Chapter One Maggie Petras POV Malansang amoy at maingay na lugar ang bumungad sa akin sa entrada ng palengke. Narito ako sa palengke ngayon at pilit hinanap ang babaeng baliw kung maituring ng iba. Nasa kalagitnaan na ako ng pagtingin sa paligid nang may kumirot sa tagiliran ko. "Mayang!" ungot ko sa babaeng kumirot sa akin. Ngumiti ito sa akin at pumalakpak. "Taray, ang fresh mo ngayon ah," aniya at pinasadahan nang tingin ang kabuoan ko. "Saan lakad mo?" tanong nito sa 'kin bago hinawakan ang braso ko at pinaupo sa upuang malapit lamang sa pwesto namin. "Barangay. Kukuha sa requirements na sinabi mo,” saad ko bago tumingin sa isdaang pwesto namin. "Gusto mo samahan kita?" Umiling ako. "Wag na, Dumaan lang ako rito upang ipabantay sayo iyong dalawang anghel ko," sabi ko bago tumayo at handa nang umalis. "Sige, ingat ka sa lakad mo. Ako na bahala sa kapatid mo," paalam nito at inihatid ako sa tricycle na nakaparada sa gilid ng daan. "Ikaw rin," sabi ko bago puma
Last Updated : 2024-06-20 Read more