Chapter 13“Bakit ka nandito? Hindi ba naka-file ka ng leave?” Si Cindy, isa sa mga officemate ni Belinda, ang unang nakakita sa kanya sa paglabas sa elevator. The whole building is owned by the RIVA Company at talaga namang hindi ito isang pipitsuging building, it has 100 floors. Ang floor kung saan nagtatrabaho si Belinda at Lia ay sa floor 65. “Sabi ko sa'yo, makikichismis mga 'yan, eh,” bulong ni Lia kay Belinda.Tumagal ang pang-aasar ni Lia kanina, pero laking pasalamat niya nang tumigil din naman ito kalaunan.“Nakakamiss magtrabaho, eh,” tanging sagot ni Belinda at agad na naglakad papunta sa cubicle niya, pero napanguso siya nang makita ang paglapit ng ilan sa kanya para magtanong gaya ni Cindy.“One month ang leave mo tapos ilang araw lang bumalik ka na? Hindi ka ba nag-enjoy sa honeymoon niyo ng asawa mo?” tanong ni Lena, isa rin sa katrabaho nila.Huminga ng malalim si Belinda. Naisip naman niyang magtatanong ang mga ito, pero ngayong nagtatanong na sila, hindi niya alam
Last Updated : 2024-06-28 Read more