Nakatanaw sa bintana si Yuna, sa malayo tinangay ang kanyang kamalayan. Sa mga panahon ‘yon ay simple lamang ang kanyang gustong mangyari— ang makamit ang nag-iisang bagay. Pang-ilang araw na ba? Palagay niya ay matagal na. Inikot ni Yuna ang paningin sa labas ng mansyon ng mga Altamirano. Magara, matayog, malawak… pero salat sa ligaya, salat sa lahat. Sagana sa kung anumang makakapagpaligaya sa mata ang kanyang paligid ngunit nababalot ng lungkot at kadiliman ang puso niya.“Miss Yuna, dumating na po ang Senyorito Felix,” pukaw sa kanya ng nag-iisang katulong na kakampi niya sa malaking hawlang iyon. Dumagundong ang kaba at excitement sa dibdib ni Yuna nang marinig ang sinabi ni Manang Asun.“Totoo bang nandito na siya? Bumalik na siya?” Walang mapagsidlan ang kaligayahan at tuwa si Yuna. Hinawi niya ang kurtinang tumatakip sa isa pang bahagi ng bintana saka tumanaw sa malawak na bakuran. Humantong ang mga mata sa sasakyang nakahinto sa malawak na garahe.Kakaibang tuwa, kilabo
Read more