lakad, pumayag naman ito. Lahat sila naka tayo ako naman naka upo lang habang pinapanood itong mag lakad. “Hon, ano ba ‘yan tumayo ka..” suway ng asawa ko. Nilingon ko ito ng may pagka bored sa mukha ko na kina tawa nito. “You know, i hate this right? Saka bukas pa naman ang kasal i know how i can act..” sagot ko na kina iling nito. Hindi ko narinig itong sumagot hanggang salubungin ito si Earl at nag lakad patungo sa mismong altar. Matapos na nito nakinig sila sa sasabihin ni father at ng kinuha nilang organizer. Nakaupo lang ako sa huli ng upuan sa likod palabas ng pinto. Nakatingin ako sa labas actually, natatakot ako para bukas dahil alam ko na aatake si Dylan kaya kahit ayaw pumunta sa kasal wala akong choice i want to make sure na safe si Av
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA KINAUMAGAHAN NAGISING ako na masakit ang ulo ko. “Mabuti naman at nagising kana?” Narinig kong tanong ni Ate Sky. “Mga bata ate?” Tanong ko dito at dahan dahan akong bumangon. Imbes na sagot ang natanggap ko, isang malakas na kaltok ang ginawa nito. “Ano pumasok sa isip mo at nag lasing ka ha?!” Tanong nito. “A—aray! Ang sakit non!” Daig ko habang kina-Kinamot ko ang ulo ko, “Hindi ko intensyon na mag lasing! Ininom ko lang yung isang baso na ganito lang ang sinerve sakin!” Minustra ko pa sa kamay ko. “Malay ko ba na ang lakas nun maka lasing ng tao?!” Tanong ko dito. Pinang hilamos ko ang dalawang palad ko sa mukha ko. “Hay naku, sinabihan mo pa ang asawa mo na hindi mo siya asawa? Hay naku Flamie!” Napanganga ako sa sinabi nito. “Sinabi ko ‘yun?! Asan asawa ko?!” Tanong ko dito. “Yan! Now you’re back to your senses! Nasa baba pinag lulutuan ka ng soup para sa hangover mo..” sagot nito at lumabas na ito ng aming kwarto. Nang mag s
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA MAAYOS NA NAMIN na-idaos ang bagong taon, dalawang linggo na ang lumipas nag back to normal na ulit ang lahat. Pero hindi ko pa pina-patanggal ang mga dekorasyon sa safe house. Ngayon naman ay nasa dating bahay ako namin dahil ako mismo ang nag check kung maayos ba nila nagagawa ang trabaho. Agad itong sinimulan ng tauhan ni Opal at ng mga pinsan ko, nag bagsak na ng mga gagamitin tulad sa safe house ang gawin dito gusto ko ito gawing matibay dahil para na rin sa mga taong titira mas lalo at dadami ang bata sa pamilya. “Miss Flame?” Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Ava. “Just Flame don’t use Miss from now on.. and that’s the command..” utos ko dito at pinatigil ko ito dahil delikado para sa kanya ang maka lapit pa sa pwesto ko. “Nasabi sakin ni Earl kung pwede ba na mag tayo din kami ng bahay sa property mo. He feel safe kasi kung doon kami titira kesa sa bahay niya..” sagot nito at pagtatanong nito. “Okay wala sakin problema ‘yan
THUNDER LAVISTRE Napa buntong hininga ako at ang asawa naman ni Flame ay umiiling na lang, pinahatid ko na kay Storm at Damon ang mga pinamili sa grocery dahil pagkain ito at may mga karne pa. Pumasok kami sa isang parang maliit na mall, hindi ko sigurado kung ano ang tawag dito. 167 Cybermart ang pangalan nito. “Maganda ito oh? Gagawin natin floor mat para kapag nag play ang mga bata.” Wika ni Flame at nakita ko ang presyo nito. “Nasa 285 ang isang ito..” sagot ko at pinakita sa kapatid ko. “Kuya ka ng apat kuya Thunder..” nakangiting utos ng kapatid ko kaya kumuha ako ng gusto nito. Napa lingon ako kay Demitri na galing kung saan..“May second floor pa pala puro appliances ang nandun tingnan niyo..” wika nito kaya agad sumunod si Flame kaya sumunod din ako. Natawa na lang ako kay Blake napapagod na ang isang ito kaya napapakamot na lang ito ng ulo. “Ang dami ditong gamit sa bahay, Love may couch..” turo ni Flame at humawak na ito sa braso ng kanyang asawa. Lumayo naman ako s
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA DALAWANG ARAW NA LUMIPAS, NAKAUPO AKO SA HARAP ng lalaking nakabuntis kay Madrid. “Kilala mo ang babaeng ito?” Tanong ko at pinakita ko ang litrato ni Madrid. Nang makita nito ang mukha ni Hailey agad itong umiwas ng tingin. Saktong bumukas ang pinto at niluwa nito si Madrid kahit hirap pa ito nagawa nitong mag lakad patungo dito. “Siya ba?” Tanong ko kay Madrid. Tiningnan nito ang lalaki ng maigi. “Oo pero hindi ko kailangan ang lalaking ‘yan. Ang tangi ko lang na gusto ngayon at si Th——” pinutol ko ito at nag salita ako. “Kahit mas matanda ang kapatid ko sa akin, sa sitwasyon na ito ako ang mag dedesiyon. Hindi aakuin ni Thunder ang pinagbubuntis mo, kung patay na ang ama niyan papayag ako pero kung hindi? Hindi ako papayag..” paliwanag ko dito. Nilingon ko ang lalaki. “Ikaw, hindi naman put* si Madrid kaya hindi masasabi na sa ibang lalaki pa ‘yan kung bibilangin tutugma ito ng may nangyari sa inyo..” wika ko sa lalaki. “Ano?! Eh hindi ko n
THUNDER LAVISTRE Matapos ang bonding kahapon kasama namin si Seth ngayon hinatid ito kasama si Adele at ang baby nito sa bahay. Nandito din sila uncle at Don Santiago kasama nito ni Prince. Buhat ko si Seth na hawak nito ang regalo ko, “Kuya paki baba naman ang anak ko..” utos ni Flame kaya binaba ko ang bata. “Halika may isusuot si Mama sayo..” naka ngiting tawag nito sa kanyang anak. Nakita ko na sinuot nito ang isang necklase na chained na gold. “Kapag may ganyan ka meaning anak na kita okay? Mama mo na talaga ako..” narinig kong wika ni Flame na kina ngiti ng bata at yumakap pa ito ng mahigpit. Magsasalita pa lang ako ng may nag sigawan sa labas. Kaya agad akong napa tayo at lumabas ng gate. Nakita namin nag kaka gulo ang mga tao. “Anong meron kuya?” Tanong ni Storm at Flame. “Hindi ko alam eh..” sagot ko at nakita ko isang lalaking sugatan. “Ano po nangyari?!” Tanong ko sa kanila. “Natamaan ng ligaw na bala at yung isa paputok!” Sagot ng lalaki. “Kuya kunin mo na ang sas
STORM LAVISTRE PAG BALIK NAMIN SA SAFE HOUSE nakita ko ang pamilyar na sasakyan. “Kumalma ka Storm..” inakbayan ako ni Blake na kina lingon ko. “Bakit nandito siya?” Tanong ko dito. Bumuntong hininga ito at tumigil sa pag lakad. “Nakiusap ako kay Vlad na puntahan si Thunder para makapag usap ang mag kapatid. I know galit ka parin pero pwede ba ako na nakikiusap? Mag ayos muna kayo ngayon, kahit hanggang bagong taon lang? Para na lang sa mga bata at asawa ko?” Nakikiusap nitong paliwanag. “Storm, hindi ko sinasagasaan ang nararamdaman mo sana alam mo ‘yan pero hindi kaya na makita ang asawa ko na ang mga mata ay malungkot. Ang mga bata ay nag hahanap. Kaya please nakikiusap na ako..” pakiusap nito sa akin. Huminga ako ng malalim at tumango. “Okay gagawin ko, pasensya na..” pag hingi ko ng paumanhin at pag payag ko.. “Thank you.. tara na kakain na tayo..” aya nito at pumasok na kami sa loob. Nauna ito. “Tito Storm magbubukas na po kami ng gift?” Tanong sa akin ni Hermoine. Umili
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA BIGLAAN ANG GINAWA KONG PAG IWAS kay kuya Thunder. Pero nasasaktan din ako kaya ko nagawa ito, kailangan ko parin ba maging selfless kung nasasaktan na ako? Hindi ba pwede na kahit minsan unahin ko muna sarili kong pakiramdam? Umiling ako at huminga ako ng malalim. Nakatingin lang ako sa mga ilaw ng Christmas tree, nakabihis na ako dahil on the way kami ngayong gabi para mag simba at mamasyal mamaya. Hindi naman namin tatapusin ang misa ayaw din nila. Pinaandar ko ang wheelchair ko at lumabas na ako safe house. Deretso ako sa van at agad naman ako tinulungan ni Kuya Vlad at Earl na isakay sa loob. “Iwan niyo na lang kaya ako? Ayoko din naman mag simba..” wika ko, sa dami kong kasalanan bakit kailangan ko pa mag simba ano ito pakitang tao? “Flame mahirap maiwan kang mag isa dito..” wika ni Kuya Vlad. “Okay lang naman ako dito, mas komportable ako dito..” sagot ko dito. “Blake paano ito? Papaiwan na lang daw siya?.” tanong ni Earl sa asawa ko