Share

CHAPTER 85: THE TRAP

Author: febbyflame
last update Last Updated: 2025-01-31 06:37:09

Ang abandonadong gusali sa gilid ng riles, kasalukuyang nilalamon ng apoy.

Habang patuloy ang pagkalat ng apoy, mabilis na tumakbo si Giovanni papunta sa gumuhong bahagi ng gusali. Nasa likuran niya si Sander, habang ang mga pulis at bumbero ay kararating pa lang.

“Giovanni, putcha, hindi ka seryoso— pasukin mo ‘yan? Nasusunog ‘yan, gago!” hindi makapaniwalang sambit ni Sander.

“Kung nandoon si Fatima, wala na akong pakialam sa apoy!”

“Hintayin mo na lang ang bumbero! Baka mapahamak ka pa!”

Sa kabila ng babala ni Sander, pumasok si Giovanni sa loob ng gusali. Makapal ang usok, at hirap siyang huminga.

Pagdating niya sa loob, nakita niya ang mga gumuhong dingding at nasusunog na sahig.

Sa gitna ng guho, may nakita siyang isang katawan— isang babaeng nakasuot ng puting blouse, duguan at halos natabunan ng debris.

Huminto ang mundo ni Giovanni.

Lumapit siya, nanginginig ang mga kamay, at tinanggal ang ilang piraso ng semento sa ibabaw ng katawan.

Pagtingin niya sa mukha ng babae—

Hindi i
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • THE TYCOON'S ACCIDENTAL BABY   CHAPTER 86: WHITE LIES

    Sa gitna ng warehouse, nakatayo sina Giovanni at Sander, napapalibutan ng mga tauhan ni William. Sa itaas ng balcony, nakangisi si Mariella habang hawak ang detonator, habang ang boses ni William ay patuloy na umaalingawngaw mula sa intercom.Sa harapan nila, nakabagsak ang katawan ng babaeng kamukha ni Fatima. Isang bangkay.Damn it… Ano ‘to? Isang panlilinlang na naman? Hindi ito si Fatima. Binabaliw na naman siya ng ama niya.Alam ni Giovanni na hindi sila basta-bastang makakalaban sa sitwasyong ito. Kailangan niyang makuha ang tiwala— or at least, ang atensyon— ni Mariella.Tumayo ng diretso si Giovanni, tinaasan ng kilay si Mariella. ‘You know, Mariella, hindi mo na kailangan ng lahat ng ‘to. Alam kong matalino ka— mas matalino ka sa lahat ng tauhan dito. Pero ang tanong ko…” naglakad siya nang bahagya, kahit tinutukan siya ng baril ng mga tauhan ni William. “Gaano mo talaga kakilala si William?”Napakunot ang noo ni Mariella.“Ano’ng ibig mong sabihin?”Umiling si Giovanni na ma

    Last Updated : 2025-01-31
  • THE TYCOON'S ACCIDENTAL BABY   CHAPTER 87: DUO

    Matapos makuha ni Giovanni ang impormasyon mula kay Mariella, hindi na nag-aksaya ng oras ang dalawa. Agad nilang pinatagal ang plano upang makarating sa abandoned mansion na nagsisilbing taguan ni William. Sinalo ni Mariella ang mga kagamitan, at pinangunahan ni Giovanni ang pagda-drive, mabilis nilang tinahak ang madilim na kalsada patungo sa lugar na iyon.Habang binabaybay nila ang daan, naramdaman ni Giovanni ang kabang dulot ng pagsagupa nila kay William. Alam niyang may mga pangyayari na hindi pa nila natutugunan— at ang presensya ni Mariella bilang kapwa kaaway ay isang patibong, pero ngayon, nagkaroon siya ng pagkakataon na magtulungan. Tila napagod na si Giovanni sa pagtatago ng galit at galit sa ama, kaya't iniwasan na niyang pagtuunan pa ng pansin si Mariella sa ngayon.Nagmamadaling binabaybay ni Giovanni ang kalsada, hindi na tinitingnan ang babae sa tabi niya. “Mariella, kung may pagkakataon kang magtulungan, kunin mo na. Huwag mong gawing dahilan ang paghihiganti mo ka

    Last Updated : 2025-01-31
  • THE TYCOON'S ACCIDENTAL BABY   CHAPTER 88: HIDDEN FILE?

    Nang makita nila si William na nagtatago sa likod ng isang malaking metal na mesa, nagdesisyon si Giovanni na hindi na mag-aksaya pa ng oras sa labanan. Sa halip, nais niyang tapusin na ito sa paraang makakakuha sila ng impormasyon mula kay William at matapos ang laban nang buo. Kinuha niya ang pagkakataon, tumayo mula sa kanyang kinalalagyan, at tinutok ang baril kay William.“Daddy! Tama na! Hindi ka na makakatakas. Lumabas ka na at sumuko bago pa makapasok ang mga tauhan ko. Wala ka nang kawala ngayon!”Nanatiling tahimik sa loob ng silid. Ang usok mula sa grenade ay unti-unting nawawala, kaya't mas malinaw nang makikita ang silid, pati na rin si William na ngayon ay nakatago pa rin. Hindi siya tumutugon agad, pero maaari mong makita ang tensyon sa bawat galaw niya. Sa isang iglap, naramdaman ni Giovanni ang lakas ng presensya ni William– alam niyang hindi magiging madali ang huling bahagi ng laban na ito.Itinutok ni Giovanni ang baril, mas humigpit ang hawak niya rito. “Huwag mon

    Last Updated : 2025-01-31
  • THE TYCOON'S ACCIDENTAL BABY   CHAPTER 89: AMBUSH

    Habang hawak ni Giovanni ang mga dokumento mula sa laptop, isang matinding tensyon ang bumalot sa silid. Alam niyang kailangan niyang mag-ingat sa bawat galaw. Patagilid siyang lumapit kay William, na nakatayo pa rin at tila nagmamasid sa bawat galaw niya.Itinutok ni Giovanni ang mga dokumento kay William, habang dahan-dahan siyang lumalapit. “Hindi mo na kayang magtago, Dad. Marami na akong nalalaman Ang tanong, ano ang susunod na hakbang mo?”Nang makita ni William ang mga dokumento, isang malupit na ngiti ang sumik sa kanyang mukha. Hindi ito ang reaksyon na inaasahan ni Giovanni. Inisip niyang magtatangkang magtago pa ito o mag-deny, ngunit tila hindi. Ang mga mata ni William ay may kakaibang kasiguraduhan— parang handa na siyang humarap sa susunod na laban.“Hindi mo ba naiintindihan, Giovanni? Hindi ito basta tungkol sa amin. Hindi lang ito tungkol sa pamilya natin, kundi tungkol sa gusto kong mangyari, your mom–”“Oh, fvkc off. Mom is already dead!”Napangisi si William, at

    Last Updated : 2025-01-31
  • THE TYCOON'S ACCIDENTAL BABY   CHAPTER 90: EVIDENCE

    Habang patuloy ang pagputok ng mga bala at ang ingay ng mga pagsabog sa paligid, nahirapan si Giovanni at Mariella na abutin si William na mabilis na tumatakas. Nagdesisyon si Giovanni na kumuha ng mas mabilis at mas malakas na suporta para sa huling bahagi ng operasyon. Kailangan niyang tiyakin na hindi makakaligtas si William, at ang mga kalaban ay masyadong marami upang makayanan nila ni Mariella nang mag-isa.“Mariella, kailangan natin ng backup. Tawagan mo si Sander at sabihin mong maghanda!” sambit ni Giovanni habang tinutok ang baril kay William na nagtatago sa isang silid.Tumango si Mariella at binuksan ang komunikasyon device. “Sander, kailangan namin ng tulong. Huwag ka nang mag-aksaya ng oras, bilisan mo! May target tayo na kailangan tapusin.”Sa kabilang linya, mabilis na tumugon si Sander, na maririnig ang malakas na tunog ng mga putok at pagsabog sa kanyang paligid.“Understood! Aalis na ako. Makikita ko kayo sa dakong hilaga.” sigaw ni Sander, sa kabilang linya, malaka

    Last Updated : 2025-01-31
  • THE TYCOON'S ACCIDENTAL BABY   CHAPTER 91: SECRET ROOM

    Hindi pa rin tumitigil si Giovanni at ang kanyang grupo sa paghahanap ng mga posibleng hidden locations ni William sa mansion. Habang nag-aalab ang kanilang pagnanasa na tapusin na ang laban, alam nilang kailangan nilang tiyakin na wala nang iba pang matatagpuan na panganib o lihim na kuwarto na magagamit ni William sa kaniyang pagtakas.“Mariella, patuloy lang tayo sa bawat floor. Sander, check ang basement. Dapat ay wala nang madadaanan si Daddy.” sa walkie-talkie, malumanay ngunit matalim ang tono.“Copy that. Kung may madadaanan man siya, we’ll catch him.” mabilis at alerto ang sagot. “Understood. I’ll check the storage rooms. Don’t leave any corner untouched.” sambit naman ni Sander.Nagpatuloy si Giovanni at ang mga tauhan niya sa kanilang misyon, bawat kwarto, bawat corridor, bawat sulok ay sinusuri nila. Mabilis at tumpak, walang bakas ng takot o kaba sa kanilang mga galaw. Habang si Mariella ay patuloy na nag-check sa mga hidden passages sa itaas, si Giovanni naman ay umakya

    Last Updated : 2025-01-31
  • THE TYCOON'S ACCIDENTAL BABY   CHAPTER 92: TEAM UP

    Ang mga huling sandali ng preparasyon ay nagaganap habang sina Giovanni, Mariella, at ang kanilang mga tauhan ay nagtatrabaho ng mabilis at tahimik. Habang nagsisimula nang magtipon ang mga backup teams, nagdesisyon si Giovanni na mag-set up ng mga perimeter traps at mag-deploy ng mga snipers upang masiguradong walang daraanan ang mga tauhan ni William at hindi siya makakalabas ng mansion ng hindi napapansin.Nagmamasid si Giovanni mula sa isang mataas na posisyon habang tinitingnan ang mansion. “Kailangan natin ng tight perimeter. Bawat kanto, bawat daan, kailangan maging secured. I-set up ang mga traps. Lahat ng pwedeng gamitin, gamitin natin.”Samantala si Mariella ay binubuo ang plano ng mga trap sa isang tablet, agad na kinokonekta ang mga snipers at backup teams sa communication lines. “All units in position. Ang mga snipers ay naka-setup na sa mga bubong sa paligid ng mansion. Saan ang focus points natin?”Itinutok ni Giovanni ang mga mata sa mapa at mga strategic points. “Dito

    Last Updated : 2025-01-31
  • THE TYCOON'S ACCIDENTAL BABY   CHAPTER 93: CAUGHT OFF GUARD

    Habang ang mga tauhan ni Giovanni ay patuloy na humahabol sa madilim na underground tunnels, napansin nila na si William ay tila may mga lihim na exit points na pwedeng magamit upang makalabas ng mabilis. Kaya’t isang mabilis na desisyon ang ginawa ni Giovanni upang magsimula ng paghahanda para sa huling hakbang—ang pagtatayo ng mga barricades sa mga posibleng daan ng pagtakas.“Everyone, hold your positions! Set up barricades now! We can’t let him get past us again!” malakas ang boses na sigaw ni Giovanni habang binibigyan ng utos ang kanyang team.Ang mga tauhan ay nagmadali upang maghanap ng mga piraso ng debris at mga kagamitan mula sa mga nasirang pader at mga gamit sa silid. Dali-dali nilang pinagsama-sama ang mga steel barrels, mga kahon, at iba pang mga bagay upang magtayo ng matibay na barricade sa mga pangunahing daanan.Habang nagtatayo si Alex ng barrier sa isang madilim na kanto ay sumigaw din siya. “This should slow him down, but we have to make sure we cover all routes.

    Last Updated : 2025-01-31

Latest chapter

  • THE TYCOON'S ACCIDENTAL BABY   CHAPTER 111: UNEXPECTED VISITOR

    Habang nagmamadali silang lumabas ng bahay, ang mga yabag ng mga kalaban mula sa dilim ay patuloy na lumalapit. Si Giovanni at ang kanyang grupo ay handa nang makipaglaban. Ang mga mata nila ay puno ng determinasyon at takot—alam nilang bawat galaw ay magdudulot ng buhay o kamatayan.Ngunit, bigla na lamang, may mga kalalakihan na sumulpot mula sa dilim. Lahat sila ay nakaitim, ang mga mukha ay tinatakpan ng mga sombrero at bandana. Agad na nagbanta sa kanila ang presensya ng mga lalaki—ang mga kalaban ba ay dumating na nang buo?"Mga kalaban!" sigaw ni Giovanni, sabay hawak sa kanyang baril. "Maghanda kayo!"Ang mga mata ni Fatima, Mariella, at Sander ay naging alerto. Tumigil sila sa kanilang mga hakbang at naghanda ng kanilang mga armas, ngunit hindi pa man sila nakakalapit sa mga kalalakihan, isang pamilyar na tinig ang narinig nila mula sa likod."Giovanni, itigil mo na!" sigaw ng isang lalaki na pumasok mula sa madilim na bahagi ng bahay. "Hindi kami kalaban!"Nagulat si Giovann

  • THE TYCOON'S ACCIDENTAL BABY   CHAPTER 110: SAVE MARCUS!

    Ang malamlam na gabi ay nagbigay daan sa isang hindi inaasahang takbo ng mga pangyayari. Mabilis na tumakbo si Giovanni at ang kanyang grupo—si Mariella, Fatima, at Sander—pabalik sa kanilang bahay, ang bawat hakbang ay puno ng kaba at tensyon. Iniisip ni Giovanni ang kaligtasan ng kanyang anak na si Marcus, at ang takot na may mangyaring masama sa kanilang pamilya. Kung hindi sila magmamadali, maaaring huli na ang lahat.Habang naglalakad sila, ang malamig na hangin ay sumasabay sa takot na umaabot mula sa kanyang dibdib hanggang sa kanyang mga daliri. Minsan lang siyang magmadali, at ngayon, tila ang bawat minuto ay may buhay at kamatayan na nakataya. Hindi maitatanggi, ang galit at pagkabigo ay sabayang sumasabog sa kanyang isipan. Kung hindi siya nagmadali, hindi lang ang buhay niya ang mawawala, kundi pati na ang pamilya niyang matagal na niyang pinangarap protektahan."Giovanni, kailangan nating magmadali," sabi ni Mariella, habang ang mga mata nito ay nagmamasid sa paligid, til

  • THE TYCOON'S ACCIDENTAL BABY   CHAPTER 109: KEEP SAFE

    Samantala si Mariella ay aksidenteng narinig ang pinag-uusapan ng mga taong na utos sa kaniya na patayin si Giovanni. Ang totoo pa lang motibo nito ay para makuha ang kompanya ng Samniego, at patayin pati na rin siya.Habang naglalakad si Mariella sa madilim na kalsada, ang mga saloobin niya ay gumugulo sa kanyang isipan. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig—ang mga plano ng mga tao na nag-utos sa kanya na patayin si Giovanni. Hindi lang siya ang target nila. Gamit ang kanyang mga alyado, ang layunin nila ay ang kunin ang buong kompanya ng Samniego, at pagkatapos, tiyak na siya na rin ang kanilang tatapusin. Ang mga mata ni Mariella ay sumabog sa galit at takot. Paano niya nalaman ang mga lihim na ito? Bakit kailangan nilang gawin ito sa kanya at kay Giovanni?"Ang plano mo, Giovanni... hindi ko na kayang maging bahagi nito," bulong niya sa sarili habang mabilis na naglalakad, ang puso ay kumakalampag sa kaba.Naisip niyang kailangan niyang makita si Giovanni, para maipaliwanag

  • THE TYCOON'S ACCIDENTAL BABY   CHAPTER 108: FEAR OF PAST

    Habang iniisip ni Giovanni ang mga saloobin, nagpatuloy si Mariella sa pagtayo, hindi alam kung anong susunod na hakbang ang gagawin. Nang biglang may narinig silang tunog ng mga yabag sa labas ng kwarto. Isang seryosong tinig ang dumaan sa silid, at napansin nilang may mga anino na dumadaan sa bintana.Giovanni ay mabilis na tumayo at naglakad papunta sa pinto, pinansin ang tensyon sa hangin. “Nandiyan sila,” ang sabi niya, boses na may kalakip na galit. “I’m sure they’ve been watching us the whole time.”Mariella, na nagsimulang makaramdam ng kaba, ay sumunod kay Giovanni. "Sino sila? Anong gagawin natin?"Giovanni ay nakatingin sa bintana, ngunit hindi tumugon agad. Habang ang ingay sa labas ay lumalakas, natanaw niyang may mga armado na sumusugod sa gusali. "Hindi na nila tayo papakawalan, Mariella," sagot niya sa tono ng kalmado ngunit puno ng determination.Habang ang mga yabag ay naging mas malapit, napansin ni Mariella na ang mga armas ng mga pumasok ay hindi basta-basta. "Mas

  • THE TYCOON'S ACCIDENTAL BABY   CHAPTER 107: FAKE AMBUSH

    Lumipas ang ilang araw, at natagpuan ni Mariella ang sarili niyang nakatayo sa harap ng isang lumang gusali sa downtown, ang unang lokasyon na ibinigay sa kanya ng grupo ni Valderama. Sa loob ng gusali, isang grupo ng mga tauhan ang naghihintay—mga operatiba na gagabay sa kanya para sa pagbabalik niya sa mundo ni Giovanni.Pagpasok niya, sinalubong siya ni Mr. Cortez, may hawak na isang itim na bag. “Dito nakalagay ang lahat ng kailangan mo—damit, pera, at isang bagong phone na may direktang koneksyon sa amin.”Kinuha ni Mariella ang bag at binuksan ito, tinitingnan ang laman. “At ano ang unang gagawin ko?”Ngumiti si Mr. Cortez. “Ang una mong hakbang? Sisiguraduhin mong makikita ka ni Giovanni sa isang sitwasyon kung saan wala siyang choice kundi tulungan ka.”Mariella ay ngumiti nang mapanukso. “At anong klaseng sitwasyon ‘yan?”"Isang pekeng ambush," sagot ni Mr. Cortez habang nag-abot ng isa pang folder. "Isang senaryo kung saan para kang target ng isang assassination attempt. Per

  • THE TYCOON'S ACCIDENTAL BABY   CHAPTER 106: OWED TO SOMEONE

    Samantala sa loob ng madilim at mabahong kulungan, nakaupo si Mariella sa isang sulok, nakataas ang isang paa sa bakal na kama habang abala sa pagtalim ng isang maliit na piraso ng kahoy gamit ang isang bato. Ang kanyang mukha ay puno ng inis at pagod. Matagal-tagal na rin siyang nakakulong, ngunit imbes na makisama sa iba, mas pinili niyang makipag-away."Hoy, Mariella," sigaw ng isang matabang preso na si Liza, ang lider ng grupo ng mga babae sa loob ng kulungan. "Balita ko, sinubukan mo na namang bumangga sa mga bantay kanina. Anong akala mo, ikaw ang reyna dito?"Mariella ay nagtaas ng tingin at sinamaan ng tingin si Liza. "At ano naman kung totoo? Mas gusto ko pang mabulok dito nang mag-isa kaysa makisama sa mga katulad niyo."Biglang tumawa si Liza, ngunit ito'y may halong panunuya. "Talaga? Eh, paano kung dumating ang araw na wala kang kakampi rito? Alam mo naman kung anong nangyayari sa mga walang proteksyon sa loob ng kulungan, di ba?"Napangisi si Mariella, itinapon ang pina

  • THE TYCOON'S ACCIDENTAL BABY   CHAPTER 105: SAMANIEGO EMPIRE

    Back to normal na ang buhay ni Giovanni, balik siya sa kaniyang pagpapatakbo ng kompanya niya, habang si Fatima ay isang butihing housewife, at nag-aaral na ang kanilang anak na si MarcusIsang tahimik na umaga sa bahay nila. Sa likod ng malalaking bintana ng kanilang sala, kitang-kita ang masilayan ng araw na tumatama sa berdeng hardin. Si Giovanni ay nakaupo sa isang maluwang na mesa, nag-audit ng mga reports ng kompanyang patuloy niyang pinapalago. Ang kanyang mga mata ay seryoso, ngunit may mga pagkakataon na ang kanyang mga mata ay napapadako kay Fatima, na abala sa paghuhugas ng mga pinggan sa kusina.Si Fatima, suot ang kanyang simpleng puting damit, ay naglalakad mula sa isang sulok ng kusina patungo sa isa, naghahanda ng agahan para kay Marcus. Naisip ni Giovanni kung gaano siya nagpapasalamat sa mga simpleng bagay sa buhay. Sa kabila ng mga komplikasyon ng nakaraan, nakatagpo siya ng kapayapaan sa simpleng buhay na mayroon sila ngayon.Habang abala si Fatima, biglang narinig

  • THE TYCOON'S ACCIDENTAL BABY   CHAPTER 104: FAMILY MATTERS

    Habang patuloy na umiikot ang kasiyahan sa paligid nila, nakatayo si Giovanni sa tabi ni Fatima, ang kanyang braso ay nakayakap sa kanya, at ang kanilang anak na si Marcus ay nasa kanilang gilid. Ang hindi inaasahang pagdating ni William ay patuloy na gumugulo sa isipan ni Giovanni, ngunit alam niyang kailangan nilang magpatuloy. Mas malakas sila ngayon, magkasama.Luminga si Fatima kay Giovanni, ang mukha niya ay puno ng pag-aalala. "Ayos ka lang ba?" tanong niya nang malumanay, habang ang mga daliri niya ay dahan-dahang dumampi sa kanya.Tumango si Giovanni, kahit na may bigat na nararamdaman sa kanyang dibdib. "Oo, Fatima. Kailangan kong maging ayos. Para sa iyo, para kay Marcus... para sa ating hinaharap."Si Sander, na matagal nang nanonood mula sa malayo, ay lumapit sa kanila na may tahimik na ngiti. "Giovanni, Fatima, alam kong hindi madali ang bitawan ang nakaraan, pero ngayong gabi... ngayong gabi ay para sa inyo at sa inyong pamilya. Huwag ninyong hayaang mawalan ng liwanag

  • THE TYCOON'S ACCIDENTAL BABY   CHAPTER 103: FORGIVENESS

    Dalawang taon ang nakalipas, at ang araw ng kasal ni Giovanni at Fatima ay muling sumik, puno ng pag-asa at pagmamahal. Ang simbahan ay napakaganda, puno ng mga bulaklak at dekorasyong sumasalamin sa kanilang paglalakbay. Ang mga kaibigan at pamilya, pati na rin ang mga taong tumulong at nagsuporta sa kanila, ay naroroon upang makiisa sa pagdiriwang ng kanilang pagmamahalan.Si Giovanni, na nakatayo sa harap ng altar, ay malalim ang pag-iisip. Ang bawat hakbang na ginawa nila ni Fatima ay nagsilbing hakbang patungo sa isang bagong simula, at ngayon, narito siya, handang maglaan ng kanyang buong buhay para sa pinakamahalagang tao sa kanyang buhay.Habang hinihintay nila ang pagdating ni Fatima, naramdaman ni Giovanni ang isang malalim na kaligayahan. Kasama ang kanilang anak na si Marcus, nakatayo siya sa harap ng simbahan, tinitingnan ang mga mata ng kanyang mga kaibigan at mahal sa buhay. Tiningnan ni Giovanni si Sander, na nakangiti at tumango bilang tanda ng suporta."Giovanni, mal

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status