All Chapters of After Divorce : Marrying My First Husband Again: Chapter 131 - Chapter 140

155 Chapters

Kabanata 131

Dasha's Point Of View."Bibilang ako ng tatlo... Tapos tatayo ka, Ate ha?" saad sa akin ni Kael at tumango naman ako bago kumapit ng mahigpit sa kaniyang braso. "Isa... Dalawa.. Tatlo!""Arayyy!!!" malakas kong sigaw habang sinusubukang tumayo ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakaalis sa higaan ay naramdaman ko nakaagad ang panghihina ng aking mga binti kaya mabilis akong bumagsak pabalik sa kama."Ayos lang 'yan, Ate. At least may improvements ka," pag-aalo niya sa akin dahil mukhang napansin niya ang pagkalungkot ko.Pilit akong ngumiti bago tumango. "Oo nga... Pero hindi na talaga ako makapaghintay na gumaling na dahil marami pa akong kailangang gawin."Hindi na masyadong sumasakit ang ulo ko, tanging ito na lang talagang mga tama ko sa binti ang problema kaya nahihirapan akong makalakad. Hindi ko alam kung kailan 'to gagaling, pero sana naman ay gumaling na kaagad dahil sa bawat araw na nananatili ako rito, hindi ko alam kung ano na bang nangyayari kila Benjamin, kila Dr. Naomi,
last updateLast Updated : 2025-03-21
Read more

Kabanata 132

Bianca's Point Of View.Mabilis kong tinawagan si Nika noong mawalan na ng malay si Elias, kaagad naman siyang sumagot."Oh ano? Kamusta? Nahuli ka ba niya?" sunod-sunod niyang tanong pagkasagot ng tawag."No, nagawa ko ang pinaplano ko, wala na siyang malay ngayon," sagot ko. "Lumabas ka na ng kotse at tulungan mo akong buhatin siya."Ilang sandali lang ang hinintay ko bago dumating si Nika rito, narinig ko pa ang mahina niyang pagmumura noong makita niya ang kalagayan ni Elias."Damn it, Bianca. Kinakabahan ako sa mga pinaggagagawa mo!" sabi niya pa habang tinutulungan akong buhatin si Elias.Inirapan ko lamang siya. "Hawakan mong mabuti ang braso niya."Mabuti na lang talaga dahil tinawagan ko si Nika para samahan ako, dahil kung ako lang mag-isa ang nagbuhat kay Elias ay siguradong hindi ko kakayanin dahil bukod sa mas matangkad siya sa akin, madalas din siyang magwork-out kahit na busy siya.Matagumpay naming mabuhat si Elias, nilagay namin siya sa backseat, umupo ako sa kaniyang
last updateLast Updated : 2025-03-22
Read more

Kabanata 133

Dasha's Point Of View.Hindi ko na naramdaman pa ang hapdi ng kaunting pagtapon ng laman ng baso sa akin dahil sa sinabi ni Kuya Peter. Ibinaba ko ang tingin sa aking mga binti at ganoon na lamang ang panginginig ng aking mga kamay noong makita kong nakakatayo na ako nang maayos.Malakas akong bumuntong hininga at sinubukang ihakbang ang aking mga paa at ganoon na lamang ang pagsinghap ko noong magawa kong humakbang, noong una ay nanginginig pa ang mga binti ko ngunit nagawa ko namang maayos."N-Nakakalakad na nga ako," halos pabulong kong sabi. "Nakakalakad na ako, Kuya Peter!"Lumingon ako sa kaniya na ngayon ay mayroong malawak na ngiti sa akin. "Oo, Dasha. Nakakalakad ka na."Lumakad ako sa kaniya at bahagya siyang niyakap. "Salamat po sa tulong niyo.""Walang anuman, Dasha. Parang anak na rin kita eh."Bumitaw ako at ngumiti muli. "Pwede po ba akong lumabas? Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin.""Aba siyempre naman, tara, tutulungan kita."Inalalayan niya pa ako habang nagl
last updateLast Updated : 2025-03-22
Read more

Kabanata 134

Dasha's Point Of View.Maaga kaming gumising kinabukasan para sa pag-alis ko, nakakatuwa nga dahil pati sa pag-alis ko ay handa nila akong tulungan kahit hindi ko pa sabihin. Ang sabi ni Kael ay dalawang ilog daw ang tatawirin namin para makapunta sa pinakamalapit na bayan, at doon daw maari akong makitawag."Anong unang gagawin mo kapag nakabalik ka na sa inyo?" tanong sa akin ni Kael, nakaupo kami rito sa duyan sa labas ng kanilang bahay habang umiinom ng kape, madaling araw pa lang ngayon at si Kuya Peter ay naghahanda sa loob."Siyempre ang puntahan ang anak ko," sabi ko bago sumimsim sa kape. "Tapos, pupuntahan ko iyong bakery shop ko. Alam ko namang hindi iyon papabayaan ng mga tauhan ko at mga kaibigan, pero siyempre gusto kong malaman kung kamusta na sila at ang shop ko.""Marunong ka palang mag-bake?""Oo, nakahiligan ko noong bata ako pero hindi naman tuloy-tuloy kasi nga ang mahal ng mga ingredients," pagkuwento ko. "Pero masayang magkaroon ng libangan, ikaw ba? Anong ginag
last updateLast Updated : 2025-03-22
Read more

Kabanata 135

Dasha's Point Of View. "A-Ano... Elias, ako 'to si Dasha," nanginginig ang boses na ani ko. "Hindi kita maintindihan, anong hindi mo ako maalala?" Sandaling katahimikan ang narinig ko mula sa kabilang linya pagkatapos ay namatay ang tawag, sinubukan kong tawagan pa ang number niya ngunit hindi na ito macontact pa. Nagsimula akong magpanick at lumakas ang aking pag-iyak. Anong hindi niya ako maalala? Shit. May ginawa ba sa kaniya si Selena? Tinurukan din ba siya ng AQW3? Hindi ko alam kung oo pero malakas ang kutob kong oo, boses iyon ni Elias. Hindi ako pwedeng magkamali, sa ilang taong pagmamahal ko sa kaniya, kabisadong-kabisado ko na ang boses niya. Kaya hindi ako makapaniwala noong sabihin niyang hindi niya ako kilala. Kung naturukan nga siya ng AQW3, at nasagot niya ang tawag ko, ibig sabihin lang noon ay wala siya sa mga station na pinagdalahan sa akin. Nasaan naman kaya siya? Sana naman ay pinaghahanap na siya nila Joel. Sa tagal kong nawala, hindi ko na alam kung
last updateLast Updated : 2025-03-23
Read more

Kabanata 136

Dasha's Point Of View."Jazz!" pagtawag ko sa kaniya pabalik at mabilis na lumapit sa kaniya upang yakapin siya. "Paano mo nalamang nandito ako?""Saka ko na ipapaliwanag, kailangan nating umalis na," aniya bago isuot sa akin ang isa pang sumbrero, hinubad niya pa ang jacket na suot at nilagay sa aking ulo. "Suotin mo 'yan para walang makakilala sa'yo."Kahit hindi ko maintindihan kung bakit parang nagmamadali siya ay tumango na lamang ako at sandaling bumalik sa kinaroroonan nila Kuya Peter."Nandito na po ang kaibigan ko, babalik na kami ng Maynila," nakangiting wika ko. "Salamat po sa tulong niyo, babalik po ako rito, promise 'yan."Niyakap ko sila bago ako tuluyang sumama kay Jazz, hindi na ako nakapagpaalam pang masyado sa kanila dahil nga nagmamadali kami. Sumakay kami ng helicopter at hindi ako makapaniwalang siya ang magmamaneho noon. "Sigurado ka bang marunong ka?" hindi siguradong tanong ko habang nakaupo sa likod at pinapanood siyang may kung anong gawin sa unahan. "Baka n
last updateLast Updated : 2025-03-23
Read more

Kabanata 137

Dasha's Point Of View. "Dasha... Gising na, nandito na tayo sa mansyon niyo." Naririnig ko ang boses ng kung sino, dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at nakita ko Jazz na nakatingin sa akin. "Jazz," wika ko at dahan-dahang bumangon, napagtanto kong nasa loob kami ng isang van. "Ba't nasa van na tayo?" "Ang haba ng tulog mo, hindi na kita ginising noong nakalapag na tayo sa Maynila." "Nasaan na tayo ngayon?" Nasagot ang tanong ko noong nakarinig ako ng mga pamilya na boses. "Dasha! Apo!" Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang boses ni Lola, sunod kong nakita ang pagbukas ng pintuan ng van at doon ko nakita ang aking pamilya na umiiyak. Si Lola ay parang aatakihin na sa puso sa pagmamadaling pumunta rito, sa gilid naman niya ay nandoon si Papa na tahimik lang umiiyak, buhat-buhat niya ang aking anak na hindi ko alam kung naiintindihan niya ba ang nangyayari pero umiiyak din siya. Kaagad akong lumabas ng van, ramdam ko na ang mga luhang hindi ko namalayang tu
last updateLast Updated : 2025-03-23
Read more

Kabanata 138

Dasha's Point Of View."Grabe, hindi ako makapaniwala sa mga pinagdaanan mo," umiiyak niyang ani. "Akala ko hindi na kita makikita."Naramdaman ko ang muli niyang pagyakap na kaagad ko namang binalik. Umiiyak pa rin si Lola habang si Jazz at Papa naman ay parang may malalim na iniisip."N-Nasaan pala si Elias?" tanong ko at nilingon si Jazz.Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga bago magsalita. "Ang daming nangyari noong nawala ka... Una, magkakambal kami ni Elias.""Ano?" sigaw ko sa gulat. "Paano nangyari iyon?!""Matagal ko ng alam iyon, bago pa man ako bumalik dito sa Pilipinas... Tinatago iyon sa akin ni Mamita at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang dahilan," aniya. "Pangalawa, buhay pa pala ang anak namin ni Celaida... At siya ay si Ethan."Hindi ko na magawa pang magreak pagkatapos kong marinig iyon, nakaawang lang ang labi ko habang nakatingin sa kanila. Base sa naging reaksyon ng mga kasama ko, mukhang alam na rin nila ang balitang ito at ako na lang ang na
last updateLast Updated : 2025-03-23
Read more

Kabanata 139

Elias's Point Of View.Fvck. Gustong-gusto ko nang umalis sa lugar na 'to. Kating-kating na akong hindi makita ang pagmumukha ni Bianca... Nakakadiri siya, ang kapal ng mukha niyang umaktong parang wala siyang ginawa sa akin.Hindi ko masikmurang isipin na sabay kaming kakain ng umaga, tanghalian at hapunan... Magpanggap na walang maalala, sa tuwing iniisip ko na para 'to kay Dasha ay nagkakaroon na ako ng ganang magpatuloy at magpanggap na walang maalala.Hindi ko alam kung naligtas na ba ni Jazz si Dasha... Hindi ko kasi pwedeng ilabas ang cellphone ko dahil may mga CCTV sa buong paligid nitong villa, tanging sa bathroom ko lang nakakausap si Jazz... At sa iisang kwarto natutulog ni Bianca kaya hindi talaga ako makahanap ng pagkakataon para ilabas ang aking cellphone.Hindi ko pa rin makalimutan iyong gabing tumawag sa akin si Dasha... Nag-aalangan nga akong sagutin ang tawag na iyon dahil una sa lahat ay unknown number tapos tulog si Bianca sa kama kaya kailangan ko pang pumunta sa
last updateLast Updated : 2025-03-23
Read more

Kabanata 140

Dasha's Point Of View."Dawn... Sobrang na miss ka ni Mama," nakangiting saad ko sa aking anak habang pinagmamasdan siyang matulog sa crib. Parang ayoko ng mawalay pa ang tingin ko sa kaniya, baka kasi bigla na namang akong mawala at tuluyan ko ng hindi siya makita.Maraming nagbago sa anak ko, pero mga positibong bagay naman dahil pansin kong mas lumusog siyang tignan ngayon—senyales lang na hindi siya pinapabayaan dito sa mansyon noong mga panahong wala ako rito.Ang sabi sa akin ni Lola ay madalas daw na dumalay dito si Elias para bantayan si Dawn, minsan daw ay ito ang nagpapakain sa aming anak, nakikipaglaro siya at pinapanood na matulog... Nakakapanghinayang lang na wala ako sa paligid noong mga panahon na iyon dahil hindi ko man lang nakita si Elias kung paano maging isang Tatay para sa anak namin.Napahinto ako sa pag-iisip noong nakarinig ako ng pagkatok sa pintuan at nakita kong pumasok si Papa."Papa, bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ko at pinanood ko siyang umupo sa so
last updateLast Updated : 2025-03-25
Read more
PREV
1
...
111213141516
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status