Home / Romance / THE TYCOON'S ACCIDENTAL BABY / Chapter 81 - Chapter 90

All Chapters of THE TYCOON'S ACCIDENTAL BABY: Chapter 81 - Chapter 90

111 Chapters

CHAPTER 81: FIRST BORN?

Nakatayo sina Giovanni, Fatima, at Sander sa gitna ng sala, mahigpit na nakahawak sa kanilang mga armas habang sinusuri ang basag na bintana. Tahimik ang paligid, ngunit ramdam ang bigat ng banta na nasa ere.“Hindi natin alam kung may tao pang nasa paligid,” bulong ni Sander, pinapagana ang night vision scope ng kaniyang baril. “Pero sigurado akong hindi lang babala ang papel na ‘yan.”“Wala na bang katapusan ‘to?” mahinang bulong ni Fatima.“Don’t worry, nandito ako. Proprotektahan kita. Sayang lang at hindi ko nagawa noon…”“Tama ka, kung nagawa mo lang kaming protektahan noon buhay pa sana ang anak natin…” bulong muli ni Fatima ngunit tama lang at sapat para marinig ni Giovanni.Ang akala ni Giovanni ay buhay ang anak nila, hindi rin pala. Mukhang mali ang balitang nakuha niya. Samantala si Sander, ay biglang nagduda kay Fatima.Pakiramdam niya ay ibang tao ang kasama nila, ngunit ayaw naman niyang magduda o maging paranoid. Matagal niya itong hinanap para kay Giovanni dahil naaaw
last updateLast Updated : 2025-01-30
Read more

CHAPTER 82: BOMBING

Wala nang oras para magluluksa. Habang bumubulwak ang dugo ni Jayce sa ilog, mabilis na tumakbo si Giovanni patungo sa sasakyan ni Sander.“Move, Sander! Hindi natin siya pwedeng pakawalan!” sigaw niya habang sinasara ang pinto.Mabilis na pinaandar ni Sander ang sasakyan, gulong ay sumayad sa basang kalsada habang hinahabol nila ang aninong tumatakbo sa ibabaw ng mga gusali.Sa kabilang linya ng radyo, nagsalita si Fatima, halatang kinakabahan. “Giovanni, anong plano mo?! Hindi mo siya pwedeng basta habulin ng walang plano—”“I won’t let her get away!” sagot ni Giovanni, hawak na ang baril habang binubuksan ang bintana. “Sander, dalhin mo ako malapit sa eskinita sa kanan. Kung tatawid siya ro’n, masusukol natin siya!”Sa ibabaw ng mga gusali, mabilis na tumatakbo ang babae— walang takot, walang alinlangan. Maliksi siyang tumatalon mula sa isang bubong papunta sa isa pa, ang itim niyang leather jacket ay pumapagaspas sa hangin.Pero hindi siya nag-iisa.Gamit ang isang metal pipe, uma
last updateLast Updated : 2025-01-30
Read more

CHAPTER 83: THE IMPOSTOR

SECRET RESTHOUSESa isang kwarto na napapalibutan ng mamahaling muwebles, may isang babae na nakaupo sa gilid ng kama. Nakasuot siya ng puting blouse at may mga pasa sa kaniyang braso. Hawak niya ang isang tasa ng tsaa, nanginginig ang kamay niya habang nakatingin sa bintana.Biglang bumukas ang pinto.Pumasok si William, may dalang isang folder at isang baso ng whiskey. Tahimik siyang lumapit sa babae at naupo sa tapat nito.“Fatima… kamusta ang pakiramdam mo?”Dahan-dahang tumingin ang babae sa kaniya.“A–Anong ginawa mo sa kanila?”Umiling si William nang may bahagyang ngiti sa labi.“Hindi ko sila ginalaw o sinakatan kung ‘yan ang iniisip mo. Pero sigurado akong nalilito na sila ngayon.” Itinulak niya ang folder sa mesa. “Buksan mo ‘yan.”Dahan-dahang binuksan ni Fatima ang folder. Pagkakita niya sa laman, nanlaki ang mga mata niya— mga larawan ni Giovanni, Sander, at ang “isa pang Fatima” na kasama nila.“I–Imposible… sino ang babaeng ‘yan? B–Bakit ko siya kamukha?”Umupo si Will
last updateLast Updated : 2025-01-31
Read more

CHAPTER 84: ISANG BITAG

Habang natutulog si Fatima sa sofa, si Giovanni at Sander ay tahimik na nag-uusap sa isang sulok ng kwarto. Dinig lang ang mahihinang tunog ng relo at malayong ugong ng mga sasakyan mula sa labas.“So, paano natin siya mahuhuli?”“Simple lang. Bibigyan natin siya ng dahilan para ipakita kung sino siya talaga.”“And paano natin gagawin ‘yon?”“Magpapanggap tayong wala tayong alam… at bibigyan natin siya ng impormasyon na hindi niya pwedeng palampasin.”Dahan-dahang ngumiti si Sander.“Hmm. Mukhang may ideya ka na. I like that.”Kinabukasan, habang nag-aalmusal sila, kunwaring walang alam si Giovanni at Sander.“May bago akong nalaman tungkol kay Mariella.”Napatingin si Fatima. “Ano ‘yun?” kaagad nitong tanong. “May lihim siyang safehouse sa may lumang pier. Ayon sa impormante natin, nandoon siya ngayon, mag-isa.”Sandaling napatigil si Fatima. Kahit sinubukan niyang magmukhang kalmado, hindi nakaligtas kay Giovanni at Sander ang bahagyang paghigpit ng hawak niya sa tinidor.“Sigurado
last updateLast Updated : 2025-01-31
Read more

CHAPTER 85: THE TRAP

Ang abandonadong gusali sa gilid ng riles, kasalukuyang nilalamon ng apoy.Habang patuloy ang pagkalat ng apoy, mabilis na tumakbo si Giovanni papunta sa gumuhong bahagi ng gusali. Nasa likuran niya si Sander, habang ang mga pulis at bumbero ay kararating pa lang.“Giovanni, putcha, hindi ka seryoso— pasukin mo ‘yan? Nasusunog ‘yan, gago!” hindi makapaniwalang sambit ni Sander.“Kung nandoon si Fatima, wala na akong pakialam sa apoy!”“Hintayin mo na lang ang bumbero! Baka mapahamak ka pa!”Sa kabila ng babala ni Sander, pumasok si Giovanni sa loob ng gusali. Makapal ang usok, at hirap siyang huminga.Pagdating niya sa loob, nakita niya ang mga gumuhong dingding at nasusunog na sahig.Sa gitna ng guho, may nakita siyang isang katawan— isang babaeng nakasuot ng puting blouse, duguan at halos natabunan ng debris.Huminto ang mundo ni Giovanni.Lumapit siya, nanginginig ang mga kamay, at tinanggal ang ilang piraso ng semento sa ibabaw ng katawan.Pagtingin niya sa mukha ng babae—Hindi i
last updateLast Updated : 2025-01-31
Read more

CHAPTER 86: WHITE LIES

Sa gitna ng warehouse, nakatayo sina Giovanni at Sander, napapalibutan ng mga tauhan ni William. Sa itaas ng balcony, nakangisi si Mariella habang hawak ang detonator, habang ang boses ni William ay patuloy na umaalingawngaw mula sa intercom.Sa harapan nila, nakabagsak ang katawan ng babaeng kamukha ni Fatima. Isang bangkay.Damn it… Ano ‘to? Isang panlilinlang na naman? Hindi ito si Fatima. Binabaliw na naman siya ng ama niya.Alam ni Giovanni na hindi sila basta-bastang makakalaban sa sitwasyong ito. Kailangan niyang makuha ang tiwala— or at least, ang atensyon— ni Mariella.Tumayo ng diretso si Giovanni, tinaasan ng kilay si Mariella. ‘You know, Mariella, hindi mo na kailangan ng lahat ng ‘to. Alam kong matalino ka— mas matalino ka sa lahat ng tauhan dito. Pero ang tanong ko…” naglakad siya nang bahagya, kahit tinutukan siya ng baril ng mga tauhan ni William. “Gaano mo talaga kakilala si William?”Napakunot ang noo ni Mariella.“Ano’ng ibig mong sabihin?”Umiling si Giovanni na ma
last updateLast Updated : 2025-01-31
Read more

CHAPTER 87: DUO

Matapos makuha ni Giovanni ang impormasyon mula kay Mariella, hindi na nag-aksaya ng oras ang dalawa. Agad nilang pinatagal ang plano upang makarating sa abandoned mansion na nagsisilbing taguan ni William. Sinalo ni Mariella ang mga kagamitan, at pinangunahan ni Giovanni ang pagda-drive, mabilis nilang tinahak ang madilim na kalsada patungo sa lugar na iyon.Habang binabaybay nila ang daan, naramdaman ni Giovanni ang kabang dulot ng pagsagupa nila kay William. Alam niyang may mga pangyayari na hindi pa nila natutugunan— at ang presensya ni Mariella bilang kapwa kaaway ay isang patibong, pero ngayon, nagkaroon siya ng pagkakataon na magtulungan. Tila napagod na si Giovanni sa pagtatago ng galit at galit sa ama, kaya't iniwasan na niyang pagtuunan pa ng pansin si Mariella sa ngayon.Nagmamadaling binabaybay ni Giovanni ang kalsada, hindi na tinitingnan ang babae sa tabi niya. “Mariella, kung may pagkakataon kang magtulungan, kunin mo na. Huwag mong gawing dahilan ang paghihiganti mo ka
last updateLast Updated : 2025-01-31
Read more

CHAPTER 88: HIDDEN FILE?

Nang makita nila si William na nagtatago sa likod ng isang malaking metal na mesa, nagdesisyon si Giovanni na hindi na mag-aksaya pa ng oras sa labanan. Sa halip, nais niyang tapusin na ito sa paraang makakakuha sila ng impormasyon mula kay William at matapos ang laban nang buo. Kinuha niya ang pagkakataon, tumayo mula sa kanyang kinalalagyan, at tinutok ang baril kay William.“Daddy! Tama na! Hindi ka na makakatakas. Lumabas ka na at sumuko bago pa makapasok ang mga tauhan ko. Wala ka nang kawala ngayon!”Nanatiling tahimik sa loob ng silid. Ang usok mula sa grenade ay unti-unting nawawala, kaya't mas malinaw nang makikita ang silid, pati na rin si William na ngayon ay nakatago pa rin. Hindi siya tumutugon agad, pero maaari mong makita ang tensyon sa bawat galaw niya. Sa isang iglap, naramdaman ni Giovanni ang lakas ng presensya ni William– alam niyang hindi magiging madali ang huling bahagi ng laban na ito.Itinutok ni Giovanni ang baril, mas humigpit ang hawak niya rito. “Huwag mon
last updateLast Updated : 2025-01-31
Read more

CHAPTER 89: AMBUSH

Habang hawak ni Giovanni ang mga dokumento mula sa laptop, isang matinding tensyon ang bumalot sa silid. Alam niyang kailangan niyang mag-ingat sa bawat galaw. Patagilid siyang lumapit kay William, na nakatayo pa rin at tila nagmamasid sa bawat galaw niya.Itinutok ni Giovanni ang mga dokumento kay William, habang dahan-dahan siyang lumalapit. “Hindi mo na kayang magtago, Dad. Marami na akong nalalaman Ang tanong, ano ang susunod na hakbang mo?”Nang makita ni William ang mga dokumento, isang malupit na ngiti ang sumik sa kanyang mukha. Hindi ito ang reaksyon na inaasahan ni Giovanni. Inisip niyang magtatangkang magtago pa ito o mag-deny, ngunit tila hindi. Ang mga mata ni William ay may kakaibang kasiguraduhan— parang handa na siyang humarap sa susunod na laban.“Hindi mo ba naiintindihan, Giovanni? Hindi ito basta tungkol sa amin. Hindi lang ito tungkol sa pamilya natin, kundi tungkol sa gusto kong mangyari, your mom–”“Oh, fvkc off. Mom is already dead!”Napangisi si William, at
last updateLast Updated : 2025-01-31
Read more

CHAPTER 90: EVIDENCE

Habang patuloy ang pagputok ng mga bala at ang ingay ng mga pagsabog sa paligid, nahirapan si Giovanni at Mariella na abutin si William na mabilis na tumatakas. Nagdesisyon si Giovanni na kumuha ng mas mabilis at mas malakas na suporta para sa huling bahagi ng operasyon. Kailangan niyang tiyakin na hindi makakaligtas si William, at ang mga kalaban ay masyadong marami upang makayanan nila ni Mariella nang mag-isa.“Mariella, kailangan natin ng backup. Tawagan mo si Sander at sabihin mong maghanda!” sambit ni Giovanni habang tinutok ang baril kay William na nagtatago sa isang silid.Tumango si Mariella at binuksan ang komunikasyon device. “Sander, kailangan namin ng tulong. Huwag ka nang mag-aksaya ng oras, bilisan mo! May target tayo na kailangan tapusin.”Sa kabilang linya, mabilis na tumugon si Sander, na maririnig ang malakas na tunog ng mga putok at pagsabog sa kanyang paligid.“Understood! Aalis na ako. Makikita ko kayo sa dakong hilaga.” sigaw ni Sander, sa kabilang linya, malaka
last updateLast Updated : 2025-01-31
Read more
PREV
1
...
789101112
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status