Sa gitna ng kalungkutan na sumasalamin sa mga mata ng kanyang kaibigan, isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. "Nakalipas na 'yon, maayus na ang buhay ko ngayon." ang sabi ni Thessa.Pinili ni Julia na wag nang balikan pa ang mga nakaraang bagay na dapat sana'y malaman. Sa halip, ibinahagi niya kay Thessa ang kanyang mga karanasan sa ibat-ibang bansa."Naku, nakakuha ako ng litrato ng pinakagwapong lalaki sa buong mundo ngayon! " panimula pa nito."Kasing gwapo ng iyong asawa, ay dating asawa pala. Unang beses ko pa lang 'to kumuha ng retrato." sumunod niyang wika."Pinaplano ko nga palang ilagay ito sa susunod kong eksibisyon ng mga litrato. Halika sa kwarto ko at tulungan mo akong pumili ng mga gagamitin." dagdag pa niyang usal.Masayang tinanggap naman ni Thessa ang inaalok nito. Nang tumayo siya, hindi sinasadyang nasiko niya ang kanyang binti, at napaigik siya sa sakit.Agad na inalalayan ni Julia si Thessa, "Ayos ka lang ba?" pag-aalalang tanong niya.Umiling si Thessa at
Nang marinig ni Thessa ang sinabi ni Dylan, binawi niya ang kamay niyang akmang bubuksan ang pinto.Pilit niyang pinigilan ang mapait na ngiti sa labi, mabilis na tumalikod, at nagmamadaling umalis. Hindi na niya narinig pa ang malamig na mga salitang sumusunod sa kanya."Huwag mo nang sagutin ang mga tawag ni Trixie sa susunod." mariin na sinabi ni Carlo.Ibinaba ni Carlo ang huling dokumento na hawak sa kanyang kamay, at bahagyang napahawak sa kanyang noo. Muli na namang nagbalik ang mga alaala tungkol kay Thessa sa kanyang isipan.Sa mga sumunod na araw, nagtuon siya ng pansin sa pagpapagaling sa loob ng ward. Tuwing umaga, dadalawin siya ng tatlong bata, habang magkakapit-kamay. Sa hapon naman, susunduin sila ng mga taong inatas ni Thessa.Sa tuwing dumadalaw ang mga bata, madalas naririnig ni Carlo sa mga bata ang tungkol sa "asawa" ng kanilang ina.Napakabait daw nito sa tatlong bata, hindi lamang kasama sa pagkain, pag-inom, at paglaro araw-araw, binibilhan din niya ang mga ito
Mabilis na umikot si William at maayos na naiwasan ang mga sasakyan nakaharang sa kanilang dadaanan."Madam, darating na ang mga tauhan natin sa loob ng sampung minuto. Ingatan mo ang mga bata at ang iyong sarili , ako na ang bahala sa iba." kalmadong tugon ng lalaki."Sige, mag-ingat ka" ani Thessa. Ang mga itim na sasakyan na humahabol sa likuran nila ay napahinto at naharangan na rin ng mga bodyguards ni Thessa.Nang sa wakas ay makahinga na sana ng maluwag si Thessa, napatigil siya ng makita ang dose-dosenang itim na mga sasakyang nakaparada sa kanto sa unahan!Halatang determinado ang mga kalaban na patayin sila. Pagkakita pa lang sa kanila ay binilisan na nila ang takbo ng sasakyan at dali-daling sumugod, para bang wala silang balak na bigyan pa sila ng kahit anong pag-asa na mabuhay."William, mag-ingat ka!" sigaw ni Thessa.Mabilis na inikot ni William ang sasakyan para maiwasan ang pagbangga, pagkatapos ay pinadyak niya ang may gasolina at nagmaneho patungo sa isang ligtas n
Sa loob ng isang pribadong eroplano pabalik ng central. Pikit mata si Carlo, nagpapahinga, subalit ang kanyang puso ay tila walang katahimikan sa paulit-ulit na pagtunog nito, naalala niya ang mga huling salita ni Thessa, ang lalaking may peklat sa mukha ay sinasabi niyang nakita na niya ito noon katabi ni Trixie.Kahit ligtas na si Thessa at nang tatlong bata, ang nag-aalab na dugo ay nag-uudyok sa lahat ng karahasan sa puso ni Carlo. Sa tuwing iniisip niyang halos mamatay ang mag-ina niya kanina, gustong-gusto niyang putulin ang mga ugat at buto ng mga taong iyon!Nang gabing iyon, nagpakita si Carlo sa bahay ng mga Santiago. Inaasahan na rin ni Thessa ang pagdating ng lalaki. Pagkapasok nito, itinuro niya ang kwarto sa taas, "Kakaligo lang ng mga bata, at nagpapahinga na sila sa kwarto." Kalmadong tugon ni Thessa.Bago paman niya matapos ang sasabihin, mahigpit siyang niyakap ng lalaki. Wala siyang nagawa kundi hayaan ito, pagkatapos ay magalang siyang binitawan nito nang may pag
Sa tabi niya, ay mahimbing na ring nakatulog sina Kenzo at Kerby.Maingat ni binuhat ni Carlo ang tatlong bata mula sa silid ng mga laruan patungo sa silid ng kanilang tulugan. Maayos niyang kinumutan ang mga ito, sinisiguro ang kanilang ginhawa upang hindi magising sa kalagitnaan ng gabi, bago tahimik na isinara ang pinto at dahan-dahang umalis.Napansin ni Thessa ang matinding pagod sa mga mata ng lalaki, "Dahil nandito ka na, magpahinga ka na sa silid ng bisita. Baka magising pa ang mga bata mamaya." ang malumanay na sabi ni Thessa.Maayos namang tumango si Carlo, at sinabi, "Salamat sa iyong abala." Hindi na nga iyon ang unang beses na tumuloy ang lalaki sa silid ng bisita sa bahay ng mga Santiago. Kaya't ang kanyang mga damit na naiwan ay nalabahan, na plantsa, at maayos na nakalagay sa aparador.Gayunpaman, nang makapasok na si Carlo sa silid, hindi niya isinara ang pinto, dahil sa takot na hindi niya marinig ang anumang ingay mula sa silid-tulugan ng mga bata.Hanngang sa kala
Naalimpungatan si Thessa, at nagmulat ng kanyang mga mata na puno ng antok.Parang narinig niya ang boses ng kaibigan niya kanina lang, at tila may nakakagulat na nangyari base sa tono ng pananalita nito.Nang makita niya ang matangkad at tuwid na likod ng lalaki sa pintuan ng silid, at ang mga mata ni Julia na nanlalaki sa labas ng pintuan, bahagyang nanlamig ang utak ni Thessa nang mga sandaling iyon."Julia, pakinggan mo muna ang paliwanag ko!" mabilis na usal ni Thessa.Sabay-sabay na lumingon sina Carlo at Julia, ng marinig ang biglang sulpot na boses ni Thessa.Nagkislap ang maitim na mga mata ng una sa gulat at malalim na pag-iisip, habang ang huli ay binigyan siya ng tingin na parang sinasabi, "Hindi mo na kailangang magpaliwanag, naiintindihan ko naman." ang sabi pa ni Julia.Sampung minuto ang lumipas.Matapos mapakinggan ang paliwanag ni Thessa, napanatag si Julia na hindi nga sila nagkabalikan ng kanyang dating asawa.Lihim na sumulyap si Julia sa silid ng bisitang pinasuk
Nakita ng batang babae ang saglit na pagktahimik ni Carlo kaya hindi niya maiwasang mabahala."Tito, sabihin mo kay nanay." ang sabi niya."Sige." malumanay namang sumagot si Carlo habang hinahaplos ng kanyang malalaking palad ang magulong buhok ng munting bata.Matapos ihatid ni Thessa ang kaibigan niya sa itaas, pagbaba niya, napahinto siya ng makita ang lalaking nakaupo sa isang silya, may hawak itong suklay medyo torpe pa ang kanyang galawan pero maingat niyang sinusuklayan ang medyo magulo at mahabang buhok ng anak niyang babae. Sa mga bisig ng lalaki, si Bella ay payapang nakasiksik. Paulit-ulit na sinisikap ni Carlo na gawing magkapareho ang dalawang maliit na tirintas, pero sa bawat pagsubok, nabibigo siya, ang mga hibla ng buhok ay nagkakagulo.Nang maramdaman ang pag galaw mula sa pinto, inangat ni Carlo ang kanyang tingin at nakita si Thessa, at ang boses niya'y puno ng pag-aalinlangan, "Hindi ko pa nasubukan suklayin ang buhok ng babae." mahinang sabi niya.Nang makita si
Ang bintana ng silid ay hindi gaanong nakasara, kaya't isang sinag ng mainit na na hangin ng tag-araw ang sumisiksik papasok. Bihira lamang magtagal ang mga mata ni Thessa sa mukha ng lalaki. Sa taglay nitong kakaibang kagwapuhan at ang kayamanan, hindi nga kataka-taka kung bakit maraming babae ang naghahabol sa kanya.Matibay ang paniniwala ni Thessa na kahit umabot pa sa apatnapu' o limampung taon, hinding-hindi mauubusan ng mga naghahabol na dalaga ang lalaking nasa harapan niya.Isang pagkunot ng noo ang sumalubong sa mga salita ni Thessa, at isang matinding pananakit ng sentido ang kanyang nararamdaman. Handa na sanang ipaliwanag ni Carlo ang lahat tungkol sa pakikipag-ugnayan niya kay Trixie ay pawang pagbabayad lamang ng utang na loob, nang biglang tumunog ang kanyang cellphone, isang kagyat na tawag mula kay Dylan."Boss, boss, si Ms.Trixie... wala na" nauutal-utal pang wika ng sekretarya.Ang bigat ng naunang pag-uusap at ang sumunod na katahimikan ay nagpaparamdam ng kakaib
"Sige po Mr. Carlo!" masiglang boses ng tauhan.Para sa isang taong may mataas na posisyon katulad ni Carlo na kumikita ng bilyon-bilyon sa isang iglap, ang oras ay pera, pero handa siyang maglaan ng napakaraming oras kasama ang kanyang anak para pumili ng damit. Ang kanyang mga mata ay nakatuon, na para bang nag-aayos siya ng isang proyekto ng kooperasyon na nakakahalaga ng daan-daang milyong piso.Ang mga tauhan na nagbebenta ay nag bubulong-bulongan sa kanilang isipan; Sobrang saya ni Mr. Carlo magkaroon ng anak na babae! ani nila, ang saya'y tila ba isang lihim na kayamanan.Simula sa araw na ito, isang bagong kabanata ang nagbukas. Isang mahiwagang mensahe, isang bulong sa dilim, ang dumapo sa bawat taong bahagi sa kanilang mundo. Si Carlo ang Presidente ng Davilla's Group, ay may isang maliit na prinsesa matapos ang dalawang pinakamamahal na anak na lalaki. Isang karagdagan sa kanilang pamilya na nagdudulot ng matinding kagalakan, ngunit sa likod ng matamis na kagalakan, isang
"Ilipat niyo ang mga hilera roon," boses ng isang batang babae, ang boses ay may bahid ng awtoridad ngunit may pagpipigil din upang hindi masyadong mahigpit. Ang kanyang mga mata ay mapanuri, sinusuri ang bawat galaw ng mga taong nag-aayos ng mga mamahaling tela, "At ang mga hilera naman dito." aniya.Isang daing ang sumabog mula sa gitna ng mga nagtatrabaho. "Aray! Dahan-dahan lang! Mag-ingat kayo baka masabit ang mga diyamante sa mga palda!" matigas nitong sabi."Ayusin ninyo ang mga maliit na lobo ayon sa laki, saka ninyo ipasok!" sumunod nitong wika.Habang nakaupo, ang mga mata ni Carlo ay bahagyang nakatitig sa orasan, hinihintay ang resulta ng pagpapahalaga. Ngunit sa gitna ng kanyang pagkabalisa, napansin niya ang batang babae. Kitang-kita niya ang pagkagusto ng bata sa mga alahas.Hindi pa man lumamig ang mga salitang binitawan niya, isang alon ng pagkilos ang sumunod. Sa isang iglap, ang mga pangunahing brand, mga pangalang kilala sa mundo ay nag-uumpisang magpadala ng mga k
Lalo na kapag sumasabay sa ngiti ang kanyang mga mata, tila ba para itong mga gasuklay ng buwan, eksaktong talaga namang kapareha ng kanyang ina. Ang batang si Bella ay mas maliit na bersyon ni Thessa.Ang tanging pagkakahawig ay ang maliit na nunal sa pagitan ng kanyang mga kilay, iaang marka na tila minana, isang bakas ng isang hindi inaasahang ugnayan.Ngunit posible nga ba? Ang ideya ay gumuhit ng matinding pag-aalala sa puso ni Carlo. Maaari kayang si Bella... ang kanyang anak? anito sa sariling isip.Mahigipit na nakayakap ang batang babae sa leeg ni Carlo, ang mga maliit na braso nito ay tila mga sanga ng isang punong kahoy na mahigpit ang pagkakapit. Sa salamin, nakikita niya ang repleksyon ng kanilang dalawa- ang maliit na mukha ni Bella na halos kopya ng kanyang repleksyon, ay paminsan-minsang nagpapalabas ng mga nakakatawang ekspresyon, sinasadya upang mapatawa siya."Tito, ang gwapo niyo naman po!" malambing na usal ng musmos.Bagamat alam ng batang babae sa kanyang puso n
Isang mabigat na katahimikan ang bumalot kay Carlo matapos ang gabing iyon. Ang sagot na kanyang inaasam ay nanitiling isang anino, isang palaisipan na tila nagpapabigat sa kanyang dibdib.Sa hapag-kainan, habang ang amoy ng mainit na kanin at almusal ay pumupuno sa silid, panay ang tingin niya kina Thessa at Bella, may kutob siyang may kinalaman sila sa palisipan niya.Ang una'y nagkukunwari pa itong walang nakikita, habang ang munting si Bella ay napaisip na baka nais lang nitong tikman ang lugaw niya, kaya't buong-loob na kumuha siya ng malaking kutsara at inilagay sa mangkok ng tito niya.Mula sa maliit na upuang pambata, maingat na kinuha ng batang babae ang kutsarang may lamang lugaw, sa isang galaw na puno ng pag-aalaga, iniharap niya ito sa bibig ni Carlo. "Tito, tikman mo ito." malambing na usal ni Bella.Natunaw ang puso ni Carlo sa ginawa ng bata, hinawakan niya ang maliit na ulo nito at malumanay niyang sinabi, "Hindi kumakain si Tito, ikaw nalang ang kumain niyan." malum
Orihinal na nais niyang sabihin ang tungkol kay Bella, ngunit nang makita ang ekspresyon sa mukha ni Carlo, malinaw na hindi nito alam na ang munting batang babae ay kanyang anak.Hindi inaasahan ni Mark na si Carlo, ang may isang malaking pangalan sa mundo ng negosyo at kinatatakutan pa ng mga kalaban, ay ganoon nalang pala kaduwag pagdating sa pag-ibig. Hindi lamang niya nakikita ang kanyang tunay na damdamin, kundi lalo pa nitong tinutulak ang mga taong malapit sa kanya.Ngunit naisip pa rin ni Mark na mas mabuti na rin 'yon, upang sa gayon ay makahanap siya ng pagkakataong suyuin si Thessa, at mabigyan ng pag-asa ang kanilang di-maipaliwanag at nakatagong pag-ibig noon.Mahigpit ang pagkakahawak ni Carlo sa kanyang panga, ang manipis niyang mga labi ay halos magkasalubong na, at ang mga daliri ay mahigpit na nakakuyom sa kanyang palad. Isang nakakatakot na lamig ng aura ang kanyang pinapakita.Nang mga oras na iyon, nakalayo na si Mark sakay ng kanyang sasakyan.Bumalik si Carlo,
Gumapang ang takot sa puso ng musmos na bata. Mahigpit na napayakap siya sa leeg ni Carlo, ang mukha'y binaon sa matipuno nitong balikat. Para bang ang pamilyar na kapanatagan ng isang ama ang nararamdaman niya, isang seguridad na hindi niya namalayan na hinahangad niya nang mga sandaling iyon. Sa kauna-unahang pagkakataon, mahigpit na niyakap ng munting bata ang leeg ni Carlo, ang kanyang maliit na braso ay nakapulupot nang mahigpit, at halos ayaw ng bumitaw."Tito, natatakot po ako." nanginginig na boses ng bata.Ang lambing at pag-asa sa tinig ng bata ang gumuhit ng lambot sa puso ni Carlo. Dahil dito, bahagyang lumiwanag ang kanyang tinig. "Huwag kang matakot, nandito si Tito." malumanay na boses ni Carlo.Mahirap ipaliwanag ang kakaibang pag-alala at pagmamahal na kanyang nadarama para sa batang babaeng yakap-yakap niya ng mga sandaling iyon. Isang damdamin na higit pa sa pagiging isang tiyuhin.May iba rin namang mga pamangkin si Carlo na mas bata pa kina Kenzo at Kerby, nguni
Napangiwi si Carlo, naaawa sa dalawang batang kanina pa nakaupo. "Bakit nga ba nandito si Mr. Mark?" tanong niya sa lalaking nakaupo sa wheelchair na para bang wala lang."Naparito ako para magpasalamat." sagot ni Mark, ang mga labi'y bahagyang nakangiti. Ang mga mata niya'y malumanay na nakatuon kay Thessa, taos-puso ang pasasalamat sa kanyang tinig.Magalang namang ngumit si Thessa, isang "walang anuman" ang sinabi niya sa lalaki.Kinuyom ni Carlo ang kanyang mga kamao. Sa likod ng kanyang kalmadong mukha, ang puso niya ay matagal nang sinasalanta ng apoy ng selos at kawalan ng pag-asa.Malamig ngunit matalas ang kanyang mga kilay habang nagtatama ang kanilang mga tingin ni Mark sa ere. Isang di-maipaliwanag na tensyon ang bahagyang bumabalot sa pagitan ng dalawa."Tay, sumama ka na rin sa pangingisda, mag-uunahan tayo!" sigaw ni Kenzo.Nabasag ng masiglang boses ni Kenzo ang nakakabigat na katahimikan. Kumuha siya ng panibagong pamingwit ng mga bata mula sa gilid at inabot iyon ka
Dahil sa kagyatan ng sitwasyon, agad na dumiretso si Carlo sa paliparan.Habang nasa sasakyan, maingat na inulat ni Dylan ang dahilan ng problema, "Ang dating namamahala sa panig ng kasusyo natin ay natanggal na sa pwesto. At ang kasalukuyang namamahala ay humihingi ng dalawang karagdagang puntos sa ating kontrata." kalmadong tugon ng sekretarya.Isang malamig, matigas na ekspresyon ang sumalubong sa mga mata ni Dylan. "Kung ganon, palitan nalang natin ang kasusyo." malamig na tugon ni Carlo.Isang linggo ang itatagal ng paglalakbay ni Carlo sa ibang bansa. Ang kanyang presensya ay kailangan doon, at ang pag-asa ay nakasalalay sa kanyang kakayahan na maayos ang sitwasyon.Sa gitna ng kaguluhan at pag-aalala, isang bagong damdamin ang nagsimulang tumubo sa puso ni Thessa. Sa loob ng isang linggo, naging malinaw sa kanya ang kanyang nararamdaman. Isang pag-ibig na hindi naging madali, tila ba isang pag-ibig na parang naglalakbay sa isang malamig na kweba. Upang makaligtas kilangan mong
Sa sandaling nagtama ang kanilang mga mata, alam na ni Thessa na iba si Carlo. Hindi lang iba, kundi isang lalaki na walang puso at walang habag. Parang yelo ang kanyang mga mata, malamig at walang emosyong nakatingin sa lalaki.Kahit na hindi siya mahal ni Carlo, alam din niyang wala rin itong ibang babae na mahal. Iniisip niya na kahit respeto at suporta na lamang ang mayroon sila bilang mag-asawa pagkatapos ng kasal, ay maari pa ring maging mapayapa at maganda ang kanilang buhay.Subalit, sa kabila ng kanyang pag-iingat, hindi niya napigilan ang pagkahumaling kay Carlo. Unti-unti hindi niya namamalayan ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso sa tuwing malapit ito.Sa pagdating ng kanilang kambal na mga anak, isang kapansin-pansing pagbabago ang naobserbahan ni Thessa sa lalaki, mas lalo na nitong inalagaaan ang kanyang pamilya. Nakakita ng pag-asa si Thessa at nagsimulang isipin ang posibilidad na magpakasal muna sila bago ang pag-ibig.Handa na si Thessa, tiyak na siya sa kanyang d