Sumunod na araw, opisyal na nagsimula ang kompetisyon sa upperclass. Lahat ng young masters na sumali sa kompetisyon ay nagtipon-tipon sa loob at labas ng mansyon ng pamilya Alanis. Kumpara sa dumalo kahapon ay hindi lang nadoble ang bilang ngayon, kung hindi ay naging triple pa."Ang dami palang sumali," saad ni Sean, pinsang buo ni Kina. "Iba talaga ang ganda ni insan.""Pinagsasabi mo? Baka kamo pokpok 'yon?" mataray na sambit ni Harly, kapatid ni Sean. "Marahil ay iyon ang pinagkakakitaan niya noong naghihirap pa sila.""Watch your tongue honey, baka marinig ka ni dad." paalala ni Mylene, ina ng mga ito. Tumingin pa ito sa kanilang likuran para makasiguradong walang nakikinig sa kanila."Anong nasa isip nina Ferdinand at ginawang papremyo ang kanilang anak? Parang ginawa nilang pa-raffle si Kina." natatawang sambit ni Nolan, asawa ni Mylene at kapatid ni Joey at Ferdinand.Kasalukuyang nasa balkonahe sa ikalawang palapag ang apat at tanaw nila kung gaano karami ang dumalong manlil
Last Updated : 2024-09-28 Read more