HINDI pa man nakakapasok si DK, naririnig na niya ang pinapanood sa loob. At sa halos dalawang linggo niya rito sa bahay nila, iyon ang sumasalubong sa kanya pag-uwi galing opisina. “Hi, Kuya!” Si Katarina.“Mommy, nandito na po si Kuya DK!” paalam naman Kristen sa ina nila.“Okay!” sigaw nito mula sa kusina. “DK, anak, mga 15 minutes, ready na ang mesa! Baba ka na lang ulit.”“Yes, mom,” aniya. Tumingin siya sa mga kapatid na nanonood ng vlogs ni Ryder. Napatingin din siya doon dahil pinakita ang magandang mukha ni Everlee. Kahit na bagong gising, hindi man lang naging kabawasan sa pagiging natural na maganda nito. May halong Spanish blood ba naman kasi ang magulang nito.Bahagyang sumingkit ang mata niya nang makita ang hawak ni Ryder. Bulaklak iyon. Ginigising nito ang dalaga. At siyempre, bulaklak ang bubungad dito. Pero nang maisip na basta na lang itong pumasok sa silid ni Everlee ay nag-init bigla ang ulo niya.Kahit na ba ito ang boss ni Everlee at boyfriend, respeto man lang
Read more