Semua Bab Whirlwind Marriage: Tying the Knots with Mr. Billionaire: Bab 461 - Bab 470

480 Bab

Chapter 48.1

Chapter 48SA LOOB ng coffee shop, nagulat si Patricia sa biglaang pagdating ng babae. Tulad ng inaasahan, walang matinong lalaki ang lalapit sa kanya ng gano'n. Si Hacken, gusto lang talaga magpakasaya at siya ang napiling biktima. Medyo natawa si Patricia sa nangyari. Hindi na niya pinanood ang pagtatalo ng babae at ni Hacken. Tumayo na lang siya, kinuha ang bag, at ngumiti ng paumanhin sa babae. "Wala po kaming relasyon ni Mr. Hacken. Nandito lang ako sa meet-and-greet para sa blind date. Hindi ko po alam na may asawa na siya. Pasensya na."Pagkasabi nito, dumiretso siyang lumabas ng tea restaurant, hindi na lumingon pa.Si Hacken naman, halos pawisan sa kaba. "Wala akong kinalaman sa babaeng 'yan!"Pero natabunan ang boses niya ng tuloy-tuloy at malakas na sigaw ng babae. Marunong si Hacken sa mga bolahan pero hindi siya sanay makipagtalo, kaya hindi niya maipaliwanag ng maayos ang sitwasyon.Gusto pa sana niyang habulin si Patricia, pero biglang nagkunwaring nadulas ang babae, s
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-14
Baca selengkapnya

Chapter 48.2

DAHIL walang seatbelt, halos buong biyahe ay napilitan si Patricia na kumapit sa hawakan ng pinto. Sa bawat liko ng sasakyan, pakiramdam niya ay anytime ay lilipad siya palabas.Paulit-ulit siyang sumisigaw kay Daemon na huminto na, pero para bang wala siyang naririnig at tuloy lang sa pagmaneho.Tumalon na lang kaya siya palabas?Pero halos umabot na sa 200 kilometers per hour ang takbo ng sasakyan, wala siyang lakas ng loob para gawin ‘yon!Sa wakas, matapos siyang mapagod kakasigaw at kabang-kaba, huminto rin ang sasakyan. Sa harap niya, isang mala-Europe na gusali ang bumungad. Kasing laki ito ng pinakamalaking department store sa lungsod ng Saffron. Mula sa malayo, nabasa niya ang sign. "Elite Private Club".Kahit hindi pa siya nakakapunta sa lugar na ‘to, kilalang-kilala na niya ang pangalan nito. Ang private club na ‘to ay para lang sa mga mayayamang tao mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa, at kahit sa ibang bansa rin. Kahit may pera ka, hindi ibig sabihin ay makakapasok ka rit
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-14
Baca selengkapnya

Chapter 49.1

Chapter 49PERO hindi nagtagal, napansin ng babaeng tumutugtog ng harp si Patricia na tahimik lang sa isang tabi. Bahagyang kumunot ang noo niya. Napatingin din ang dalawang natitirang babae kay Patricia, at sandaling huminto ang tugtog matapos siyang mapansin.Sa lugar na ito… wala pang lalaking nagdala ng ibang babae.Napansin ni Daemon ang paghinto ng musika, kaya naiinis siyang dumilat, sinundan ng tingin ang tinititigan ng tatlong babae, at nakita si Patricia na nakatayo hindi kalayuan, parang hindi alam kung saan titingin. Kumunot ang noo niya at may lumitaw na kakaibang emosyon sa mga mata niya.Huminga nang malalim si Patricia. Kahit alam niyang hindi tama ang istorbohin si Daemon sa oras na ‘yon, hindi talaga siya komportableng manatili sa ganitong lugar. “Mr. Alejandro, pwede bang paalisin mo na ako.”Pagkarinig nito, naningkit ang mga mata ni Daemon, tapos biglang may lumitaw na kakaibang ngiti sa mukha niya. “Ano bang ginawa ko sa ’yo?”Wala siyang nasabi.Ano nga ba ang g
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-14
Baca selengkapnya

Chapter 49.2

PAGKALABAS ni Patricia sa silid, sandali siyang natigilan. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Madilim na sa labas, at ang lugar na ito ay lubos na hindi pamilyar sa kanya. Saan siya pupunta? Hindi niya alam.Parang isa na siyang si Alice sa Wonderland.Nasabi na niya ang mga salitang hindi na puwedeng bawiin kay Daemon, at sa totoo lang, hindi naman siya mukhang tipo ng tao na magpapadala pa ng taong ihahatid siya palabas.Napangiti si Patricia nang mapait... Tuwing ganitong oras, palagi siyang nakakaramdam ng matinding panghihina. Ayaw man niyang tumakbo palayo nang ganito, pero palaging ganito ang nangyayari , wala siyang magawa kundi tumakas.Dahil siya'y sobrang maliit kumpara sa mundong ginagalawan nila.Habang naglalakad siya sa hallway papuntang elevator, napansin niya ang isang matangkad na babae na nakatayo sa harap ng elevator. Makapal ang makeup nito, maganda ang hubog ng katawan, at naka-pulang cheongsam na halos hanggang singit ang slit. Kita ang mapuputi at mahahaba
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-14
Baca selengkapnya

Chapter 50.1

Chapter 50UMILING si Zaldy at napabuntong-hininga. “Ngayon, kapag naging mabait ka, iniisip na agad ng tao na may masama kang balak… Sabihin mo nga sakin, may mapapakinabangan ba ako sayo?”Alam ni Patricia na wala naman talaga siyang kayamanan o koneksyon na pwedeng mapakinabangan, kaya lalo siyang nagtaka.Gaano kaya kabored ang taong 'to para tumulong sa isang taong walang kinalaman sa sarili, at papagandahin siya ng libre pa? Ang isang babaeng kasing ganda ng Zaldy na 'to, siguradong titingin lang ng mataas sa mga babaeng kagaya ni Patricia.Para sa kanila, isa lang siyang wala sa halaga.Napansin din ni Zaldy ang kalituhan sa mukha ni Patricia, kaya medyo nawala ang ngiti sa kanyang labi. “Ginagawa ko lang ang mga bagay kapag trip ko. Siguro nakita kita kanina, at naalala ko yung dati kong mga pinagdaanan, kaya tinulungan kita. Ganun lang kasimple.”Napatulala pa rin si Patricia.Siguro naisip ni Zaldy na hindi pa rin siya kumbinsido, kaya binigyan siya ng litrato.Ang babae sa
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-15
Baca selengkapnya

Chapter 50.2

Pagkatapos, bumaba mula sa elevator ang isang foreigner na lalaki, may blonde na buhok at asul na mata. Naka-sando lang siya, at dahil basa ito ng pawis, kita ang abs niya.May mga babaeng naglakas-loob na mag-whistle sa kanya.Ngumiti ang lalaki, at pagdaan niya kay Zaldy, yumuko siya ng bahagya. “Hey, beauty, nice to see you.”Pagkatapos, ngumiti rin siya kay Patricia. “Hey, girl! You can do it!”Nakaramdam ng pagkailang si Patricia. Parang gusto niyang umiwas agad. Palagi kasi siyang naiilang kapag may kasama siyang mga taong parang "makinang" o masyadong kapansin-pansin.Pero si Zaldy, mukhang pihikan, at sinipat agad si Jack. "Nagda-diet ka na naman, ano? Mas pumayat ka pa yata? Ilang beses ko na bang sinabi sa’yo na tigilan mo na ‘yang pagpapapayat mo? Lalaki ka! Lalaki, gets mo?!"Napakamot si Jack at nakangiting inilabas ang dila. "Okay na, sumali lang ako sa vegetarian club, isang linggo akong puro gulay. Wag ka masyadong praning. Di na ako magda-diet ulit!"Nang marinig 'yon,
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-15
Baca selengkapnya

Chapter 51.1

Chapter 51"HUWAG kang masyadong mag-ehersisyo sa unang araw ng training. Pwede na siguro ang sampung kilometro na takbo ngayong gabi?""…Hindi pa ako kumakain ng hapunan…""Hapunan? Ba’t ka pa kakain kung gusto mong pumayat?""Sabi ni Zaldy bawal ang mag-fasting para lang pumayat...""O sige, lima na lang na kilometro pagkatapos ng hapunan."“…Pipiliin ko na lang yung takbo.”"Ano pa silbi ng laway ko kung makikipag-cooperate ka rin pala sa huli..."‘Yun ang unang pag-uusap nina Patricia at “Coach Chastain”. Tungkol sa biglaang project ng pagpapapayat, iginagalang ni Zaldy ang desisyon ni Patricia, magtrabaho sa araw, mag-ehersisyo sa gabi, at kumain ng tatlong beses sa isang araw ayon sa reseta ng nutritionist. Sa totoo lang, hindi naman talaga umaasa si Patricia. Dati na siyang nagpasya na magpapayat, pero kahit anong diyeta, pagtakbo, at pag-inom ng pampapayat, walang epekto. Mabilis siyang nag-rebound at nagka-side effects pa. Kaya mula noon, hindi na siya basta-basta nagtangka.
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-16
Baca selengkapnya

Chapter 51.2

"Click..." Tumunog ang shutter at umilaw ang flash. Tinitigan ni Chastain si Patricia sa phone habang halos bumigay na ng hininga si Patricia sa pagod.Kung isesend ko kaya ‘to kay Daemon, ano kayang magiging reaksyon ng lalaking iyon? Pero ngayon, parang wala namang magandang maidudulot ‘to para sa kanya o kay Daemon.Kaya’t sa huli, tinabi na lang ni Chastain ang phone niya.Si Patricia, gamit ang natitirang lakas ng loob, ay patuloy na tinitigan ang screen ng treadmill habang dahan-dahang tumataas ang mga numero. Di alam kung gaano katagal, pero sa wakas umabot din sa sampung kilometro...Tumigil ang treadmill, at napaluhod siya sa track, basang-basa ng pawis ang buong katawan!Tiningnan ni Chastain ang relo niya at bahagyang napakunot-noo. "Dalawang oras para sa ganito kaikling distansya."Wala nang lakas si Patricia para dumilat man lang o sumagot. Hingal na hingal siya at mas lalo pang sumasakit ang tiyan niya sa sobrang gutom.Grabe si Chastain… parang baliw! Ang klase ng train
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-16
Baca selengkapnya

Chapter 52.1

Chapter 52AKALA ni Patricia na magpapatuloy pa si Jack sa pagkukuwento, pero tumigil na ito doon. Nang lumaon, nalaman niyang iyon pala ang anibersaryo ng kasal ng taong gusto ni Jack… at mula noon ay nag-hunger strike na ito. Doon lang niya naisip na ang story ng ibong umiibig sa isang isda ay araw-araw na nangyayari sa mundong ito.Araw-araw may nagkakahiwalay dahil sa pag-ibig na hindi nasuklian.Pagdating sa gate ng subdivision, bumaba na si Patricia sa kotse. Nag-park si Jack, at dala ng nakasanayang asal, sinamahan niya si Patricia paakyat sa baba ng building. Matapos marinig ang kwento ni Jack, pakiramdam ni Patricia ay parang mas naging malapit ang loob niya rito. Sa huli, nagkulitan at nagkwentuhan na lang silang dalawa.“Alam mo ba, nag-aral ako ng Tagalog ng dalawang taon. Alam mo ba kung ano ang pinaka-nakakainis na word sa Tagalog para sa akin?”“Ano?”“Bababa! Noon, hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangang ganyan ang salita. Para tuloy minion ang nagsasalita.
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-16
Baca selengkapnya

Chapter 52.2

Hindi inakala ni Patricia na mas malala pa pala ang susunod na mangyayari.Kakapasok pa lang niya sa apartment at gusto na sanang maligo ng mainit at magpahinga, nang biglang tumunog ang cellphone niya.Pagtingin niya, ang Papa ang tumatawag.Nag-isip siya sandali bago sinagot. Nasabi na naman niya ang lahat noong huling tawag nila, at kilala niya ang ugali ng tatay niya, hindi na ito tatawag ulit kung tungkol lang ulit kay Paris.So bakit kaya ngayon?May masamang kutob si Patricia.At pagkarinig pa lang niya ng boses ng tatay niya, nagulat siya, umiiyak ito. Sa lahat ng nangyari dati, ni minsan hindi pa niya narinig na umiyak ang Papa nang ganito...Agad siyang kinabahan. “Papa, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?”“Pat… kasalanan ni Papa… kasalanan ko…” nanginginig ang boses ni Patrick habang umiiyak. Halatang marami siyang gustong sabihin pero hindi niya alam kung paano uumpisahan.“Wag kang magmadali, dahan-dahan mong ikuwento.” Ayaw na sana niyang makialam sa problema ng pamilya,
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-16
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
434445464748
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status