ANYANA POV 'Hey, anong nangyari? Bakit nagkulay papel ka na diyan?" nagtatakang tanong sa akin ni Andrea! Kaagad ko namang pinunasan ang luha sa aking mga mata sabay iling "Ha? Ah, wala! Wala!" mahina kong sambit! Sobrang sikip ng dibdib ko sa nalamang tuluyan na nga pala akong kinalimutan ni Stephen! Ikakasal na pala siya sa ibang babae! May iba na siyang iniibig at mukhang maiiwan pa yata akong talunan at nagdurusa! Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko two years ago na lumayo muna sa paniniwalang makakalimutan ko din siya pero sa nakikita ko ngayun, parang gusto kong magsisisi! Kasalan ko ang lahat kung bakit nasasaktan ako ngayun! Ako ang nagtulak sa kanya na maghanap ng iba kaya hinding hindi ko talaga siya masisisi! May sarili din naman siyang pag-iisip at hindi ko talaga siya masisisi kung sakaling ma-inlove man siya sa iba "Anyana, sabihin mo nga sa akin...kilala mo ba ang fiance ng maharot kong pinsan?" narinig kong muling tanong sa akin ni Andrea! Mu
Last Updated : 2025-01-27 Read more