Share

Kabanata 142

Author: GreenRian22
last update Last Updated: 2025-03-29 09:52:05

Dasha's Point Of View.

"You're really expecting that you can fool me?" seryosong saad ni Elias at kaagad kong napansin ang pagngisi ni Bianca habang nakatingin sa akin, mukhang hindi niya napansin na sa kaniya iyon sinabi ng lalaki.

Nakita ko ang paglalakad ni Elias papunta sa aking tabi at hinarap si Bianca na ngayon ay mabilis na nawala ang nakakairitang ngisi sa labi. "I know what you did, Bianca," pagpapatuloy ni Elias.

"E-Elias.... Bakit nasa tabi ka ng babaeng 'yan?"

Ako ngayon ang napangisi. "Sa tingin mo ba ganoon katanga si Elias, Bianca? Na madali mong mauuto sa mga walang kwentang bagay na sinasabi mo?" sabi ko at napakunot naman ang kaniyang noo na para bang hindi niya pa rin naiintindihan ang nangyayari. "Alam niya ang tungkol sa AQW3, Bianca. Nagpapanggap lang siyang walang maalala."

Narinig ko ang pagsinghap niya bago tumingin kay Elias, mabilis kong nabasa ang takot sa kaniyang mga mata.

"Hindi ko nga alam kung paano ko nakayanang magpanggap na walang maalala dahil dir
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
GreenRian22
mamaya po ang next update
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 143

    Dasha's Point Of View.Nang makarating kami sa balcony ay tanging malamig na hangin lang ang bumungad sa amin dahil gabi na, pero kahit ganoon ay hindi pa rin ako makaramdam ng antok.Humawak ako sa railing ng balcony at nagsimulang magsalita, ni-hindi ko man lang siya nilingon. "Magkikita kami noon ni Jazz sa isang mall, pero hindi natuloy dahil nga may isang van ang kumuha sa akin... Wala man lang nakapansin noon, noong nasa van na ako may tinurok sila sa batok ko noon at nakatulog ako. Paggising ko ay nasa isang kulungan na ako."Naramdaman ko ang kung anong bumabara sa lalamunan ngunit nagpatuloy ako sa pagsasalita. "May kasama akong isang babae roon, si Caroline, payat siya at nanghihina. Siya ang nagpaliwanag sa akin ng tungkol sa AQW3 at sa eksperimentasyon ni Selena... Ang AQW3 ay eksperimento ni Selena, kapag naturukan ka noon ay makakalimutan mo lahat, maging ang sariling mong pangalan.""Para saan ang eksperimentasyon na iyon?"Nagkibit-balikat ako. "Ang sabi sa akin ni Dr.

    Last Updated : 2025-03-29
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 144

    Dasha's Point Of View."W-Wala naman akong planong umalis, pwera na lang kung paalis mo ulit ako," sambit ko."No... Fvck no.. I won't push you again," mabilis niyang bulong sa akin, mahigpit pa rin ang kapit. "Baka... baka kapag ginawa ko iyon, mapahawak ka na naman katulad ng nangyari noong nagdivorce tayo.""Edi nangangako akong hindi na ako aalis sa buhay mo," sabi ko at napangiti."That's right... Dahil plano kong magpakasal ulit tayo."Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Kasal?""Yeah...""P-Papakasalan mo ako?""Ikaw lang naman ang nakikita kong magiging asawa ko, Dasha. Kung hindi lang din naman ikaw, mas pipiliin ko pang mapag-isa na lang habang buhay," malambing niyang saad na mas lalong nagpangiti sa akin. "I love you so much, Dasha. Ikaw ang buhay ko."Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso sa huli niyang sinabi, napakasarap sa taingang marinig ang mga salitang iyon. "M-Mahal din kita, Elias."Naramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng aking ulo. "Pinangaku

    Last Updated : 2025-03-29
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 145

    Dasha's Point Of View.Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa excitement na makikita ko na sina Mama, mukhang parehas kami ni Dawn ng nararamdaman ngayon dahil maaga rin siyang nagising, mabuti na lang dahil hindi siya umiiyak."Dawn... Dadating na si Mama mamaya, excited ka na bang makilala ang Lola mo?" nakangiting sabi ko sa kaniya habang buhat-buhat siya, napansin ko naman ang maliit niyang ngiti kaya napangiti rin ako.Nakarinig ako ng katok sa pintuan kaya mabilis akong lumapit doon at binuksan, bumungad sa akin ang bagong gising na si Elias. Dito niya napagpasyahang matulog, gusto niya rin daw kasing hintayin ang pagdating nina Papa. Pati sina Jazz at Celaida ay sa guest room din ng mansyon natulog."Good morning," pagbati niya sa akin at tumingin kay Dawn. "Good morning, Dawn..""P-Papa..!!"Napangiti naman ako sa sinabi ng anak namin. "Good morning, Elias. Pasok ka."Tumayo siya at tuluyang pumasok sa loob ng kwarto. "Ang aga mo yatang nagising?" tanong ko sa kaniya at umu

    Last Updated : 2025-03-29
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 146

    Dasha's Point Of View.Parang isang panaginip pa rin ang lahat. Hindi ako makapaniwalang muli kong mayayakap si Mama, noon... Palagi ko lang itong panalangin, pinagdadasal ko na muli ko siyang mahagkan kahit na alam ko namang impossible... Pero possible pala iyon? Dahil buhay pa pala siya!"M-Mama..." Malakas na hagulgol kong saad habang nasa bisig niya. Sobrang tagal kong pinangarap 'to, ilang taon ko ring gustong maramdaman muli ang pagmamahal ng isang anak. "H-Huwag mo na akong iwan ulit... M-Mama... Hindi ko kaya. Hindi ko na kayang mag-isa, Mama. Hindi ko kayang wala ka. Huwag ka na ng umalis."Naramdaman ko ang mahigpit niyang pagyakap sa akin. "Hindi ka na iiwan ni Mama, Dasha... Nandito na ako, hindi kita iiwan."Napuno ng iyakan ang umagang iyon, ni-hindi na namin magawa pang kumain ng almusal dahil mas gusto naming alamin kung ano bang nangyari."Ano bang nangyari sa inyo, Diane?" tanong ni Lola, nakaupo na kami sa mahabang sofa, katabi ko sina Mama at Papa. Sa harapang sof

    Last Updated : 2025-03-30
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 147

    Dasha's Point Of View."I-Ikaw... I-Ikaw siya? Ang kakambal ni Elias?" halos pabulong na saad ni Tita Elysa, mabigat ang bawat paghinga niya.Nakita ko ang pamumula ng mga mata ni Jazz habang dahan-dahan siyang tumatango. Sunod kong nakita ang pagtulo ng luha sa mga mata ni Tita Elysa."Buhay ka...? Buhay ang anak ko!" saad ng ginang."Mom, may kakambal ako?" hindi makapaniwalang tanong ni Elias. "Ang akala ko ay only child lang ako?"Umilang si Tita Elysa. "Mayroong kang kakambal... Pero namatay siya pagkapanganak ko pa lang, pero kung buhay nga ang kakambal mo, Elias. Sinong sanggol ang nilibing namin noon?""Bakit hindi mo sinabi sa aking may kakambal ako, Mom?" tanong ni Elias."Pasensya na... Ngayon ko lang nasabi dahil ayoko kasing napag-uusapan ang tungkol sa bagay na iyon.""Sino naman pong may dahilan kung bakit nawala ako?" tanong ni Jazz. "May nag-alaga po sa akin, dinala po ako sa New York. Pero isang beses ay narinig kong may kausap siya, nabanggit niya pong hinding-hindi

    Last Updated : 2025-03-30
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 148

    Dasha's Point Of View.Napakunot ang noo ko sa narinig, ilang segundo kong tinignan si Elias habang iniisip nang mabuti ang sinabi niya. Teka... Nabanggit niya sa akin noon ang pangalan ni—"Mama!"Sabay-sabay kaming napalingon kay Celaida ng bigla siyang napasigaw, nakita kong nakatayo na siya sa kaniyang upuan at nakatingin sa entrance ng dining hall. Lumingon ako roon at ganoon na lang ang panlalaki ng aking mga mata sa gulat ng makita si Tita Cyla."Tita Cyla?" hindi makapaniwalang saad ko."Cyla? Ikaw ba 'yan, Cy?" Nakita ko ang pagtayo ni Mama, maging siya ay nakaawang ang labi habang gulat na nakatingin sa bagong pumasok ng dining hall.Tumayo si Elias mula sa aking tabi at nagsalita. "Tita Cyla, have a seat," aniya at tinuro ang bakanteng upuan, tumango naman kaagad ang ginang at naupo. "Alam ko pong nagtataka kayo kung bakit nandito siya, pero ipapaliwanag ko naman."Bumalik sa pagkakaupo si Elias, ganoon din sina Mama at Celaida na ngayon ay halatang-halata na gustong mala

    Last Updated : 2025-04-01
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 149

    Dasha's Point Of View.Parang sinagot kaagad ng Panginoon ang kahilingan kong iyon dahil sa mga araw na nagdaan, naging abala kaming lahat sa hearin, lalong-lalo na si Elias... Kitang-kita ko ang pagod sa mga mata niya, sa mga gabing nagpupuyat siya dahil katulad ng palagi niyang sinasabi, kahit na malakas ang defense namin, dapat pa rin niyang pag-aralang mabuti ang kaso.Kaya sa huling araw ng hearing... Noong mapatunayang guilty silang dalawa ni Bianca, maging si Reyes... Napasigaw kaming lahat sa saya.Niyakap ko si Celaida na ngayon ay nakangiti ngunit sunod-sunod ang luhang lumalabas sa kaniyang mga mata. "S-Sa wakas... Nakakulong na rin sila," umiiyak niyang ani sa akin.Ngumiti ako at bumitaw sa pagkakayakap. Magsasalita pa sana ako ng lumapit sa amin sina Jazz at Tita Cyla, bakas sa kanilang mukha ang saya. Hinayaan ko muna silang magsaya at dumiretso ako kila Mama.Ngumiti siya sa akin at ganoon din ako. "Nakakulong na ang mag-ninang," pagbibiro ko at nakita ko naman ang mah

    Last Updated : 2025-04-01
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 150

    Dasha's Point Of View.Lumabas ako ng visitation room ng mabigat ang dibdib, mukhang wala nga talagang pinagsisihan si Selena sa mga ginawa niya... pero ang maganda ay mukhang handa naman siyang pagbayaran ang mga ito. Saktong paglabas ko ng kwartong iyon ay nakarinig ako ng pamilyar na sigaw ng isang babae."Can you please stop holding me?! Hindi ako baldado! Bitawan mo ako, fvck you! Kaya kong maglakad!"Sunod kong nakita si Bianca na hawak-hawak ng dalawang pulis, mukhang hindi niya ako napansin dahil abala siya sa pagpupumiglas sa mga pulis na nakahawak sa kaniya. Dinala siya sa katabing visiting room na pinasukan ko, sandali akong sumilip sa loob at nakita kong nandoon si Jazz.Sumunod akong pumasok nang matapos siyang mailagay ng mga pulis sa loob, nasa upuan lang siya at nakaposas ang mga kamay niya sa likod ng inuupuan niya."Masyadong agresibo, Ma'am. Kailangan pang iganyan," sabi sa akin ng isang pulis ng makita ako. Napailang din ang kasama niya."Dagdag sakit sa ulo na nam

    Last Updated : 2025-04-01

Latest chapter

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 155

    Dasha's Point Of View.Sa San Diego Hospital ang sinabing location ni Dr. Naomi, mabuti na lang dahil hindi iyon kalayuan sa shop kaya naman nakarating kaagad ako. Kaagad ko namang hinanap ang private room ni Caroline kung saan siya nakaconfine, hindi ako nahirapang mahanap iyon.Isang beses akong kumatok at si Dr. Naomi ang nagbukas ng pinto."Dasha, pasok ka," aniya at kaagad ko namang sinunod iyon, mabilis na bumungad sa akin ang nakaratay sa kamang si Caroline. Kahit bakas ang panghihina sa katawan niya ay kaagad siyang ngumiti ng makita ako, ngumiti ako pabalik at lumapit sa kaniya."Kamusta ka na?" tanong ko.Ang alam ko ay lahat ng mga taong naturukan ng AQW3 ay dinala sa private hospitals para mabantayan, dahil iba-iba pa ang epekto nito sa mga tao. Si Dr. Naomi ang sumagot. "Mas mabuti na ang kalagayaan niya ngayon, ang sabi nga ng mga Doctor na tumingin sa kaniya ay mabuti na lang dahil hindi ko hinahayaan na maturukan pa siya ng AQW3 dahil sobra-sobra na ang ginagawa sa ka

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 154

    Dasha's Point Of View.Pagkasabi ni Jamela no'n ay narinig ko ang pagtakbo ng mga tao galing sa loob ng kusina, sunod kong nakita sina Marilyn, Teresa at Angela."Ma'amDasha?!" sigaw ni Marilyn habang nagmamadaling lumapit sa akin."Bumalik na si Ma'am Dasha!" tuwang-tuwa ani ni Teresa habang si Angela ay nakangiti lamang na nakatingin sa akin."Namiss ko kayo... At saka, Dasha lang kasi. Napag-usapan na natin 'yan, hindi ba?" saad ko habang nakangiti, isa-isa ko silang niyakap at mahigpit na yakap din ang natanggap ko sa kanila pabalik."Salamat naman sa Diyos at ligtas ka, Dasha," si Jamela, alam kong alam na nila ang nangyari."Grabe, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa'yo," wika ni Teresa sa aking tabi. "Kasi possible pala iyong makalimot ka ng mga bagay-bagay? Akala ko sa mga palabas lang iyon nangyayari."Natawa naman ako sa sinabi niya. "Pero sa totoo lang, kahit ako ay hindi rin ako makapaniwala na possible pa lang mangyari ang ganoong bagay. Pero g

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 153

    Dasha's Point Of View.Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Elias habang nakatingin sa akin, alam kong gusto niyang magtanong kung sinong tumawag ngunit nanatili siyang tahimik at nakatingin sa akin."T-Tito Simon," saad ko at tumikhim, napansin ko ang pagtataka sa mukha ni Elias. "Bakit po kayo napatawag?"Noong hearing ni Selena, hindi ko siya nakita, tanging ang mga anak niya lang ang nakita ko. Hindi na rin nakakapagtaka iyon dahil isa siyang Mayor, at paniguradong madadamay ang posisyon niyang iyon dahil sa nangyari sa asawa niya."Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, gusto kong pag-usapan ang nangyari kay Selena."Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga, sandaling kumunot ang noo ko."A-Ano po bang pag-uusapan sa kaniya?" tanong ko, hindi ko masabi kung anong nararamdaman niya ngayon."I... I was actually okay with what happened."Mas lalong kumunot ang noo ko, si Elias naman ay nakatingin lang sa akin at hindi na ginagalaw ang laptop niya."Ano pong ibig mong sabihin?" na

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 152

    Dasha's Point Of View."Me too... Parang ilang araw din pala tayong hindi nagkaroon nang maayos na pag-uusap," narinig kong sabi niya. "Noong natapos ang hearing, saglit mo lang akong kinausap.""Busy ka, diba?""But I still want you to talk to me... Para ganahan naman akong magtrabaho."Mahina akong natawa dahil sa tono ng boses niya. "Hindi kita kinakausap dahil siyempre, ang sabi mo sa akin ay pag-aaralan mong mabuti ang kaso, hindi ba? Alam ko kasi kung gaano ka ka-hands on sa trabaho mo," paliwanag ko at pinagmasdan ang kamay kong pinaglalaruan niya."Pero hindi mo man lang ako tinawagan kahit na tapos na ang kaso nila," nakita ko ang pagnguso niya kaya mas lalo akong natawa."Siyempre... Alam kong ilang taon kayong hindi nagkasama ni Tita Elysa, gusto kong magkaroon kayo ng oras bilang isang pamilya, lalo na ngayong nandiyan na si Jazz," sabi ko. "Kaya sorry na, nagegets mo naman ako, hindi ba?"Lumingon ako sa kaniya at nakita siyang nakatingin sa akin. "No need to say sorry, j

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 151

    Dasha's Point Of View.Pagdating namin ni Jazz sa loob ng kaniyang sasakyan, bumalik siya sa pagiging siya. Iyong makulit at palabiro."Takot na takot ako talaga ako noong pormal akong pinakilala ni Celaida kay Tita Cyla," pagkuwento niya, kahit sa pagkuwento niya ay hindi ko maiwasang matawa dahil bakas pa rin sa boses ang kaba."Bakit ka naman kinakabahan? Mabait naman si Tita ah?" tanong ko sa kaniya."Mabait naman siya... Pero alam mo, normal lang sa aming mga lalaki na kabahan kapag pinapakilala kami sa magulang ng taong mahal namin," aniya, nakangiti na ngayon kaya kahit papaano ay nabawasan na ang pag-aalala ko sa kaniya. "Malay mo hindi niya pala ako gusto para kay Celaida? Tapos hindi niya na ako hayaang magkita pa kaming dalawa? Paano na si Ethan? Paano na ang anak namin?"Napalakas ang pagtawa ko dahil sa mga sinasabi niya. "Bakit ka naman hindi magugustuhan ni Tita para kay Celaida? Mabuti ka namang tao kahit papaano kaya sigurado akong tanggap ka naman ni Tita kahit na ma

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 150

    Dasha's Point Of View.Lumabas ako ng visitation room ng mabigat ang dibdib, mukhang wala nga talagang pinagsisihan si Selena sa mga ginawa niya... pero ang maganda ay mukhang handa naman siyang pagbayaran ang mga ito. Saktong paglabas ko ng kwartong iyon ay nakarinig ako ng pamilyar na sigaw ng isang babae."Can you please stop holding me?! Hindi ako baldado! Bitawan mo ako, fvck you! Kaya kong maglakad!"Sunod kong nakita si Bianca na hawak-hawak ng dalawang pulis, mukhang hindi niya ako napansin dahil abala siya sa pagpupumiglas sa mga pulis na nakahawak sa kaniya. Dinala siya sa katabing visiting room na pinasukan ko, sandali akong sumilip sa loob at nakita kong nandoon si Jazz.Sumunod akong pumasok nang matapos siyang mailagay ng mga pulis sa loob, nasa upuan lang siya at nakaposas ang mga kamay niya sa likod ng inuupuan niya."Masyadong agresibo, Ma'am. Kailangan pang iganyan," sabi sa akin ng isang pulis ng makita ako. Napailang din ang kasama niya."Dagdag sakit sa ulo na nam

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 149

    Dasha's Point Of View.Parang sinagot kaagad ng Panginoon ang kahilingan kong iyon dahil sa mga araw na nagdaan, naging abala kaming lahat sa hearin, lalong-lalo na si Elias... Kitang-kita ko ang pagod sa mga mata niya, sa mga gabing nagpupuyat siya dahil katulad ng palagi niyang sinasabi, kahit na malakas ang defense namin, dapat pa rin niyang pag-aralang mabuti ang kaso.Kaya sa huling araw ng hearing... Noong mapatunayang guilty silang dalawa ni Bianca, maging si Reyes... Napasigaw kaming lahat sa saya.Niyakap ko si Celaida na ngayon ay nakangiti ngunit sunod-sunod ang luhang lumalabas sa kaniyang mga mata. "S-Sa wakas... Nakakulong na rin sila," umiiyak niyang ani sa akin.Ngumiti ako at bumitaw sa pagkakayakap. Magsasalita pa sana ako ng lumapit sa amin sina Jazz at Tita Cyla, bakas sa kanilang mukha ang saya. Hinayaan ko muna silang magsaya at dumiretso ako kila Mama.Ngumiti siya sa akin at ganoon din ako. "Nakakulong na ang mag-ninang," pagbibiro ko at nakita ko naman ang mah

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 148

    Dasha's Point Of View.Napakunot ang noo ko sa narinig, ilang segundo kong tinignan si Elias habang iniisip nang mabuti ang sinabi niya. Teka... Nabanggit niya sa akin noon ang pangalan ni—"Mama!"Sabay-sabay kaming napalingon kay Celaida ng bigla siyang napasigaw, nakita kong nakatayo na siya sa kaniyang upuan at nakatingin sa entrance ng dining hall. Lumingon ako roon at ganoon na lang ang panlalaki ng aking mga mata sa gulat ng makita si Tita Cyla."Tita Cyla?" hindi makapaniwalang saad ko."Cyla? Ikaw ba 'yan, Cy?" Nakita ko ang pagtayo ni Mama, maging siya ay nakaawang ang labi habang gulat na nakatingin sa bagong pumasok ng dining hall.Tumayo si Elias mula sa aking tabi at nagsalita. "Tita Cyla, have a seat," aniya at tinuro ang bakanteng upuan, tumango naman kaagad ang ginang at naupo. "Alam ko pong nagtataka kayo kung bakit nandito siya, pero ipapaliwanag ko naman."Bumalik sa pagkakaupo si Elias, ganoon din sina Mama at Celaida na ngayon ay halatang-halata na gustong mala

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 147

    Dasha's Point Of View."I-Ikaw... I-Ikaw siya? Ang kakambal ni Elias?" halos pabulong na saad ni Tita Elysa, mabigat ang bawat paghinga niya.Nakita ko ang pamumula ng mga mata ni Jazz habang dahan-dahan siyang tumatango. Sunod kong nakita ang pagtulo ng luha sa mga mata ni Tita Elysa."Buhay ka...? Buhay ang anak ko!" saad ng ginang."Mom, may kakambal ako?" hindi makapaniwalang tanong ni Elias. "Ang akala ko ay only child lang ako?"Umilang si Tita Elysa. "Mayroong kang kakambal... Pero namatay siya pagkapanganak ko pa lang, pero kung buhay nga ang kakambal mo, Elias. Sinong sanggol ang nilibing namin noon?""Bakit hindi mo sinabi sa aking may kakambal ako, Mom?" tanong ni Elias."Pasensya na... Ngayon ko lang nasabi dahil ayoko kasing napag-uusapan ang tungkol sa bagay na iyon.""Sino naman pong may dahilan kung bakit nawala ako?" tanong ni Jazz. "May nag-alaga po sa akin, dinala po ako sa New York. Pero isang beses ay narinig kong may kausap siya, nabanggit niya pong hinding-hindi

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status