Habang abala ako sa pagtitig sa mukha ng guwapo kong anak, hindi ko namalayan na nakapasok na pala ang Doctor. Siya ang Doctor ng aking anak. Tumayo ako upang salubungin siya pero nang magsalita ang aking anak, lumingon ako. Nakangiti ito nang masulyapan ko siya. Lumapit ako't niyakap siya. Humalik ako sa kan'yang noo. Dama ko ang paghaplos niya sa aking likod. "Mama, Im okay now. I want to go home now," malambing na sabi ng anak kong englisero. Si papa ang nagturo sa kan'ya. Hay naku, like lolo like apo talaga ang dalawa."Okay, pero kailangan nating makausap ang Doktor mo kung papayag siya.," ngiting sabi ko sabay pindot ko sa kan'yang ilong na ikinahagikhik niya. Halatang magaling na mga siya. Pero kahapon lang ay nanghihina ito pero ngayon ang sigla niya na. "Yes mama, I miss my sister Joharra na eh," dagdag pa niya."Dok narinig niyo naman po ang anak ko. Mukhang magaling na nga siya.""Yes, he's alright now. Malakas ka na ba Johann?" Tanong nito. Ngumiti ang anak ko at kita an
Read more