Maaga kaming umalis ni Brixx. Hindi ko alam kung anong nangyayari, pero may tumawag sa kanya na kailangan naming pumunta sa mansion nila. Nag-aalala ako, kaya't tinanong ko siya kung kailangan ba akong kasama. "Oo, kailangan," sagot niya. Alam kong pag-uusapan nila ang kasal namin, kaya't napapahinga na lang ako ng malalim bago maghanda at sumakay sa kotse."Kinakabahan ako," sabi ko kay Brixx habang binabaybay namin ang daan patungo sa mansion. "Huwag kang kabahan," sagot niya. "Hindi naman sila strikto, makinig ka lang sa kanila."Pagdating namin sa malaking bahay, agad akong naintriga sa kagandahan nito. Mula sa gate, makikita ang grandiyosong disenyo ng mansion. Pagbaba namin, sinalubong kami ng mga guwardiya at kinuha ang susi ng kotse. "Oh, mabuti naman at dumating kayo," wika ni Ashton pagdating namin sa sala. "Akala ko, mahiya kayong humarap sa akin.""Dapat ba akong mahiya sa inyo?" tanong ko, naguguluhan. "Anong dapat mo ikahiya?" tanong naman ni Brixx habang hinawakan ang k
Terakhir Diperbarui : 2024-08-05 Baca selengkapnya