Share

Kabanata 138

Author: GreenRian22
last update Last Updated: 2025-03-23 11:33:17

Dasha's Point Of View.

"Grabe, hindi ako makapaniwala sa mga pinagdaanan mo," umiiyak niyang ani. "Akala ko hindi na kita makikita."

Naramdaman ko ang muli niyang pagyakap na kaagad ko namang binalik. Umiiyak pa rin si Lola habang si Jazz at Papa naman ay parang may malalim na iniisip.

"N-Nasaan pala si Elias?" tanong ko at nilingon si Jazz.

Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga bago magsalita. "Ang daming nangyari noong nawala ka... Una, magkakambal kami ni Elias."

"Ano?" sigaw ko sa gulat. "Paano nangyari iyon?!"

"Matagal ko ng alam iyon, bago pa man ako bumalik dito sa Pilipinas... Tinatago iyon sa akin ni Mamita at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang dahilan," aniya. "Pangalawa, buhay pa pala ang anak namin ni Celaida... At siya ay si Ethan."

Hindi ko na magawa pang magreak pagkatapos kong marinig iyon, nakaawang lang ang labi ko habang nakatingin sa kanila. Base sa naging reaksyon ng mga kasama ko, mukhang alam na rin nila ang balitang ito at ako na lang ang na
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Anna Margarita Mabutin Banquilay
more update pa plsss
goodnovel comment avatar
ELa Panganiban
paupdate magandapo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 139

    Elias's Point Of View.Fvck. Gustong-gusto ko nang umalis sa lugar na 'to. Kating-kating na akong hindi makita ang pagmumukha ni Bianca... Nakakadiri siya, ang kapal ng mukha niyang umaktong parang wala siyang ginawa sa akin.Hindi ko masikmurang isipin na sabay kaming kakain ng umaga, tanghalian at hapunan... Magpanggap na walang maalala, sa tuwing iniisip ko na para 'to kay Dasha ay nagkakaroon na ako ng ganang magpatuloy at magpanggap na walang maalala.Hindi ko alam kung naligtas na ba ni Jazz si Dasha... Hindi ko kasi pwedeng ilabas ang cellphone ko dahil may mga CCTV sa buong paligid nitong villa, tanging sa bathroom ko lang nakakausap si Jazz... At sa iisang kwarto natutulog ni Bianca kaya hindi talaga ako makahanap ng pagkakataon para ilabas ang aking cellphone.Hindi ko pa rin makalimutan iyong gabing tumawag sa akin si Dasha... Nag-aalangan nga akong sagutin ang tawag na iyon dahil una sa lahat ay unknown number tapos tulog si Bianca sa kama kaya kailangan ko pang pumunta sa

    Last Updated : 2025-03-23
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 140

    Dasha's Point Of View."Dawn... Sobrang na miss ka ni Mama," nakangiting saad ko sa aking anak habang pinagmamasdan siyang matulog sa crib. Parang ayoko ng mawalay pa ang tingin ko sa kaniya, baka kasi bigla na namang akong mawala at tuluyan ko ng hindi siya makita.Maraming nagbago sa anak ko, pero mga positibong bagay naman dahil pansin kong mas lumusog siyang tignan ngayon—senyales lang na hindi siya pinapabayaan dito sa mansyon noong mga panahong wala ako rito.Ang sabi sa akin ni Lola ay madalas daw na dumalay dito si Elias para bantayan si Dawn, minsan daw ay ito ang nagpapakain sa aming anak, nakikipaglaro siya at pinapanood na matulog... Nakakapanghinayang lang na wala ako sa paligid noong mga panahon na iyon dahil hindi ko man lang nakita si Elias kung paano maging isang Tatay para sa anak namin.Napahinto ako sa pag-iisip noong nakarinig ako ng pagkatok sa pintuan at nakita kong pumasok si Papa."Papa, bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ko at pinanood ko siyang umupo sa so

    Last Updated : 2025-03-25
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 141

    Dasha's Point Of View.Isang magandang kulay puting villa ang bumungad sa amin, may kalakihan ito at tanging nag-iisa lang na nakatayo malapit sa may dagat... Ngunit kahit gusto kong matuwa sa ganda ng villa, hindi ko maramdaman ang pagkamangha sa akin dahil alam kong nasa loob ng lugar na iyon ang babaeng matagal na dapat nabulok sa kulungan."Kalmahan mo lang, Dasha, ha?" narinig kong saad sa akin ni Jazz habang naglalakad kami papunta sa villa, sa likod namin ay mayroong dalawang pulis. "Para kang manghuhuli ng kabit."Napailang na lamang ako sa huli niyang sinabi ngunit hindi na ako nagsalita pa dahil nakarating na kami sa villa. Malakas akong bumuntong hininga bago kumatok.Hindi ko na kailangan pang kumatok muli dahil kaagad na bumukas ang pinto."W-What the fuck..."Nakita ko kung paano manlaki ang mga mata ni Bianca habang nakatingin sa akin, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Para bang sinisigurado niyang nandito nga ako sa harapan niya at buhay... Para bang nakakita si

    Last Updated : 2025-03-26
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 142

    Dasha's Point Of View."You're really expecting that you can fool me?" seryosong saad ni Elias at kaagad kong napansin ang pagngisi ni Bianca habang nakatingin sa akin, mukhang hindi niya napansin na sa kaniya iyon sinabi ng lalaki.Nakita ko ang paglalakad ni Elias papunta sa aking tabi at hinarap si Bianca na ngayon ay mabilis na nawala ang nakakairitang ngisi sa labi. "I know what you did, Bianca," pagpapatuloy ni Elias."E-Elias.... Bakit nasa tabi ka ng babaeng 'yan?"Ako ngayon ang napangisi. "Sa tingin mo ba ganoon katanga si Elias, Bianca? Na madali mong mauuto sa mga walang kwentang bagay na sinasabi mo?" sabi ko at napakunot naman ang kaniyang noo na para bang hindi niya pa rin naiintindihan ang nangyayari. "Alam niya ang tungkol sa AQW3, Bianca. Nagpapanggap lang siyang walang maalala."Narinig ko ang pagsinghap niya bago tumingin kay Elias, mabilis kong nabasa ang takot sa kaniyang mga mata."Hindi ko nga alam kung paano ko nakayanang magpanggap na walang maalala dahil dir

    Last Updated : 2025-03-29
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 143

    Dasha's Point Of View.Nang makarating kami sa balcony ay tanging malamig na hangin lang ang bumungad sa amin dahil gabi na, pero kahit ganoon ay hindi pa rin ako makaramdam ng antok.Humawak ako sa railing ng balcony at nagsimulang magsalita, ni-hindi ko man lang siya nilingon. "Magkikita kami noon ni Jazz sa isang mall, pero hindi natuloy dahil nga may isang van ang kumuha sa akin... Wala man lang nakapansin noon, noong nasa van na ako may tinurok sila sa batok ko noon at nakatulog ako. Paggising ko ay nasa isang kulungan na ako."Naramdaman ko ang kung anong bumabara sa lalamunan ngunit nagpatuloy ako sa pagsasalita. "May kasama akong isang babae roon, si Caroline, payat siya at nanghihina. Siya ang nagpaliwanag sa akin ng tungkol sa AQW3 at sa eksperimentasyon ni Selena... Ang AQW3 ay eksperimento ni Selena, kapag naturukan ka noon ay makakalimutan mo lahat, maging ang sariling mong pangalan.""Para saan ang eksperimentasyon na iyon?"Nagkibit-balikat ako. "Ang sabi sa akin ni Dr.

    Last Updated : 2025-03-29
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 144

    Dasha's Point Of View."W-Wala naman akong planong umalis, pwera na lang kung paalis mo ulit ako," sambit ko."No... Fvck no.. I won't push you again," mabilis niyang bulong sa akin, mahigpit pa rin ang kapit. "Baka... baka kapag ginawa ko iyon, mapahawak ka na naman katulad ng nangyari noong nagdivorce tayo.""Edi nangangako akong hindi na ako aalis sa buhay mo," sabi ko at napangiti."That's right... Dahil plano kong magpakasal ulit tayo."Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Kasal?""Yeah...""P-Papakasalan mo ako?""Ikaw lang naman ang nakikita kong magiging asawa ko, Dasha. Kung hindi lang din naman ikaw, mas pipiliin ko pang mapag-isa na lang habang buhay," malambing niyang saad na mas lalong nagpangiti sa akin. "I love you so much, Dasha. Ikaw ang buhay ko."Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso sa huli niyang sinabi, napakasarap sa taingang marinig ang mga salitang iyon. "M-Mahal din kita, Elias."Naramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng aking ulo. "Pinangaku

    Last Updated : 2025-03-29
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 145

    Dasha's Point Of View.Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa excitement na makikita ko na sina Mama, mukhang parehas kami ni Dawn ng nararamdaman ngayon dahil maaga rin siyang nagising, mabuti na lang dahil hindi siya umiiyak."Dawn... Dadating na si Mama mamaya, excited ka na bang makilala ang Lola mo?" nakangiting sabi ko sa kaniya habang buhat-buhat siya, napansin ko naman ang maliit niyang ngiti kaya napangiti rin ako.Nakarinig ako ng katok sa pintuan kaya mabilis akong lumapit doon at binuksan, bumungad sa akin ang bagong gising na si Elias. Dito niya napagpasyahang matulog, gusto niya rin daw kasing hintayin ang pagdating nina Papa. Pati sina Jazz at Celaida ay sa guest room din ng mansyon natulog."Good morning," pagbati niya sa akin at tumingin kay Dawn. "Good morning, Dawn..""P-Papa..!!"Napangiti naman ako sa sinabi ng anak namin. "Good morning, Elias. Pasok ka."Tumayo siya at tuluyang pumasok sa loob ng kwarto. "Ang aga mo yatang nagising?" tanong ko sa kaniya at umu

    Last Updated : 2025-03-29
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 146

    Dasha's Point Of View.Parang isang panaginip pa rin ang lahat. Hindi ako makapaniwalang muli kong mayayakap si Mama, noon... Palagi ko lang itong panalangin, pinagdadasal ko na muli ko siyang mahagkan kahit na alam ko namang impossible... Pero possible pala iyon? Dahil buhay pa pala siya!"M-Mama..." Malakas na hagulgol kong saad habang nasa bisig niya. Sobrang tagal kong pinangarap 'to, ilang taon ko ring gustong maramdaman muli ang pagmamahal ng isang anak. "H-Huwag mo na akong iwan ulit... M-Mama... Hindi ko kaya. Hindi ko na kayang mag-isa, Mama. Hindi ko kayang wala ka. Huwag ka na ng umalis."Naramdaman ko ang mahigpit niyang pagyakap sa akin. "Hindi ka na iiwan ni Mama, Dasha... Nandito na ako, hindi kita iiwan."Napuno ng iyakan ang umagang iyon, ni-hindi na namin magawa pang kumain ng almusal dahil mas gusto naming alamin kung ano bang nangyari."Ano bang nangyari sa inyo, Diane?" tanong ni Lola, nakaupo na kami sa mahabang sofa, katabi ko sina Mama at Papa. Sa harapang sof

    Last Updated : 2025-03-30

Latest chapter

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 166

    Dasha's Point Of View.Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko ngunit purong kadiliman lang ang nakikita ko.Teka, nasaan ako?Pakiramdam ko ay nakaupo ako sa isang silya dahil nararamdaman ko iyon, pero wala talaga akong makita. Tangina, saan ba ako dinala ni Jazz? Ano bang nangyari?Pagkatapos kong inumin ang binigay niyang tubig ay inantok na ako, ano ba 'tong nangyayari?Nilibot ko ang tingin sa paligid at sigurado akong nasa labas lang ako dahil kitang-kita ko ang napakaraming stars sa langit, gusto ko sanang mamangha pero hindi ko maintindihan kung bakit biglang nandito na ako gayong ang huling pagkakatanda ko ay nasa sasakyan ako kasama si Jazz.Naku! Malilintikan na talaga sa akin ang lalaking iyon!Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo ng biglang bumukas ang mga ilaw, nanlaki ang mga mata ko ng makita ang buong paligid. Maraming puno sa paligid ko, at mayroong mga ilaw na nakasabit sa bawat puno, nandito ako sa gitna at sa buong paligid ay maraming tulips na paborito ko. Sa

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 165

    Dasha's Point Of View.Hindi na ako nakapagpaalam pa kay Dawn, mabuti na lang dahil nandoon si Angela at paniguradong alam naman na niya ang gagawin niya."Ano bang nangyayari?" tanong ko kay Jazz, nandito na kami sa loob ng sasakyan niya at nagmamaneho na siya, nasa likod ng sasakyan niya ang dalawang box ng cupcakes. "Ipaliwanag mo ngang mabuti! Tignan mo ang suot ko, sa kakamadali mo hindi na ako nakapagpalit."Suot-suot ko pa rin kasi ang red dress na binigay sa akin ni Angela."May nag-order kasing costumer sa shop mo," mahinanong pagkuwento niya. "Tinawagan ako ni Marilyn dahil nga may emergency bigla iyong delivery boy niyo so pumayag naman ako dahil wala naman akong ginagawa, so ayon nga, pumunta na ako sa address ng recipient pero nagalit sa'kin. Ang sabi niya, nag request daw siyang kasama ka sa bigay noong binili niya kaya ito.""Ha? Bakit naman kailangang kasama ako?" naguguluhang saad ko. "Kilala ko ba recipient? Ano bang pangalan niya?""Hindi ko alam, hindi ko na inabal

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 164

    Elias's Point Of View."Sinabi ko na kay Dasha na hindi ako makakapagsundo sa kaniya sa airport dahil may seminar ako," paliwanag ko kay Angela at nakita ko naman ang pagtango niya."Okay, ako na lang ang susundo sa kaniya. Mamaya pa namang gabi ang proposal, hindi ba?" Tumango ako. "Yeah, si Jazz na ang bahalang magpapunta kay Dasha sa mismong lugar dahil nga ang alam niya ay nasa seminar ako buong araw na 'to.""Ako na ang bahala!" si Jazz, bahagya pa siyang kumikindat-kindat sa akin. "Kapag nadulas ako baka masabi kong may kasama kang babae tapos sasamahan ko siyang puntahan ka."Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at hinarap si Angela. "You can leave now, malapit nang makarating si Dasha," wika ko sa kaniya at tumango naman siya bago umalis.Nandito kami sa condo ni Jazz, as usual para na namang tanga ang kakambal ko."Excited na ako para mamaya, Elias," aniya."Subukan mo lang sirain ang araw na ito, Jazz... Kakalimutan ko talagang magkapatid tayo," pagbabanta ko sa kaniya

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 163

    Dasha's Point Of View."Kailan ka pala babalik ng Maynila, Dasha?" tanong sa akin ni Kuya Peter, kumakain kami lahat ngayon sa mahabang lamesa rito sa bahay nila. At bilang pasasalamat sa amin ni Kuya Peter ay pinagluto pa niya kami ng hapunan."Kung ako sa'yo ay bukas na lang ng umaga, paniguradong mahihirapan ka kung ngayon," si Kuya Erickson."Iyon nga rin po ang plano ko," sagot ko.Nagsalita si Kael. "Ihahanda ko na lang para sa'yo iyong kwarto sa taas para makapagpahinga ka nang maayos, Ate."Tumango ako. "Sige, salamat."Nang matapos kumain ay umakyat na ako sa second floor ng bahay, sinabi kasi sa akin ni Kael na maayos na ang kwartong tutulugan ko. Pagkatapos ko ay nilagay ko na kaagad ang aking mga gamit sa kama at saktong pag-upo ko ay naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko, kaagad ko itong binuksan at nakita ang chat ni Elias.Elias:Hi, what are you doing? I missed you.Napakunot ang noo ko. Baka naman ginagago na naman ako ni Jazz?Dasha:Ikaw na ba 'yan, Elias?I

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 162

    Dasha's Point Of View."Mabuti na lang talaga kaunti lang ang gamit namin dahil hindi tayo mahihirapan sa paglalakad pababa ng bundok," saad ni Kuya Peter habang aglalakad na kami pababa, nagtanghalian muna kami bago kami umalis sa bahay nila. Hapon na ngayon at mabuti na lang dahil maraming puno rito at mahangin kaya hindi masyadong mainit sa pakiramdam."Mabuti na lang din dahil alam ko ang short cutt sa bundok na 'to," si Kuya Erickson. "Hindi ako makapaniwalang tinatawid niyo pa ang dalawang ilog para lang makapunta ng bayan.""Kung alam lang namin ang short cutt, Erickson. Hindi na sana namin pinahirapan pa ang sarili namin," sagot ni Kuya Peter.Nagsalita si Kael. "Bihira lang kasi tayo pumunta sa bayan, Papa. Kaya hindi natin alam.""Bakit nga ba kasi sa bundok niyo pa naisipang tumira?" tanong ni Kuya Erickson na nagpatango sa akin."Oo nga po, bakit po?" tanong ko."Eh iniisip nga ng mga taong magnanakaw kami, hindi ba?" sagot ni Kuya Peter na nagpakunot sa noo ko. "Totoo nam

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 161

    Dasha's Point Of View."Titulo po ng lupa niyo, pwede na po kayong bumalik sa bahay niyo kailan niyo man gustuhin," nakangiting saad ko.Narinig ko ang pagsingap ni Kael noong marinig ang sinabi ko, kaagad siyang lumapit sa Tatay niya upang kompirmahin ang sinabi ko at noong makita niya ang papel ay nakita ko ang pangingilid ng luha sa kaniyang mga mata. Mabilis na tumayo si Kuya Peter mula sa pagkakaupo at luapit sa akin upang mahigpit akong yakap, naramdaman ko ang pag-iyak niya."S-Salamat, Dasha! M-Maraming salamat!" wika niya habang yakap-yakap ako, hinimas ko naman ang kaniyang likod habang nakangiti."Sinabi ko naman po sa'yo, diba? Ayokong nandito kayo sa taas ng bundok dahil delikado... At may karapatan naman talaga kayo sa lupain niyo dahil sa inyo iyon," paliwanag ko at bumitaw siya sa pagkakayakap, pinupunasan na ang kaniyang luha habang nakangiti sa akin."Maraming salamat talaga, Dasha. Sobra-sobra ang tulong na ginawa mo sa amin," wika pa niya ngunit umilang lang ako ha

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 160

    Elias's Point Of View."Ano kayang magiging reaction mo kapag nag no si Dasha?"Mabilis na kumunot ang noo ko sa sinabi ni Jazz, nandito kami ngayon sa isang sikat na bilihan ng bulaklak at balak kong mag-order ng mga tulips dahil iyon ang paboritong bulaklak ni Dasha, nakaupo kami sa bakanteng upuan habang naghihintay dahil may naunang nag-order kaysa sa amin."Si Joel na lang sana ang sinama ko rito," inis kong sabi dahil puro mga walang kwentang bagay na naman ang sinasabi niya.Narinig ko ang malakas niyang halakhak, may pahampas-hampas pa siya sa sahig at parang mahuhulog na sa kaniyang inuupuan.Pero alam kong kahit Joel o siya ang kasama ko rito, parehas lang naman silang mga isip bata. Baka sila talaga ang totoong magkakambal?"Patawa-tawa ka riyan, kakausapin ko talaga si Tita Cyla para hindi ka niya bigyan ng permission kapag kinausap mo na siya tungkol sa magiging kasal niyo ni Celaida," pagbabanta ko at mabilis naman siyang napalingon sa akin, nanlalaki pa ang mga mata."T

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 159

    Dasha's Point Of View."Hello po, Kuya Erickson," nakangiting wika ko sa kaniya."Ikaw nga, Dasha! Anong ginagawa mo rito at bumisita ka?" aniya, nakangiti rin sa akin. "Halika, pumasok ka muna rito sa loob at gabi na, malamok diyan sa labas."Tumango ako at sinunod ang sinabi niya, walang pinagbago ang bahay niya, ganitong-ganito noong huli kong pagpunta rito. Umupo ako sa sofa bago magsalita."Hindi ba't sinabi kong babalik ako rito kapag maayos na ang lahat?" sagot ko at mas lalo namang lumawak ang kaniyang pagngiti, naupo siya sa harapan ko."Nabalitaan nga namin sa TV ang nangyari, salamat talaga sa'yo at nakakulong na ngayon ang Selenang 'yon," pagkuwento niya. "Ilang linggo ring naging chismis iyon dito, nagsilabasan din ang mga taong galit kay Reyes at sa mga ginagawa niya. Lahat ng tao ay sinasabing masaya silang nahuli na ng mga pulis ang mga taong iyon."Tumango ako. "Dapat nga po sana ay noon pa para hindi na sana dumami pa ang mga nabiktima nila.""Oo nga eh... Ilang taon

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 158

    Elias's Point Of View.Sa totoo lang, wala akong alam na lugar na mahilig puntahan palagi ni Dasha. Dahil unang-una, noon, palagi lang naman siyang nasa mansyon, at kung lalabas man siya, para lang pumunta sa mall para mag-grocery o kaya naman mamasyal kasama si Angela."Matipid na tao si Dasha," ani ko dahil iyon ang pagkakakilala ko sa kaniya. "Alam kong impossibleng wala siyang mga lugar na gusto niyang puntahan... Pero matipid siyang tao, at alam kong sa tingin niya gastos lang iyon kaya mas pinipili niya na lang na manatili sa mansyon," dagdag ko. "At isa pa, madali lang siyang pasayahain, kahit na mga maliit na bagay ay nakakapagbigay na ng kasiyahan sa kaniya.""Oh... Bakit nahihirapan ka pang makaisip kung saan ka magpopropose? Kahit naman ano yatang gawin mo ay matutuwa ang babaeng iyon.""I know... But still, like I said a while ago, I want it to be memorable," wika ko."Natanong mo na ba si Angela? Bagay may mga alam siya kung anong magandang lugar na pwedeng maging venue n

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status