R|18 R|18 Claire’s Point of View Noong una ay nagulat ako sa mga sinasabi ni Brixx ngunit sino ba naman ako para husgahan siya e ginagawa ko din naman kung ano ang ginagawa niya. Sinusubukan ko din naman siyang gamitin para sa sarili kong interest. Ilanga raw na ang nakalipas, madalas tumatawag lang ako kay Brixx at ganoon din siya. Hindi ko alam na ang fake relationship namin ay mauuwi sa araw-araw na update sa isa’t isa. Nakakatawa lang dahil ginagawa na namin totoo ang relasyong ito. “Naalis na po sa posisyon si Ma’am Janice!” Report sa akin ng assistant ko. Napangiti lang ako, mabuti naman kung ganoon. Kailangan nilang mag-suffer dalawa dahil sa pagtataksil na ginawa nila. Ang kapal talaga ng mukha niyang si Ashton, hinayaan ko na ngang mambabae tinuhog pa ang bestfriend ko. Ang kapal ng mukha di ba? Hindi ko talaga akalain na gagawin sa akin iyon ni Janice, she was my bestfriend since grade school. Family friend din naming siya kaya hindi ko nabigyan ng malisya ang closeness
Magbasa pa