"Vincent..." bulong ko sa sarili.Halos hindi ko mapigilan ang pakiramdam na parang may kung anong bagay na humaharang sa aking lalamunan, nanginginig ang aking mga kamay, at ang tanging nararamdaman ko lang ay ang aking puso na nadudurog.Hawak ko ngayon ang resulta ng pregnancy test na isinagawa sa akin kanina ng doktor. Walang mapagsidlan ang saya ko nang malaman ko na buntis ako. Ang buong akala ko ay ito na ang magiging susi para mahalin din ako pabalik ni Vincent, pero bakit ganito?Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Nahihirapan ako huminga.Bahagyang nakabukas ang pintuan ng kwarto naming mag-asawa, sapat iyon para makita ko kung ano ang ginagawa sa loob ng asawa ko at ng babaeng hindi ko kilala. Mas lalo lamang nanikip ang dibdib ko.Sa kwarto pa talaga naming mag-asawa ginagawa ang kawalanghiyaan na ito. At ang masakit pa rito, mukhang alam ng mga kasambahay namin ang mga nangyayari, pero ni isa sa kanila ay wala man lang nagsabi sa akin. Tiyak ako na hindi ito ang unang
Last Updated : 2024-08-25 Read more