Habang binubuhos ang malamig na tubig sa kanyang ulo, ramdam ni Abby ang panghihina ng kanyang katawan. Nanginginig siya sa lamig, at ang sakit sa kanyang mga binti ay parang tinutusok ng libo-libong karayom. Sa kabila nito, patuloy niyang pinipilit na manatiling mulat. Para kay Biah.“Dana, tama na... gawin mo na lahat sa akin, pero huwag mo nang idamay ang anak ko,” bulong ni Abby, halos hindi marinig sa kahinaan ng kanyang boses.Ngunit tila bingi si Dana. Lumapit ito kay Abby at hinila ang kanyang mukha para magkatitigan sila. “Nakakainis, Abby. Kahit na anong gawin ko, para kang laging martir. Naiinis ako sa tapang mo, sa pagmamahal mo sa anak mo! Pero tignan natin kung hanggang saan mo kaya.”Muling iniabot ni Dana ang timba, pero biglang nagsalita si Biah, halos pasigaw. “Please po! Tama na po! Tita Dana, huwag mo nang saktan si Mommy! Ako na lang po ulit!”Napatingin si Abby sa anak. Sa kabila ng takot sa mga mata nito, kitang-kita niya ang pagmamalasakit at pagmamahal ng kany
Last Updated : 2024-12-28 Read more