STEPHEN POV "PAANO kung hindi ko susundin lahat ng sinabi mo kani-kanina lang? May magagawa ka ba?" seryoso kong tanong sa kanya! Napansin kong huminto siya sa paghakbang at seryoso akong hinarap. "Well, kapag hindi mo sinunod ang nais ko at patuloy mo pa ring guluhin si Anyana, huwag niyo akong sisisihin kung may mga bagay akong magagawa na hindi niyo din magugustuhan!' seryoso niyang sagot sa akin! "Anong ibig mong sabihin? Isa ba itong pagbabanta?" kaagad ko ding tanong sa kanya. Kaagad naman siyang napangisi sabay iling "Ako ay isang tao na hindi mahilig sa mga pagbabanta, Stephen! HIndi lang naman ikaw ang may kasalanan sa anak ko diba? Marami kayo at pwede ko kayong isa-isahin para mapanagot! Kung ayaw mo ng gulo, mabuti pang sundin mo ang nais ko!'' seryoso niyang muling bigkas habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin! Ramdam ko ang panganib sa boses niya na nagbigay sa akin ng kakaibang takot! Takot na baka nga gumawa siya ng hakbang na hindi naayon sa kagustuhan
Huling Na-update : 2024-11-29 Magbasa pa