Share

Chapter 1: Gintong Hawla

Author: Epiphanywife
last update Last Updated: 2024-08-20 15:14:07

Nakatanaw sa bintana si Yuna, sa malayo tinangay ang kanyang kamalayan. Sa mga panahon ‘yon ay simple lamang ang kanyang gustong mangyari— ang makamit ang nag-iisang bagay. Pang-ilang araw na ba? Palagay niya ay matagal na. 

Inikot ni Yuna ang paningin sa labas ng mansyon ng mga Altamirano. Magara, matayog, malawak… pero salat sa ligaya, salat sa lahat. Sagana sa kung anumang makakapagpaligaya sa mata ang kanyang paligid ngunit nababalot ng lungkot at kadiliman ang puso niya.

“Miss Yuna, dumating na po ang Senyorito Felix,” pukaw sa kanya ng nag-iisang katulong na  kakampi niya sa malaking hawlang iyon. Dumagundong ang kaba at excitement sa dibdib ni Yuna nang marinig ang sinabi ni Manang  Asun.

“Totoo bang nandito na siya? Bumalik na siya?” Walang mapagsidlan ang  kaligayahan at tuwa si Yuna. Hinawi niya ang kurtinang tumatakip sa isa pang bahagi ng bintana saka tumanaw sa  malawak na bakuran. Humantong ang mga mata sa sasakyang nakahinto sa malawak na  garahe.

Kakaibang tuwa, kilabot na may halong excitement ang nararamdaman niya ng makita ang  pamilyar na itim na Porsche. Iisa lamang ang taong kilala niyang nagmamay-ari ng sasakyang iyon. Bago pa man nabanggit ni  Yuna ang pangalan ng lalaki ay bumukas na ang driver seat ng sasakyan at iniluwa ang isang matangkad at may katamtamang katawan, nakasuot pa ito ng kanyang Dior Dark eye  glasses. Matipuno at autoritibo ang dating ng lalaki. Kagalang-galang ito sa suot na polo at kurbata.

Nang mawala sa paningin ni Yuna ang lalaking tinatanaw ay nataranta siya at biglang sinipat ang sarili. Sa kakatunganga niya sa bintana at sa kaka-emote ay hindi man lamang niya napansin na ni hindi man lang siya nakapag-ayos!

Binalot ng insecurities ang puso ni Yuna, nilalamon na naman siya ng awa sa sarili at ng  katotohanan na gano’n lamang siya. Sinikap niyang magpunas ng pawis at sipatin ang kanyang suot nang pabalang na  bumukas ang pinto. Dire-diretso ang lalaking pumasok ng silid at padabog na inilapag ang hawak na  messenger bag sa single couch at pagkatapos ay kumunot ang noo habang inikot ang  paningin sa buong silid. Saka nagtama ang kanilang paningin.

Magsasalita sana si Yuna para batiin ito at tanungin na rin kung kumain na ito dahil medyo ginabi na ito ng uwi. Pero hindi na niya nagawa pang makapagsalita pa. Natameme na siya  sa malalaking hakbang nito na tila ba galit habang niluluwangan ang sariling kurbata.

“Felix, mabuti naman at—” Isang nakakapugtong hiningang halik ang pumutol sa  pagbating iyon ni Yuna.  Natuwa ang puso niya. Kahit papaano ay parang hinaplos ang buo niyang pagkatao sa tila sabik na halik na iyon. Nangarap ang puso niya na sana umuwi ito dahil nami-miss siya ng asawa. Ngunit alam niyang isa lamang ‘yong ilusyon.

Kasunod ng saglit na mapupusok na halik na iyon ay ang  pagsibasib nito sa kanyang dibdib na nasa ilalim ng manipis niyang worn out t-shirt.  Itinulak at isinandal siya nito sa pader sa gilid ng bintana nang walang ingat kaya nauntog pa siya sa semento pagkatapos ay sinibasib nito ang dibdib niya matapos itaas ang  kanyang damit.

Naging mapusok, malikot ang mga kamay nitong may suot n mamahaling relo na nababagay sa maugat nitong mga kamay.  Pumasok pa ang isang kamay nito sa suot niyang garterized short at pagkatapos ay doon  gumalugad. Napapakislot at napapangiwi si Yuna sa magaslaw na kilos at madiing pagpasok ng daliri  nito sa kanyang pagkababae. 

Medyo tumatama pa nga sa tuktok ng kanyang pagkababae ang makapal na college ring nito. Ipinagpatuloy nito ang ginagawa kasabay nang paglamas at paglasap ng kanyang dibdib. Marahas at walang pagsuyo ang ginagawa nito ngunit napakakagat-labi pa rin si Yuna at  tinatanggap ang lahat ng ginagawa ng asawa sa kanya. Obligasyon niya iyon. Masuwerte pa  nga daw siya kung tutuusin.

Huminto ito sa pasibasib at marahas na galaw hindi para tigilan si Yuna kundi para lamang  magmadaling buksan ang zipper ng pantalon nito pagkatapos ay pahablot siya nitong  pinatalikod at saka mula sa likuran ay pabiglang ipinasok ang kanyang pagkalalaki.

Napasigaw sa sakit at hapdi si Yuna kahit pa nga ba ilang ulit na rin naman ang ganitong  eksena. Malaking tao si Felix sa taas na 5' 11 at maliit na petite siya sa taas na 5'2. Hindi siya  handa at wala man lang pasubali kaya naman hindi rin handa ang kanyang kailaliman. 

Gumalaw ito nang parang hayok at parang matagal na nawalan ng kaulayaw. Awkward ang  posisyon ni Yuna pero tiniis lamang nito. Ang mahalaga ay kinakailangan siya nito at iyon na  lamang ang kinakapitan niya. Tila naalangan at nahirapan ito sa posisyon ginawa kaya walang babala at paligoy ligoy na  hinatak nito si Yuna sa kama at padapang itinulad saka ito kumubabaw. Hindi ito tumigil  hanggat hindi halos sumigaw si Yuna… sigaw ng sakit ng kanyang pagkababae at sakit sa  kanyang kaluluwa.

“Call my name now… Aah! F*ck! Say it! Shout my name, damn it!” Maging si Felix  ay hindi napigilan ang hinagpis ng puson sa ligayang nararanasan.

“F-Felix…Urgh… y-yes… d-diinan mo pa…” sigaw ni Yuna na mula lamang sa ilong  niya. Ito ang trip ng lalaking kasalukuyang nagpapakasasa sa ibabaw niya. ‘Yung kahit  nasasaktan na siya, ‘yung kahit saliwa ang posisyon o hindi komportable basta mailabas  lamang nito ang pagnanasa at pangangailangan ng katawan bilang lalaki.

Bumilis ito, tila isang hinete habang halos sabunutan ang buhok niya. Hirap na hirap si  Yuna habang nakatuwad at habang nakatingala. Halos maipit ang hininga dahil hila nito  ang buhok niya at sakal pa ang leeg nito. Mabuti na lamang at narating na nito ang  sukdulan kaya binitiwan na ang buhok at leeg niya. Doon lamang nakahinga ng maayos  si Yuna.

Kahit hirap at nasasaktan ay nagkakaroon ng pag-asa si Yuna sa tuwing nagniniig sila ni  Felix. Nagkakaroon ng ligaya ang puso niya na kahit sa sex man lamang ay hinahanap siya ng asawa. Pinapangarap na rin niyang magkaanak dahil baka ang bata ang maging liwanag ng kanilang pagsasama… na baka kung may gumagapang-gapang ng sanggol sa mansyon ay mas madalas na itong uuwi sa kaniya.

Pero laking dismaya ni Yuna nang matapos ang pagniniig ay walang kibo, walang halik man lang at lalo naman walang malambing na usapan sa pagitan nila. Umalis mula sa likod niya si Felix at nagtungo sa  shower. Nang mawala sa paningin ni Yuna ang asawa ay doon niya pinakawalan ang luhang kanina pa niya pinipigilan.

“Wala na ba itong katapusan?” tanong niya sa sarili, tila ang kapalaran ang nais  sumbatan. Sanay na siya dapat pero habang dumadaan ang araw at buwan ay lalong palalim  nang palalim ang sakit at pait ng kapalaran niya. Palaging ganito ang eksena. Kung kaillan lamang  maisipan ni Felix na umuwi sa kanya ay doon lamang parang nabubuhayan si Yuna.

Ilang taon na ba mula nang maikasal siya nang lihim kay Felix? Ilang taon na ba niyang  pinagbabayaran ang kasalanan ng kanyang ama? Hindi pag-ibig ang dahilan kung bakit sila ikinasal. Shotgun wedding ang maaari niyang itawag sa nangyari.  Kilalang tao sa bayan nila si Felix at kausap nito ang kanyang ama para sana sa pag-aangkat ng mga feeds para sa mga manok at pato. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (4)
goodnovel comment avatar
BABY JANE GUAVES
grabeng hirap ang daranasin wari rito ni Yuna..
goodnovel comment avatar
Madam Ursula
iba din itoonf si Felix malupit
goodnovel comment avatar
Madam Ursula
oooh simula pa lang may ungol na
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 2: Multo Ng Kahapon

    Isang araw ay niyaya ito ng kanyang ama na uminom at sa pakikisama ay pumayag ito. Ngunit hindi pala sanay ang mayaman na binata sa inuming inilatag ng kanyang ama. Medyo gabi na noon nang makabalik si Yuna mula sa paglalako ng paninda at nadatnan niyang lango na sa alak ang ama at ang binatang bisita nito. Hahayaan na sana niya ang mga ito sa labas nang biglang umambon at mababasa ang dalawa. Unang binuhat at kinaladkad ni Yuna ang ama at ihiniga sa sofa saka niya isinunod ang binatang bisita. Dahil maliit at lupa ang kanilang sahig ay sa silid niya ito dinala at pinahiga muna. Saka niya niligpit ang pinag-inuman ng mga nito. Ang kaso ay habang nagliligpit ay bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang malakas na hangin at kulog. Halos basang-basa si Yuna. Nagpalit na lamang ng damit ang dalaga at sumiksik sa isa pang maliit na sofang kawayan. Pero mga hating gabi ay naramdaman niya na para siyang binuhat at pagkatapos ay inilapag sa kama. Mainit ang pakiramdam niya kaya akal

    Last Updated : 2024-08-20
  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 3: Pagibig na Walang Sukat

    Tahimik na lamang na lumuha si Yuna. Inaamin niyang crush niya noon si Felix kahit pa nga sampung taon ang tanda nito sa kanya noon. Sixteen pa lamang siya nang una niya itong makita at si Felix ay bente-otso na noon. Pinakabatang milyonaryo sa kanilang lugar. Sa loob ng isang taon ay mga apat na beses niyang nakita ang binata na kausap ng ama. Kaarawan niya nang muli itong makita at isinayaw pa nga siya. Doon muling nabuhay ang paghanga ni Yuna sa binata at inalagaan na niya iyon sa kanyang puso.Oo, mahal niya si Felix. Masaya siyang inadya ng kapalaran na maikasal sila. Ramdam naman niyang pinakialaman siya ni Felix nang gabing iyon kaya hindi na siya tumutol kahit pa nga mukhang shotgun wedding ang nangyari. Sa kanyang puso ay hindi na magiging mahirap ang mahalin ito kaya naman ipinangako niyang gagawin ang lahat upang matutunan siyang mahalin ng lalaki. Naniniwala kasi siya na kung nagawa naman siyang galawin ni Felix ay baka magawa din siyang mahalin nito. Ngunit sa pag

    Last Updated : 2024-08-20
  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 4: Ang Sukdulan

    Mabilis at malalaking hakbang na sinalubong ni Yuna ang dalawang walang kamalay-malay na naroon siya. Nataranta namang sumunod ang katulong na kasama niya. Pero napako ang mga paa ni Yuna na isang dipa na lang layo sa dalawa. Nakita kasi ni Yuna na malambing na inaakay ng kanyang asawa ang babae. Parang sinaksak ang puso niya. Dahil sa pagkatulala ay nakatawag iyon ng pansin kay Felix na napatingin sa direksyon niya. Kumunot pa ang noo nito. “Bakit, Felix? Kilala mo ba ang babaeng iyon?” tanong ng babaeng inaalalayan ni Felix. Hindi kumibo si Felix pero inakay ang babae papasok ng kotse pero hinarang sila ni Yuna na nagawa kumilos mula sa pagkatulala saka nakipagtitigan sa asawa. “Felix, sino ba ang babaeng ito?” sabi ng babaeng kasama ni Felix.“Ako sino ako? Hah! Sino nga ba ako, Felix? Bakit hindi mo sagutin ang tanong ng malanding babaeng kasama mo?” sabi in Yuna.“Stop it, Yuna. Nakakahiya ka!” Hasik ni Felix.“Sino ka bang mahadera ka. Parang laking eskwater! Sino ba siya

    Last Updated : 2024-08-20
  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 5: Tagu- Taguan Kay Kupido

    Magdamag na iniyakan ni Yuna ang abang kalagayan. Sa pagaakalang wala man lang puso at awa ang kanyang asawa. Wala man lamang siyang halaga dito at mas inuna pa ang babae niya. Nagkulong sa kuwarto at nag-iiyak na lamang si Yuna hanggang sa nakatulugan na ang mga luha sa kaniyang pisngi. Kaya ang mga sumunod na pangyayari ay hindi na namalayan ni Yuna.Lumalim na ang gabi at himbing na himbing si Yuna nang may dahan-dahang nagbukas ng pinto ng silid. Lumapit si Felix sa kinaroroonan niya at umupo sa gilid ng kama saka tinunghayan ang namumutlang mukha ng asawa.Dahan dahang pumasok si Felix sa silid, hind niya gustong magambal ang si Yuna. Pagdating pa lamang niya sa kanyang mansion ay sinalubong na siya ni Manang Asun. Hindi pa man siya nangangamusta ay ibinalita na nito ang kalagayan ng asawa.At ayun sa kanyang mayordoma ay hindi pa kumakain si Yuna at halos hindi daw lumabas ng at nasa silid lamang maghapon.Pagpasok niya ay agad bumungad sa kanya ang himbing ng asawa. Nakapamal

    Last Updated : 2024-08-20
  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 6: Latigo ng Pag ibig

    Hindi malaman ni Yuna na kung saan kakapit. Kung sa unan ba niya sa kumot o kung sa buhok ba ng asawa. Ang bawat kiliti ng dila nito sa kanyang basang basa ng hiyas ay mas nagdudulot sa kanya ng kakaibang kilig at luwalhati."Ooooh Felix..urg..hm... Oh f* ck..." gustong isigaw ni Yuna ang sarap ng pakiramdam pero mas pinili nitong kagatin na lamang ang mga labi upang walang ungol na lumabas. Hindi nito hahayaang masiyahan ang kanyang asawa.Pinaghiwalay pa nito ang mga hita ni Yuna at mas dumaosdos pababa upang mas makapuwesto ng maayos at makamukbang ng malupit.Expert ang asawa nito ganung bagay marahil dahil sa edad nito at mga nagdaang karanasan. Samantalang si Yuna ay walang karanasan at ang lahat ng naranasan ay mula lamang sa asawang ang turing sa kanya ay laruan.Halos kasabay ng mga impit ng ungol at pamumula ng labi sa pagkakakagat ni Yuna dito ay ang mamumula ng gilid ng kanyang mga mata. Bumalik sa alaala ni Yuna ang lahat ng pagtitiis niya at pagtitimpi huwag lamang s

    Last Updated : 2024-08-22
  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 7: Ang Parusang Gantimpala

    Hingal na ito pero hindi pa rin kontento si Felix parang hindi pa dito sapat ang halos iang position ginawa. Hanggang sa gawin na nito ang ultimatom ang position na kung tutuusin ay naging paborito na rin niya "Ang the Captain" tinawag ito sa ganung pangalan dahil itataas ng lalaki ang mga paa ng katalik at ibubuka ng halos 90 degre habang umuulos at babaon ng sagad at bibilis na parang hinahabol tigre habang hawak ang dalawa mong paa na tila steering wheel ng barko kay tinawag ng The Captian position.Doon narinig ni Yuna na halos mabaliw sa pagungol abg asawa.Napapatingala pa eto at napapalalim ang kurba ng katawan. Nakikita ni Yuna na sarap na sarap ang asawa pero luha ang kapalit noon para sa kanya.Hindi niya kase maintindihan kung bakit, ganito naman ito kahayok sa kanya pero hindi pa rin siya makuhang mahalin. Nang pauti unti na itong unguungol at ilang ulit nagmumura at binabanggit ang pangalan niya at alam na ni Yuna na malapit na eto sa sukdulan. The evilness na namumuo

    Last Updated : 2024-08-22
  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 8: Ang Paglipad ng Ibon

    Ano ba ginagawa mo dito? Aba! himala na narito ka pa? hah!i ba ka rin talaga ha! Matapos mong makipagdate sa kalaguyo mo ay uuwi ka na parang wala lang ganun? Lumayo ka, nakakadiri kayo" react ni Yuna na biglang natigilan at muntik ng matawa dahil late na ang reaksiyun niya. Nagsex na muna sila kagabi bago niya ito sinumbatan.Gusto sanang sampalin ni Yuna ang sarili dahil sa katangahan, mabuti na lang at parang hindi naman iyong napansin ni Felix. Tumigil sandali si Felix , at tiningnan niya ng matalim ang asawa. Kulang na lang ay may lumabas na apoy sa mga mata nito."Hindi ko siya kalaguyo. Itigil mo yan Yuna, hindi nakakakatuwa. Huwag kang magsalita ng walang kabuluhan." "Ooh at gusto mong paniwalaan ko yang ganun kitang kita kong buntis ang babaeng yun.? Hah! anong tingin mo sa akin tanga!" paangil na sabi ni Yuna.Hindi naman na pinatulan ni Felix ang sinabi nilg asawa at hindi na lamang din pinansin nito ang mga bintang nito. Wala namang saysay."Huwag kang gumawa ng gulo Yun

    Last Updated : 2024-08-23
  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 9 : Sa Hirap at Ginhawa

    "Sigurado ka? Pinagsisisihan mo na ikinasal ka sa akin? So, tama ako hindi ba? Tama ako na ang pagmamahal na sinasabi mo ay ganun lang ka cheap. Nawala ang pagmamahal ng ganun ganun lang. Sa loob ng dalawang taon sasabiihin mo yan? Nawala nga ba o wala naman talaga" sabi ni Felix sa malungkot na tinig na hindi itinago ang poot at pagkadismaya sa mga narirnig sa asawa.Si Yuna ay inayos lamang ang unan ai inayos ang pagkakahiga niya saka walang expression ang maputla niyang mukha pero inilayo ang paningin sa asawa. Marami pa siyang gustong sabihin. marami siyang gustong isumbat. ipamukha, ipaliwanang pero para saan pa? bakit pa?"Well, tama pinagsisisihan ko nga, at posible ngang nawala iyon ng ganun lamang kabilis at posibleng nga mababaw kaya para saan pa at bakit pa mamgtitiyaga. kahit anong paliwanang pa hindi na babalik ang lahat" walang emosyung sagot niya sa mga tanong ni Felix.Wala na rin naman talaga siyang balak na mahalin pa ito. Ibinigay na niya ang lahat. matagal na siyan

    Last Updated : 2024-08-24

Latest chapter

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 509: Hindi Siya Ang Kasintahan Mo

    Sa oras na iyon, ang dalawa sa dance floor ay nasa punto na ng pagsusuot ng singsing. Kukunin na ni Robert ang nakahandang singsing na nasa tray para ibigay kay Rowena, at isusuot na ito sa manipis na palasingsingan ni Yuna.Biglang nagdilim ang tingin ni Felix sa panibugho, binangga niya ang karamihan at pumasok sa gitna ng bulwagan at hinila ang kaliwang kamay ni Yuna.Gusto sanang isuot ni Yuna ang singsing, pero nang hilahin siya ay hindi na siya makagalaw, kumunot ang kanyang noo at tumingin sa taong humila sa kanya. Si Felix pala.Malamig ang kanyang mukha, at bigla siyang hinila patungo sa dibdib nito, parang isang ari-arian na kanyang pinoprotektahan. "Kuya, ano ba ang ginagawa mo?" Kumunot ang noo ni Robert, at hindi masaya ang hitsura, kakahawak lang niya sa kamay ng babae, ang kanyang kamay ay parang makinis na tofu, at hindi niya maibaba ang kanyang kamay. "Hindi siya ang kasintahan mo." Malamig na sagot ni Felix at pagkatapos ay tinanggal niya ang maskara ni

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 508 : Ang plano Ni Yuna

    Doon sa gilid. Isang matangkad at matikas na anino ang tumambad sa paningin ni Yuna.Si Felix, Tumingin ito sa kanya, may bahid ng pagmamahal at paggaalala ang kanyang mga mata."Bakit ka napunta dito?" Tanong agad ni Felix "Kapag sinabi kong nandito ako para batiin si Rowena, maniniwala ka ba?" Hawak ni Yuna ang kanyang baso ng alak at nakangiti."Sa tingin mo ba maniniwala ako?" Tumingin si Felix sa kanya. "Yuna, ano ba talaga ang gusto mong gawin sa pagpunta mo rito?" Ayaw ni Felix na gumawa si Yuna ng mga bagay na pagsisisihan nito o pagdudusahan na naman nito, mahigpit niyang tinitigan, si Yuna sinusubukang makita ang nararamdaman nito sa kanyang mga mata.Pero bukod sa pagngiti, walang nakita si Felix na emosyon sa mga mata ni Yuna, tanging malamig at malayo mga mata lamang"Mr.. Felix, hindi naman tayo kinektado na diba kaya tawagin mo na lang akong Ms. Yuna." Pagkatapos sabihin iyon, nakita niya si Rowena na umakyat, ibinaba niya ang kanyang baso at nais na sanang umalis.Per

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 507 : Nakalaya na Si Yuna

    Ay ilang linggo ng nakakalaya si Yuna ngunit hindi pa ito nakakausap ni Felix Palagi kase itong umaalis kasama ni Patrick..Pagsapit ng gabi, nakaupo si Felix sa swivel chair sa kanyang opisina na nakapikit at may malungkot na ekspresyon. Siya namang pagdating ni Marlon.Itinulak ni Marlon ang pinto at lumapit kay Felix, "Sir, pumunta si Madam sa birthday party ni Miss Rowena." Bakits nito.Biglang iminulat ni Felix ang kanyang mga mata, madilim ang kanyang mukha, "Anong sabi mo?" Seryosong tanong nito."Kadadating lang po ni Madam sa birthday party ni Miss Rowena at pumasok na siya ngayon sa bulwagan" ulit nito.Itinikom ni Felix ang kanyang manipis na labi. Si Yuna ay may sama ng loob kay Rowena at may galit, at pumunta ito sa birthday party party ni Rowena sa sandaling makalabas ito sa bilangguan. Sigurado si Felix na may plano si Yuna kaya kinabahan si Felix.Naningkit ang mga mata ni Felix, kinuha niya ang coat sa tabi niya, isinuot, at malalaki sng hakbang na lumabas.Samanta

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 506 : Si Yuna ay Nakulong

    Dalawang araw pa ang lumipas, si Yuna ay sinentensiyahan ng anim na buwang pagkakulong dahil sa injury na tinamo ng biktima. Nang mga panahong nanyayari ang lahat nakabalik na noon si Patrick mula sa ibang bansa. Bumalik si Patrick mula sa ibang bansa at narinig ang tungkol sa nangyari kay Yuna. Dumating siya upang bisitahin ito sa bilangguan sa lalong madaling panahon. Napatingin si Patrick sa babaeng nasa tapat niya na nakayuko, at nagtanong, "Bakit hindi mo piniling baguhin ang iyong pag-amin noong panahong iyon?" Narinig ni Patrick ang lahat tungkol sa nangyari at sa ginawa ni Yuna mula kay Myca. Bahagyang ngumiti si Yuna, "Dahil ayaw ko nang magkaroon ng utang na loob sa kanya." "Nakita ko siya sa labas nung pumunta ako dito kanina lang." sabi ni Patrick Hindi nagbago ang ekspresyon ni Yuna, "Hayaan siyang maghintay sa wala, wala na akong pakialam. Anyway, araw-araw siyang dumadating pero at araw-araw rin siyang nawawala" sabi pa niya "Yuna, Ikaw ay mayroon na sanang p

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 505 : Ayokong Magkaroon Pa Ng Utang Na Loob Sayo

    Kanina ay matatag Si Yuna, ngunit ng mabanggit ang ama at marinig ang pagiyak ni Myca, doon nagsimulang bumangon ang lungkot at takot ni Yuna. Kung tutuusin ay nangpapakatatag lamang siya pero matagal nang para siyang living dead. Mula ng mawala ang kanyang anak ay para na rin siyang buhay na patay. Tanging ang kanyang ama na lamang ang nagiisang hibla ng pisi na nagpapanatili ng kanyang katatagan."Attorney Sandro, maaari ka nang bumalik at sabihin sa kanya na huwag nang mag-alala tungkol sa akin. Wala na akong pagmamahal sa kanya, tanging poot na lamang."Napatingin si Sandro sa kanyang payat na pigura at hindi alam kung ano ang sasabihin. Pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan, nagtanong si Sandro."Sigurado ka ba Yuna?""Oo. " Tumango siya ng ilang ulit. Walang pagpipilian si Sandro, kundi mag-impake ng mga dokumento at tumayo para lisanin ang lugar. Lugar na alam niyang ayaw ni Felix kahantungan ng asawa nito."Attorney Sandro." Bigla siyang tinawag ni Yuna. Lumingon si Sandr

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 504: Aamin Ako At Hindi Na kita Makikita.

    Halos manikip ang dibdib ni Felix sa mga narinig. Ang dugo sa kanyang katawan ay parang biglang kumulo at umapaw hanggang sa kanyang bumbunan.Halos hindi niya makontrol ang kanyang emosyon, at gusto niyang pigilan ang mga pulis upang huwag hulihin si Yuna. Ngunit si Yuna ay nakaupo sa itaas ng puno, kaya hindi siya nangahas kumilos ng padalos-dalos. Dalawa ang kinakatakutan ni Felix: una, baka maisip ni Yuna na talon kapag natakot, dahil sa kasalanang iyon; at pangalawa, hindi niya kayang makitang damputin si Yuna ng mga pulis.Tumingin si Yuna kay Felix, itinaas ang gilid ng kanyang mga labi, at pagkatapos ay tumitig sa kanyang mga mata. May bakas ng nakatagong lungkot at poot—para bang sinasabi nito kay Felix na oo, ayaw niyang humingi ng tawad kay Rowena, at tumatanggi itong tanggapin pa ang kabaitan ni Felix.Natakot si Felix. Sa ilang segundo, sa sandaling tinulungan niya si Yuna at ilang pulis sa pagbaba sa puno, halos gusto na ni Felix na lumapit at yakapin ito. Gusto niyang

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 503 : Hindi Ako Hihingi Ng Sorry

    "Sir, pumunta po si Madam para bisitahin ang kanyang ama na si Ginoong Shintaro? Pero hindi po siya nakapunta sa ward ni Miss Rowena?" Sagot ang tapat na tauhan ni Felix."Hindi niya pinuntahan si Rowena?""Hindi po, Sir." Nakagat na lamang ni Felix ang kanyang mga labi sa pagtitimpi."Ano pa ang sumunod niyang ginawa?" tanong ni Felix. "Pumunta po siya sa lumang villa, Sir," sagot ng tauhan."Anong ginagawa niya roon?" "Sir, si Madam po ay pumunta sa likod ng bundok ng lumang villa. Doon po sa puntod ng kanyang ina." "Um, pagkatapos po niyang pumasok sa lumang villa, hindi na po siya lumabas," dagdag ng unang tauhan."Kaya naisipan ko po na umuwi na lamang. At iniisip ko na maaaring doon na po magpalipas ng gabi ang inyong asawa." Hindi maipaliwanag ni Felix kung bakit nakakaramdam siya ng kaunting pagkabalisa. Patuloy na nagsalubong ang kanyang mga kilay. Hindi talaga siya mapakali at tila kinakabahan. Kaya agad kinuha ni Felix ang telepono at lumabas. Pagkatapos ay inutusan ni

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 502: Hindi Ako Ang Gusto Mo

    "Kuya , ibig mong sabihin, hahayaan mo lang siya na makalapit pa rin sa akin at hahayaan mo na saktan niya ako ulit kahit kelan niya gusto?" naaagrabyadong sinabi ni Rowena."Napakawalang halaga ba ng buhay ko? Gusto niya akong patayin, ngunit hindi ako namatay. Ngayon gusto niyang makipagkompromiso ako at patawarin siya." Tingin ito ng may pagdaramdam kay Felix."Kung patatawarin ko siya, hindi ko mapapangako sa kanya na hindi niya ako sasaktan. Sa kasong ito, magiging ligtas ba ako sa hinaharap?" Tanong ni Rowena.Natahimik sandali si Felix, Nagisip muna ito ng mabuti pagkatapos ay sinabi kay Rowena ang nais nitong marinig."Kung sasaktan ka niya sa hinaharap, sige poprotektahan kita." Iyon na lamang ang sinabi ni Felix para matapos na ang usapaan nila. Alam niyang iyon ang igigiit ni Rowena at iyon ang hinihintay nitong sabihin niya.Samantala sa kabilang dako........Nakita din ni Yuna sa balita na nailigtas nga si Rowena.Tatlong araw daw siyang naanod sa dagat, at ang pangyayar

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 501: Handa Siyang Makulong

    "Mr.Felix, Nandito ako para makipag-ayos sa kanya!" Itinuro nito si Yuna. Ang mga mata ni Robert ay may kakaibang titig kay Yuna. Tahimik itong humihigop ng kanyang sopas, at nang marinig niya ang mga salita ni Robert, ngumiti siya at nagtanong, "Patay na ba si Rowena?" Nagbago ang mukha ni Robert nang marinig niya iyon,"Ikaw babae! hindi ako makapaniwalang napakasama mo palang babae! Hindi pa ako nakakita ng ng babaeng ganito kasamang na tulad mo. Matapos itulak si Rowena sa dagat, wala ka man lang bahid ng panghihinayang o takot!" Sabi ni Robert at lumakad para salakayin si Yuna. Hinawakan ni Felix ang kamay ng lalaki saka ito tinitigan g may pagbabanta at sinabi sa malamig at walang malasakit na boses, "Robert Ikaw ay nasa pamamahay ko, kung maglakas-loob kang saktan ang asawa ko ulit, hindi ako magdadalawang isip, gusto mong subukan?""Kapatid mo si Rowena!" Nagulat si Robert. Talagang ipinagtanggol ni Felix ang masamang babaeng ito hanggang sa oras na ito.Si Felix ng

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status