Lahat ng Kabanata ng THE MISTREATED WIFE: MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIA: Kabanata 131 - Kabanata 140

152 Kabanata

Chapter 69: P.1

Ang pagtatanong sa kawalan ng tiwala sa mga ata ni Thessa ay bahagyang nagdulot ng pagkasiklab ng galit kay Carlo. Pero hindi siya isang padalus-dalos na hangal. Ang kanyang boses ay parang nababad sa tubig, nababalot ng sobrang lamig, "May problema ba sa ulat?" kalmadong tanong ni Carlo.Si Thessa ay nanatili lang tahimik, lumapit siya sa lalaki at dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay nito. Ang mga puting daliri ng lalaki na tila yare sa jade, ay tila may kakaibang lamig na dumadampi sa pulso ni Thessa, ni hindi niya mawari kung ano ang tunay na nararamdaman ng lalaki.Kanina pa napapansin ni Thessa ang tila kakaibang pagtibok sa puso ng lalaki. Ngunit dahil nasasangkot dito ang pag-aaruga niya sa dalawang bata, kaya't pinili ni Thessa na huwag magpa-abala sa bagay na iyon.May pribadong hospital naman ang kompanya ng Davilla's Group, at mayroon ding personal na doktor ang pamilyang Davilla, kaya hindi gaanong nag-aalala si Thessa. Subalit hindi niya inaasahan ang mangyayari...
last updateHuling Na-update : 2025-03-17
Magbasa pa

Chapter 69: P.2

Pumasok si Carlo sa esklusibong ward ng laboratoryo, na personal na inangkin ni Thessa. Nang dumating siya, ang lalaki ay abala parin sa isang pagpupulong habang nakasuot ng headphones."Boss Carlo, paulit-ulit ng nagtatanong si Ms.Trixie kung kailan ka pupunta para makita siya." tanong ng nasa kabilang linya."Sabihin mo sa kanya tapos na ang usapan, ito na ang huling tulong na ibibigay ko sa kanya." malamig na sagot ni Carlo, halata pa ang pagod sa mga boses niya.Nasaksak si Trixie sa tiyan dahil sa pagligtas niya sa batang si Kenzo noon, at ang kanyang matris na nataamaan ay dumanas ng di-maibabalik na pinsala.Natatakot siyang hindi na siya makakapag-buntis at magkaroon ng isang anak sa buong buhay niya. Dahil dito, pinangakoan siya ni Carlo ng tatlong kondisyon.Dahil sa delikado ang kalagayan ni Thessa nang mga oras na iyon, hindi sinabi ni Carlo sa kanya ang tungkol sa pag-atake ng dalawang bata para hindi ito mag-alala at hindi maapektuhan ang kalagayan niya.Noong gabing iy
last updateHuling Na-update : 2025-03-18
Magbasa pa

Chapter 70: P.1

Kinaumagahan, maagang nagtungo si Kerby kasama ang dalawa niyang kapatid sa silid ng ward ng kanilang ama. Napako ang mga mata ni Carlo sa pintuan, at kunwari'y walang pakialam na nagtanong, "Nasaan ang inyong ina?" anito sa mga bata.Tumingala si Kerby at mahinahon niyang tugon, "Si nanay po ay nasa paliparan, may susunduin daw po." Sa gilid naman, masiglang ibinalita ni Kenzo, "Tay, ipapakilala daw sa amin ni Nanay mamaya ang isang napakahalagang tao!" anito sa kanyang ama.Isang hindi maipaliwanag na kaba ang bumalot kay Carlo; naalala niya ang tawag na natanggap ni Thessa kahapon, ang saya at kilig na narinig niya mula sa tinig nito.Narinig ng munting si Bella ang sinasabi ng dalawang kuya niya, kaya inihilig niya ang ulo at dagdag pa, "Si Julia..." Pagkarinig noon, bahagyang naningkit ang mga mata ni Carlo, nanigas ang kanyang mga kalamnan, at isa pang katanungan ang biglang sumulpot sa kanyang isipan. Paano kung hindi pala nakuha ni Thessa ang marriage certificate, at basta
last updateHuling Na-update : 2025-03-18
Magbasa pa

Chapter 70: P.2

Napatingin si Carlo sa isang matangkad na bulto na mabilis na dumaan sa silid ng bisita. Mahigpit na nagdikit ang manipis niyang mga labi, at tila bumigat ng bumigat ang atmospera sa kanyang paligid.Ang silid ng bisita ang tinutulugan ni Thessa kapag minsan ay gabi na siyang umuuwi mula sa pag-eeksperimento, para hindi niya magising ang mga bata.Ni minsan ay hindi pa nakapasok si Carlo doon, ngunit ngayon biglang may lalaki nalang ang titira."Carlo, bitiwan mo na." matigas na tono ng boses ni Thessa."Tito?" sumulpot naman ang maliit na boses ni Bella.Sa puntong iyon, biglang nagising si Carlo at nakakita ng dalawang magkahawig na mukha, isa't malaki, at isa't maliit, habang puno ng pagtataka.Nakayakap na ang batang babae sa leeg ni Thessa, ngunit hawak parin ng lalaki ang mga binti nito. Naguguluhang siyang tumingin sa lalaki.Mabilis na binitawan ni Carlo ang mga binti ng batang babae at humingi ng paumanhin, "Pasensya na, biglang may sumagi lang sa isip ko." malumanay nitong s
last updateHuling Na-update : 2025-03-18
Magbasa pa

Chapter 71: P.1

Agad na dinala si Carlo pabalik sa ward. Kahit walang malay, mahigpit pa rin ang kapit nito sa pulso ni Thessa dahilan ng hindi siya makawala.Dahil sa nangyari, napilitang mag padala ng mensahe si Thessa sa kaibigan niyang si Julia, para ipaliwanag ang sitwasyon. At ang kabilang linya ay masigla namang sumagot, "Ayos lang Thessa, naiintindihan ko." Dahil sa nararamdamang hiya, si Thessa ay hindi na nakapagsalita.Nang matapos niya ang ulat ng pagsusuri at ang huling buod ng kondisyon ng lalaki, nanatiling tulala si Thessa sa loob ng ilang sandali. Isang malalim na damdamin ang nag-uumpisa ng kumulo sa kanyang dibdib--galit ba? O marahil ay isang masalimuot na pagkalito.Sinimulan ni Thessa na alalahanin ang kanilang pag-uusap. Matapos ang mahabang pagmumuni-muni, hindi niya mahanap ang anumang mali sa mga sinabi at ginawa nila. Walang anumang bakas ng pagkukulang o pagtataksil.Muli niyang ibinaling ang tingin sa lalaking nakahiga sa kama, ang mga mata'y nakapikit. Isang mukha na
last updateHuling Na-update : 2025-03-19
Magbasa pa

Chapter 71: P.2

Sa gitna ng kalungkutan na sumasalamin sa mga mata ng kanyang kaibigan, isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. "Nakalipas na 'yon, maayus na ang buhay ko ngayon." ang sabi ni Thessa.Pinili ni Julia na wag nang balikan pa ang mga nakaraang bagay na dapat sana'y malaman. Sa halip, ibinahagi niya kay Thessa ang kanyang mga karanasan sa ibat-ibang bansa."Naku, nakakuha ako ng litrato ng pinakagwapong lalaki sa buong mundo ngayon! " panimula pa nito."Kasing gwapo ng iyong asawa, ay dating asawa pala. Unang beses ko pa lang 'to kumuha ng retrato." sumunod niyang wika."Pinaplano ko nga palang ilagay ito sa susunod kong eksibisyon ng mga litrato. Halika sa kwarto ko at tulungan mo akong pumili ng mga gagamitin." dagdag pa niyang usal.Masayang tinanggap naman ni Thessa ang inaalok nito. Nang tumayo siya, hindi sinasadyang nasiko niya ang kanyang binti, at napaigik siya sa sakit.Agad na inalalayan ni Julia si Thessa, "Ayos ka lang ba?" pag-aalalang tanong niya.Umiling si Thessa at
last updateHuling Na-update : 2025-03-20
Magbasa pa

Chapter 72: P.1

Nang marinig ni Thessa ang sinabi ni Dylan, binawi niya ang kamay niyang akmang bubuksan ang pinto.Pilit niyang pinigilan ang mapait na ngiti sa labi, mabilis na tumalikod, at nagmamadaling umalis. Hindi na niya narinig pa ang malamig na mga salitang sumusunod sa kanya."Huwag mo nang sagutin ang mga tawag ni Trixie sa susunod." mariin na sinabi ni Carlo.Ibinaba ni Carlo ang huling dokumento na hawak sa kanyang kamay, at bahagyang napahawak sa kanyang noo. Muli na namang nagbalik ang mga alaala tungkol kay Thessa sa kanyang isipan.Sa mga sumunod na araw, nagtuon siya ng pansin sa pagpapagaling sa loob ng ward. Tuwing umaga, dadalawin siya ng tatlong bata, habang magkakapit-kamay. Sa hapon naman, susunduin sila ng mga taong inatas ni Thessa.Sa tuwing dumadalaw ang mga bata, madalas naririnig ni Carlo sa mga bata ang tungkol sa "asawa" ng kanilang ina.Napakabait daw nito sa tatlong bata, hindi lamang kasama sa pagkain, pag-inom, at paglaro araw-araw, binibilhan din niya ang mga ito
last updateHuling Na-update : 2025-03-20
Magbasa pa

Chapter 72: P.2

Mabilis na umikot si William at maayos na naiwasan ang mga sasakyan nakaharang sa kanilang dadaanan."Madam, darating na ang mga tauhan natin sa loob ng sampung minuto. Ingatan mo ang mga bata at ang iyong sarili , ako na ang bahala sa iba." kalmadong tugon ng lalaki."Sige, mag-ingat ka" ani Thessa. Ang mga itim na sasakyan na humahabol sa likuran nila ay napahinto at naharangan na rin ng mga bodyguards ni Thessa.Nang sa wakas ay makahinga na sana ng maluwag si Thessa, napatigil siya ng makita ang dose-dosenang itim na mga sasakyang nakaparada sa kanto sa unahan!Halatang determinado ang mga kalaban na patayin sila. Pagkakita pa lang sa kanila ay binilisan na nila ang takbo ng sasakyan at dali-daling sumugod, para bang wala silang balak na bigyan pa sila ng kahit anong pag-asa na mabuhay."William, mag-ingat ka!" sigaw ni Thessa.Mabilis na inikot ni William ang sasakyan para maiwasan ang pagbangga, pagkatapos ay pinadyak niya ang may gasolina at nagmaneho patungo sa isang ligtas n
last updateHuling Na-update : 2025-03-20
Magbasa pa

Chapter 73: P.1

Sa loob ng isang pribadong eroplano pabalik ng central. Pikit mata si Carlo, nagpapahinga, subalit ang kanyang puso ay tila walang katahimikan sa paulit-ulit na pagtunog nito, naalala niya ang mga huling salita ni Thessa, ang lalaking may peklat sa mukha ay sinasabi niyang nakita na niya ito noon katabi ni Trixie.Kahit ligtas na si Thessa at nang tatlong bata, ang nag-aalab na dugo ay nag-uudyok sa lahat ng karahasan sa puso ni Carlo. Sa tuwing iniisip niyang halos mamatay ang mag-ina niya kanina, gustong-gusto niyang putulin ang mga ugat at buto ng mga taong iyon!Nang gabing iyon, nagpakita si Carlo sa bahay ng mga Santiago. Inaasahan na rin ni Thessa ang pagdating ng lalaki. Pagkapasok nito, itinuro niya ang kwarto sa taas, "Kakaligo lang ng mga bata, at nagpapahinga na sila sa kwarto." Kalmadong tugon ni Thessa.Bago paman niya matapos ang sasabihin, mahigpit siyang niyakap ng lalaki. Wala siyang nagawa kundi hayaan ito, pagkatapos ay magalang siyang binitawan nito nang may pag
last updateHuling Na-update : 2025-03-21
Magbasa pa

Chapter 73: P.2

Sa tabi niya, ay mahimbing na ring nakatulog sina Kenzo at Kerby.Maingat ni binuhat ni Carlo ang tatlong bata mula sa silid ng mga laruan patungo sa silid ng kanilang tulugan. Maayos niyang kinumutan ang mga ito, sinisiguro ang kanilang ginhawa upang hindi magising sa kalagitnaan ng gabi, bago tahimik na isinara ang pinto at dahan-dahang umalis.Napansin ni Thessa ang matinding pagod sa mga mata ng lalaki, "Dahil nandito ka na, magpahinga ka na sa silid ng bisita. Baka magising pa ang mga bata mamaya." ang malumanay na sabi ni Thessa.Maayos namang tumango si Carlo, at sinabi, "Salamat sa iyong abala." Hindi na nga iyon ang unang beses na tumuloy ang lalaki sa silid ng bisita sa bahay ng mga Santiago. Kaya't ang kanyang mga damit na naiwan ay nalabahan, na plantsa, at maayos na nakalagay sa aparador.Gayunpaman, nang makapasok na si Carlo sa silid, hindi niya isinara ang pinto, dahil sa takot na hindi niya marinig ang anumang ingay mula sa silid-tulugan ng mga bata.Hanngang sa kala
last updateHuling Na-update : 2025-03-22
Magbasa pa
PREV
1
...
111213141516
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status